"Okay ka lang Ginger? Natulala ka bigla."

"Huh?" Nabalik ako sa huwisyo at isa-isa kong tiningnan ang mga babaeng nakapalibot na pala ngayon sa 'kin. "O-oo, okay lang. At pwede ba? Anlaki nitong batis! Magsikalat nga kayo!"

Dalawang oras ang ginugol ko sa paglalaba. Nang matapos akong maligo ay saka naman dumating si Rhioz, dinig ko ang bulungan ng malalanding kababaihan sa paligid pero dahil inborn ang kasungitan ni Rhioz ay dedma lang sila at umalis agad ang lalaki na wala ni isang salita.

"Wag n'yong gustuhin yun. Pagsisisihan nyo." Tatawa-tawang bulong ko sa kanila. 'Di pa kasi nakakalayo si Rhioz, baka marinig.

"Baka nahihiya lang. Tsaka tingnan nyo nga 'tong suot natin! Ang yagit tingnan." Si Iloida na kahit ano'ng suotin eh yagit pa rin.

"Isusuot ko talaga bago kong mga damit mamaya. Isama mo yung si pogi, Ginger ah?" Si feeling close number 2. Basahan na lang isuot mo besh.

Pagka-uwi ko ay nagtungo agad ako kila auntie. Nadaanan ko si Rhioz na binato ang mga manok sa maisan pero wala akong ganang pansinin sya kaya linampasan ko lang. Pagkarating ko kila auntie ay tamang-tama na nadatnan ko syang nagluluto ng bebenca at bico para mamaya ata. Tinampal nya kamay ko nung akmang kukuha sana ako ng isa.

"Isama mo yung alaga mo. Maganda yun ng mapasyal mo naman sya sa baryo."

"Naku auntie, walang interes yun sa paligid. Tsaka ang daming nagkakagusto sa kaniyang babae dun, baka kuyugin ng mga kalalakihan yan." Nag-aala cannibal pa naman ang mga lalaki dito pag may umaagaw sa atensiyon ng mga babae. "Isang linggo lang kami dito kaya 'di na kailangan yan."

"Eh ano'ng gusto mo? Mabulok sya sa kubo? Ilang araw nga lang kaya sulitin nyo! Nasa'n ba utak mo ha? Nasa pwet?" Asik nya. Sumimangot ako. Gusto ko sanang manatili lang dito buong linggo.

"Alam ko namang may ibang rason kung bakit ganiyan ang inaakto mo." Huminga ng malalim si auntie at hinarap ako. "Matagal na yun, sigurado akong hindi na babalik si—

"Oo na, pupunta na." Tumayo at lumabas ako sa kusina. Babalik na 'ko sa kubo para maghanda at para na rin masabihan ko si Rhioz.

"Magdala kayo ng face mask, okay?" Pahabol na sigaw ni auntie. Tumango ako at lalabas na sana, ngunit may nahapit ang paningin ko sa sala na nagpatigil sa 'kin.

"Auntie, ginagamit pa ni tsong itong tirador nya?" Wala si tsong dito may nilakad daw sa baryo kasi kagawad nga pala yun at sinama si Mai.

"Mukhang 'di na ata. Bakit?"

"Hmm.. wala naman. Hihiramin ko lang." Ngimisi ako saka kinuha ang tirador na nakasabit sa dingding. Pakanta-kanta akong lumabas ng bahay hanggang sa dumating na ako sa burol. Nakita ko agad si Rhioz na nakaupo pa rin sa malaking bato habang binabato pa rin ng mga manok

"Psst! May regalo ako sa 'yo." Nang lumigon siya sa'kin ay agad kong hinagis ang tirador na nasalo naman nya. Pinagkatitigan nya iyon sandali saka salubong ang kilay na nagtaas ng tingin sa 'kin.

"What d'you want me to do with this?"

"Uhm, itira sa mais? Gagu, common sense uy! Malamang sa manok mo itira!"

"Do you really have to shout?" Irita naman nyang sagot saka bininat-binat ang tirador habang naka-pikit pa ang isang mata.

"Oo!" Pinag-krus ko ang mga braso at pinanuod syang pumulot ng bato saka dahan-dahang bininat ang goma. Inasinta nya ang mga manok at nang bitiwan nya ang balahan..

Her Lockdown PossessionМесто, где живут истории. Откройте их для себя