"I'm a model, Valjerome. It's natural," I reasoned out.

As if you didn't know how much I wanted to be a model since then.

Or maybe...

You just forget.

Hindi naman siya umimik pa at sinenyasan ang tauhan na magsimulang magmaneho. Ramdam ko ang pagsandal niya sa upuan, hindi ko siya pinagkaabalahan pang lingunin sapagkat unti-unti kong naramdaman ang pagod sa dalawang oras na pagharap sa camera kanina.

I was about to close my eyes and took some rest when he spoke again.

"You've got an offer in Paris?" he asked coldly.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga at saka siya tamad na nilingon, agad niya namang sinalubong ang paningin ko.

Hindi na ako nagtataka kung paano niya nalaman. Knowing him and his connections, wala na talagang kataka-taka. Mas magugulat pa ako kapag wala siyang alam tungkol sa mga dumadating sa akin na offers.

"Huwag kang mag-alala, I turned down the offer," mapait kong tugon.

"Good," he simply said and went back to his position.

I just shook my head and continued what I was about to do earlier, took a nap.

"Dito ka lang, hindi ka aalis. Hindi ka lalayo," I heard him whispered before I drifted to oblivion.





"MA'AM."

Nagising ako sa isang marahan na tapik sa aking balikat. Agad kong inilibot ang aking paningin at napansin na narito na ako sa aking silid, sa bahay ng asawa ko.

Tama, kasal na ako sa lalaking kasama ko kanina, kay Valjerome.

Tipid akong ngumiti kay Manang Fe, katiwala rito sa mansyon, at mabagal na bumangon.

"Ano pong oras na, Manang?" magalang kong tanong at inayos ang suot kong roba.

Natigilan pa ako sandali at pinag-initan ng pisngi sa pag-iisip na si Valjerome na naman ang nagbihis sa akin.

That jerk!

"Alas dyis na ng gabi, hija. Pinagising ka sa akin ni Sir para pakainin," ani Manang.

"Narito pa po ba siya?" usisa ko.

Maaaring nasa iisang bahay kami pero magkabukod kami ng tinutulugan, bagay na siya mismo ang gumusto.

"Oo nasa kanyang silid kasama—" Natigilan ang matanda at alanganing napayuko.

I sighed and tapped the old woman's shoulder. Pilit akong ngumiti nang iniangat niya ang paningin sa akin.

"Ayos lang, Manang. Sanay na po ako kaya hindi niyo na kailangan pang ilihim," ani ko.

Naaawa niya naman akong pinagmasdan. "Bakit hindi ka na lang humiwalay, hija?" tanong sa akin ni Manang Fe.

I averted my gaze. "Mahal ko po, eh." I looked at her and forced a smile when the pity in her eyes doubled. "Kaya ko pa naman pong tiisin," dugtong ko.

Bumuntonghininga si Manang Fe at saka ako ginawaran ng isang yakap. "Nawa'y may patunguhan ang pagtitiis mo sa kanya,"  mahinang anas niya.

Imposible pero sana nga.

"Mauna na po kayo sa baba, susunod po ako," wika ko nang humiwalay ako sa kanya.

Tinanguan naman ako ni Manang at ginawa ang sinabi ko. Saglit ko pang inayos ang sarili ko sa salamin, nangunot ang aking noo nang napansin ko ang pagkawala ng mga make up ko sa mukha. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon sa pag-iisip na si Manang ang nagtanggal niyon dahil imposibleng malaman ni Valjerome ang mga gano'ng bagay.

Pagpapalit lang ng damit ko ang ginagawa niya.

Nang nakuntento sa itsura ko ay lumabas na rin ako ng silid ko. Natigilan pa ako sa paglalakad nang tumapat ako sa kwarto ni Valjerome, isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko nang narinig ang mahihinang ungol mula roon.

Hindi na ito bago sa akin pero nagagawa pa rin akong masaktan sa ganitong sistema. Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas buhat no'ng ikasal kaming dalawa, dalawang taon na pagtitiis sa pagdadala niya ng iba't ibang babae rito sa mansyon. Dalawang taon na pagtatanong kung bakit nangyayari ito sa akin, sa amin. Kung ano ba ang naging pagkakamali ko at itinatago niya ako bilang asawa, pero hanggang ngayon nananatiling blangko ang kasagutan.

Bumalik ako sa wisyo nang biglang bumukas ang pinto niya. Nakatayo at seryoso s'yang nakatitig sa akin habang walang suot damit bukod sa kanyang boxer.

Ako na ang kusang nag-iwas ng tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa man ako makalayo ay narinig ko ang pagtawag niya sa isang tauhan at pag-uutos na dispatyahin ang babaeng nakasiping niya.

Pagak at mahina akong natawa habang naglalakad paibaba sa hagdanan. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng gano'ng utos mula sa kanya. He's a mafia boss after all, a ruthless one. And I, Jazzie Zamora, am his wife.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now