Chapter 35: Acknowledged

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga eh." Pagsang-ayon ni Sky habang nakatingin lang sa phone.

Sumimangot ako. "Ah, umagree ka na kadiri ako? Hindi mo man lang ako paplastikin?"

Inangat niya ang ulo at tumingin sa akin. He shook his head. "Hindi."

The others laughed at that remark. Kami tuloy ang naging pinaka-maingay dito. Kaso pagtingin ko sa kanila... kulang. I mean, where's Steer? Panget naman kamyembro ni gago, hindi man lang ako sinalubong. 

Blix seemed to notice my wandering eyes. "Sino hinahanap mo? Si E—"

"Where's Steer?" Inunahan ko na siya.

"Ah," He looks confused at my answer. Napakamot pa sa batok. "Hindi ko lang alam. Hindi ko pa siya nakikita simula pa kanina."

Sila kasi dito lang nanood. I told them to stay here instead of going to the raceway because if ever I lost they won't see my disappointed state. Baka nga understatement pa ang disappointed, siguro para na akong pinagbasakan ng langit at lupa no'n. Baka wala na akong mukhang maharap. Si Lider lang ang naghintay sa akin roon kasi hindi ko naman siya mapagbawalan. Ewan ko lang kay Steer. Hindi na nagpakita.

"Sino hanap?" That familiar voice made our head turn. 

"Ikaw." Tumayo ako. It was Steer. 

Nilipat niya ang tingin sa akin at kinunutan ako ng noo. "Kakakita lang natin kanina. Ampota, clingy 'yan?"

"Ginagago mo ba ako? Paspecial ka, puta. Ikaw pa huling dumating." Nakakunot rin ang noo ko pero ang totoo hindi ko naman sineseryoso 'yon. Gusto ko nga tumawa. This reminds me of our bickering before. Like... fuck. Ang ingay at ang kalat ko sa kaniya noon. Parang lahat ng galaw niya may reklamo ako.

"Immature." He spat.

"Cheers na lang." Nag-abot ako sa kaniya ng basong may lamang alak. 

Sa ginawa kong iyon, nagtaka siya, maging sila Lider. Lalo na si Lider mismo. Naiintindihan ko naman. Ngayon lang kasi ako naging ganito kay Steer.

Let's just say I have a lot of realizations the moment I left everything and everyone behind for weeks. 

"Okay?" He took the drink. Bahagya niya iyong ginalaw, para na ring hinalo nang bahagya. "Wala ba 'tong lason?"

"Panget mo talagang ka-myembro, gago ka."

Steer laughed at that. "Alright. Cheers for your victory, best racer." For the first time in few months of him staying here, he showed me a genuine smile as he lifted his glass. 

"Cheers!" 

Tumayo na rin sila Kast at tinaas sa ere ang kaniya-kaniyang baso. Rinig na rinig ang pagbabanggaan ng mga inumin namin.

Kaso sa kalagitnaan talaga ng pagsasaya, bigla na lang may puputol.

"Riordan, spare me a moment." Nawala tuloy ang saya dahil sa sinabing iyon ng Don. May awtoridad siyang umalis, inaasahan akong sumunod.

Tang ina naman bumalik ulit sa dibdib ko lahat ng kaba.

Napatingin tuloy ako kila Lider. Nagtatanong ang mga mata ko. Bakit ang seryoso naman? Papagalitan ba ako?

"Pumunta ka na." Tinapik ni Blix ang balikat ko.

"You'll be fine. For sure ico-congratulate ka lang." Spear assured me.

"Kung gano'n nga pwede niya naman sabihin dito." Katwiran ko sa kanila. 

They just shrugged. I scanned them and there's no hint of worry. 

Races and Eight (Les Mafias #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon