13

211 45 2
                                    

Chapter thirteen: The truth


Kaede's Point of view


A part of my heart ached when I heard Ravenna asked her dad if I was her sibling.


Hindi ko din alam eh, pero impossibleng ama ko yung daddy niya kasi mas nauna akong maipanganak kaysa kay Ravenna. September siya pinanganak, ako March. Pero isa ang alam kong maaring anak niya. Si Kaelyn, my younger sister. Pero hanggang ngayon hindi pa din alam ni mama ang ama niya, o baka nagsisinungaling si mama. Aish ginugulo niyo utak ko.


Parehas kaming pumasok ni Ryota sa interrogation, kaya nagtaka ako pero hindi ako naglabas ng emosyon. Bahala na siya kung mapagalitan.


Parehas lang naman ang mga itinanong kaya natapos naman kaagad.


"Thankyou Ms. Kaede and Mr. Ryota you may leave, and please call in the last two people." Sabi ni Attorney habang nagsusulat doon sa binder niya.


May pa ganyan pa silang nalalaman tsk.


"Have you decided yet?" Biglang tanong ni Ryota saakin, at tumingin diretso sa mga mata ko. Bakit parang ang gwapo niya ngayon? Nakakatunaw yung tingin niya. No Kaede wag ka muna bumitaw sa pagkahawak mo sa pride mo.


Hindi ko muna sinagot ang tanong niya at nikingon sina Cassian at Ravenna. Palihim na tinitingnan ni Cassian si Ravenna habang natutulog ito, diba dapat si Cassian ang nakasalampak kay Ravenna? Narinig ko kasi na nagsinungaling ata si Cassian.


Nako Cassian wag mo bigyan si Ravenna ng dahilan para magduda sayo kung gusto mong sagutin ka niya.


"Cassian, pasabi nalang kay Ravenna sibat na ako. Baka hindi muna ako bumalik ng ilang araw." Seryosong sabi ko at nilingon ulit si Ravenna.


"Ingat, Ryota dude." Baling niya kay Ryota at nagtanguan ang dalawa.


Nauna akong maglakad, iniisip kung paano ko ioopen kay mama yung topic. "No." Sabi ko kay Ryota at gumilid ang tingin niya na mukhang naguguluhan.


"I haven't decided yet." Pag explain ko.


"Kailan mo balak magdecide?" Nakangusong tanong niya, at natawa naman ako ng kaunti. You really know how to brighten up my mood.


Ang weird talaga na kaming tatlo, nagkaroon ng mga manliligaw na suspects pa namin. Hindi ko alam kay Ryota, hindi niya sinabi na liligawan niya ako. Ang sabi niya deretsohang tanong na kung gusto ko ba siyang maging boyfriend.


Kung wala lang talaga ako sa mood at naiinis ako sa mga ginagawa niya sa una palang sinabihan ko na siya ng no.


"Bakit mo ba ako nagustuhan?" Wala sa sariling tanong ko. Naglalakad kasi ako papunta sa parking para idrive ang kotse ko. I'll go where my car takes me.


"I don't know... Maybe because you stand out?" Di siguradong sagot niya.


She Was One of Us. | Mafia Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon