17

215 45 3
                                    

Chapter seventeen: Reunion of the demons


"Stay back." Sabi ko kay Kaelyn. Tinapunan ko naman ng tingin si Kaede.


"Sure kang papsok ka pa? Baka masaksak ka ulit ni Avalon. Alam mo naman sobrang init ng dugo niyan sayo." Sabi ko at inalalayan siya papasok.


"I'm good, besides we have back up."


"Backup na binabantayan yung kapatid natin parehas." Singhal ko. She just shrugged before turning to the door. Sumalubong sa amin si Hailey.


"Ayos ka na?" Tanong niya kay Kaede at ngumiti si Kaede at tumango.


"Ate Hailey! Pwede ko po bang malaman—" Pinutol ko si Kaelyn.


"What did I say? After right? Makinig ka nalang muna sa mga itatanong namin and stay behind these two." Sabi ko at tinuro si Calyx at Cassian. Sabay kaming tatlo naglakad palapit sa kanya.


Dang she looks expensive. Diamond necklace, Dior dress, Chanel boots? Saan siya nakakuha ng pera? "Take off her fold." Mataray kong sabi.


Kinuha ni Kaede yung flashlight niya para silawin si Avalon. Tinanggal ni Hailey ang takip at nasilaw siya agad sa ilaw. Tinanggal ni Kaede ang flashlight at ang una niyang napansin si Kaede, sunod si Hailey at huli ako.


Ngumiti si Avalon, tss baliw pa rin hanggang ngayon. "Hey bitches, what's up?" Tanong niya, at umiling kami. "Ano to? Reunion ng mga anak ni satan?" Biro niya pa.


Hinila ni Kaede ang buhok niya. "What do you want from us?" diretsohang tanong ni Kaede.


"Kaede darling, how I miss you? Ready ka na ba mag play?" baling niya kay Kaede at nakita niya na nakahawak si Kaede sa mga sugat niya. "Aww, seems like you already played without me— Ah!" Sigaw niya nang sakalin siya ni Kaede.


"Stop changing the fucking topic and answer our question." Sabi ni Kaede.


Nilingon ko sina Kaelyn, at kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Sapat na yun para sabihing hindi siya maaring magtrabaho kabilang sa amin. Nakita ko rin si tita na nakatakip lang ang kamay niya sa kanyang bibig.


You guys aren't made for the Mafia world.


"Wala akong dapat sabihin, wala naman akong plano sa inyo." Sabi niya at ngumiti.


"Ginagago mo ba kami?" Tanong ko.


"Ravenna my love." Sabi niya at hinaplos ang pisngi ko. Nakatali ang paa niya at ang bewang niya sa upuan pero ang kamay niya ay libre.


"Lay your hands off her!" Gulat kaming lahat nang sumigaw si Cassian, I forgot this guy was here.


"Why? Who are you?" Mataray na tanong ni Avalon, tss walang originality lagi akong ginagaya.


She Was One of Us. | Mafia Series #1Where stories live. Discover now