Chapter 55

18.9K 570 50
                                    

Nakangiting sinagot ni Astreille ang tawag nang makita ang pangalan ni Jezreel sa screen.

"Jezreel!" she excitedly uttered her bestfriend's name.

Luminga ang dalaga sa paligid bago lumabas ng penthouse ni Xord. Wala namang malapit na bahay sa paligid, puro mga puno lamang kaya gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin.

"Astreille! How are you?" Narinig niya ang excitement sa boses ng kaibigan.

"Ayos naman! Ikaw ha, nagtatampo ako sa 'yo. You didn't even invite me in your wedding," she uttered while roaming her eyes around the beautiful view.

"I'm sorry, private wedding kasi ang ginawa namin. Alam mo namang ayaw ng pamilya sa akin ng asawa ko. But you don't have to worry right now! Kasal na kami, wala na ring magagawa ang pamilya niya," Jezreel said with a mischievous laugh.

Natawa ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. "That's good. I'm so happy for the both of you. Alam ko namang mahal na mahal mo ang asawa mo kaya masaya ako na masaya ka ngayon," she uttered.

"Thank you, Astreille. Miss na miss na rin kita pero hindi pa ako pwedeng umuwi diyan. Kumusta kayo ng boyfriend mong baliw na baliw sa 'yo?" Astreille can't help but to laugh with that.

"Baliw ka talaga!" She chuckled. "Tulog pa si Xord. It's 5 o'clock in the moening here in Philippines. Mas maaga lang akong nagising sa kaniya ngayon. Okay naman kami. Nandito kami ngayon sa penthouse niya, hindi ko alam kung saang banda 'to ng Pilipinas, but we're fine," she added.

"Naloloka talaga ako diyan sa shota mo, Astreille. Kidnapp-in ka ba naman. Baka mamaya mabalitaan ko na lang na kasal na kayo dahil sa kahibangan niya," sabi ni Jezreel.

"Alam mo 'yung nangyari? Paano mo nalaman?" takang tanong ng dalaga.

"Binalita sa akin ng kuya mong magaling. Hindi kasi kita matawagan one time, kaya 'yung kuya mo ang tinawagan ko. Ayon, kinulit ko nang kinulit hanggang magkwento. Na-stress pa nga ako dahil ayaw pang sabihin sa akin," paliwanag ng kaibigan.

Napabuntong hininga si Astreille. "I feel sorry for what I did, Jezreel. I'm so stupid for breaking up with him kahit tatay ko naman ang kailangang magbayad ng lahat. Xord doesn't deserve an immature person like me."

"Nasaktan ka lang din naman kaya mo ginawa 'yon. Natakot ka lang, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Ano ka ba? Xord will forgive you kahit ano pang kasalanan ang gawin mo, mahal na mahal ka niyan. Kahit nga yata saksakin mo siya, baka halikan ka pa niyan at mag-thank you." Astreille flashed a sweet smile with what she heard.

"Baliw! Bakit ko naman sasaksakin si Xord e mahal na mahal ko siya? Never kong gagawin 'yon!" she defended her self.

"Joke lang. Alam ko namang hindi mo kayang manakit ng tao. Baka ikaw pa ang umiyak kapag nanaksak ka."

Astreille bit her lower lip, she felt guilty. Jezreel doesn't know that she's now capable of killing a person. Hindi lang pananaksak ang kaya niya, pumapatay pa siya.

The confidence that she gained is because of Xord. Totoo naman ang sinabi ng nobyo niya, hindi siya puwedeng tumunganga basta basta dahil siya ang maaagrabyado kung nananahimik lang siya sa tabi.

If you can't make someone shut their mouth, kill them instead. Words, insults and verbal abuse can kill someone and you need to fight back by killing that person literally.

"Oh, my wife is here. Hey! Astreille's on the phone," Jezreel said on the other line.

Ilang segundo ang lumipas hanggang sa isang boses ang sumagot kay Astreille.

"Hi."

Ngumiti ang dalaga. It's Jezreel's wife. "Hello! How are you?"

"Okay naman kami, we're actually planning to adopt a baby," sagot nito.

"Wow, that's nice. Gawin n'yo akong ninang ha!" Astreille said.

"Sure! I'm happy that you volunteered. Paniguradong magugustuhan ka ng baby kung sakali! I'm so excited!"

"Masaya ako para sa inyong dalawa. Kaya gusto ko ring mag-ampon kayo, I'm sure you guys will be great parents."

"Thank you, Astreille. By the way, ibabalik ko na kay Jezreel 'yung phone," mahinhin na saad ng asawa ng kaibigan.

"Okay. Take care!"

"Hello, babae," Jezreel uttered.

Natawa si Astreille sa tawag nito. "Bakit po?"

"Kinwento sa akin ni Ephraim lahat ng nangyayari dahil kinukulit ko siya. Grabe rin pala 'yang tatay mong mapagpanggap," nanggigigil na sabi nito.

"I know, I can't believe that he's capable of doing some things like these. All my life, I treated him like an angel. Pero kabaligtaran pala ang ugali niya," Astreille uttered in anger.

"I witnessed how you love him truly. Siguro kailangan mo nang bitawan ang pagmamahal mo sa tatay mo na 'yan. You don't even know if he's still alive or not," Jezreel said.

Astreille was about to say something when a black van stopped on her side. Nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad ang dalaga at binalewala 'yon.

"By the way, Jez-- Ahhh!" Astreille screamed when someone grabbed her arms.

"Hello, Astreille? What's happening?!"

"W-What do you guys need from me?" utal na tanong ng dalaga sa dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang braso niya.

Hindi sumagot ang mga ito, buong pwersa siyang hinigit ng mga lalaki at pinilit pasakayin sa van. Nabitawan niya ang hawak hawak na cellphone dahil doon.

"Get off me!" Astreille screamed before kicking the other guy's leg. Sunod niyang siniko ang lalaking nasa tabi niya bago ito sapakin sa mukha.

She was about to run away but one guy came out from the van and grabbed her. Astreille took a step backward when the man punched her stomach with force.

Balak niya pa sanang pumalag sa mga ito nang maramdaman niya ang pagkahilo at pagdilim ng paningin.

She felt how they carried her towards the van. Napapikit na lang ang dalaga habang pilit na tinatawag ang isang pangalan sa loob ng utak niya. She doesn't have any strength to speak and to fight back. May natamaang maselang organ ang lalaki nang suntukin siya nito.

She closed her eyes while breathing heavily. She kept on calling one person inside her mind who can save her.

Xord, please help me.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon