Chapter 13

22.8K 789 146
                                    

"Okay, tawagan mo lang ulit ako kapag may kailangan ka pa regarding the papers I need to sign."

Astreille sighed in relief when Ephraim hanged up from the call. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay makakahinga na siya nang maluwag.

Tinakpan niya ng kumot ang buong mukha at doon binuhos ang lahat ng frustration at stress na naramdaman niya. Until now, she can't figure out what the hell is happening to her.

Hindi na siya makapag-isip nang tama simula noong halikan niya ang estrangherong 'yon. She felt guilty for kissing him willingly, kahit pa isang daang bilyon ang kapalit no'n, hindi pa rin 'yon gawain ng matinong babae.

If her father is still alive, he'll surely be disappointed at her.

Kinagat ni Astreille ang ibabang labi nang bumalik sa isipan niya ang nangyari kanina. The way he pressed his lips against her... That was priceless.

"No! Bawal!" she said to herself bago mahinang tuktukan ang ulo.

Nagiging makasalanan siya dahil lang sa isang eksena na hindi naman dapat nangyari. Her mind was occupied with that scene, and she needs to focus dahil marami pa siyang aasikasuhin na papeles sa paglipat niya.

Gustong gusto sana niyang tumanggi sa trabahong binibigay sa kaniya. Sa oras na magtrabaho siya roon, palagi niyang makikita ang lalaking nagpapagulo sa isipan niya. Ayaw niyang maging lutang sa buong buhay niya.

Pero wala naman siyang magagawa dahil tinanggal na siya sa trabaho ng dati niyang boss. And she doesn't have any choice, bukod sa wala na siyang trabaho, napakalaki pa ng sweldo roon.

Astreille stood up from her bed when she finally got her senses back. Kailangan niya pang asikasuhin ang mga papeles niya dahil lilipat siya ng trabaho. Alam niyang mapupuyat na naman siya nang sobra.

She still has load of works to do so she needs to finish all of them para walang masabi ang mga dating katrabaho niya sa kaniya.

She's kinda happy for this, she'll finally have the chance not to see those people again.

Binuksan niya ang laptop para ituon ang atensyon sa mga kailangan niyang gawin.

TUMIKHIM ang dalaga nang maramdaman niya ang panunuyot ng lalamunan. She massaged her nape before looking at the time.

It's 2AM already, hindi pa siya puwedeng matulog dahil marami pang nakapilang gawain para sa kaniya.

Inunat niya sandali ang mga buto bago tumayo sa kinauupuan. Dire-diretsyo siyang bumaba sa kusina para ipagtimpla ng sarili ang gatas.

Habang hinahalo ang inumin ay hindi niya naiwasan ang mapaisip.

That guy who kissed her, he's also the writer she admires so much. Iisang tao lang ito, at hindi niya alam ang gagawin niya kapag nakaharap niya ulit ito.

Mas lalong nadagdagan ang kaba at kakaibang pakiramdam nang makita niya ulit ito sa personal.

Mariing pinilig ng dalaga ang ulo kinalaunan. Gusto niyang iuntog ang sarili dahil bigla na lang umangat ang mga sulok ng labi niya at pumorma bilang isang matamis na ngiti.

"Since when did you learn to flirt like that, Astreille?" disappointed na tanong niya sa sarili habang marahang ginugulo ang buhok.

She's supposed to be a quiet girl, pero bakit ngayon ay ganito siya umakto? Pakiramdam niya ay mas mababaliw pa siya kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon.

"HEY, Astreille! You're finally here!" nakangiting bungad sa kaniya ni Teodore na may hawak hawak na papeles.

Humigpit ang hawak ni Astreille sa strap ng bag na dala-dala bago marahang iyuko ang ulo. "H-Hi. Late na ba ako? S-Sabi kasi ni sir Ephraim may meeting daw tayo?"

Ngumiti ang lalaking kaharap. "Hindi ka naman late, sakto lang ang dating mo. Sandali, hintayin mo ako, sabay na tayong umakyat."

Nakangiting tumango siya rito bago ito sundan ng tingin. Teodore ran towards a guy's direction, binigay lang nito saglit ang mga papeles na hawak bago takbuhin ang pagitan nilang dalawa.

"Hey, Astre. Tara na!" Ngumiti ito nang malapad bago siya akayin pasakay ng elevator.

Just by seeing them, even for the first time, she could tell the difference of their attitudes.

Teodore is the naughty one. Palabiro at makulit. Greg on the other hand is like Teo also, pero mas makulit nga lang si Teodore rito. While Kyel, he's like the type of a guy who's fun to be with but you'll feel awkward because he won't show his attitude immediately. And her former boss, Ephraim is the serious type, but also fun to be with.

In short, she's comfortable with them. Pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kaniya tuwing kasama niya ang mga ito.

Speaking of evilness. She almost forgot that she's going to meet that man once again!

That man who blackmailed her.

Hinugot niya ang lahat ng lakas ng loob nang bumukas ang elevator sa pinakahuling palapag. His office. Teodore accompanied her towards their boss' table.

Naroon na ang apat na lalaki na ikinakaba niya.

Iniwas niya ang tingin nang lumapat ang tingin ng lalaking nakahilig sa lamesa sa kaniya. His stares are so intense and deep, she can't stand it.

"Hey, since everyone is here. Saglit lang naman ang meeting. We just have to discuss something to our new agent, Astreille," Ephraim said.

Agent?

Akala niya ba ay hacker ang pinasok niya rito?

"S-Sir--"

"I'm your boss, he's not your fucking employer."

Natigil siya sa pagsasalita nang may isang malalim na boses ang pumutol sa kaniya. Agad naman niyang niyuko ang ulo nang ilang beses. "S-Sorry po."

Teodore cleared his throat before smiling awkwardly at Astreille. Kinulbit ng lalaki ang dalawa nitong katabi na sila Kyel at Greg. Naramdaman ng dalaga na bahagya siyang tinabihan ng tatlong lalaki para siguro hindi siya kabahan.

"Ahm, yeah, about that. We just need to discuss something to you, Astre. In your former job, you worked as a hacker, I am aware of that. Pero ngayon, we'll also train you to--"

"P-Pero, h-hindi ako marunong makipaglaban," natatakot na saad niya.

Teodore let out a playful laugh. "We're here, oh! 'Di kami magiging terror sa 'yo."

Kumaway ang dalawang lalaki sa likuran nito bago ngumiti nang matamis.

She just sighed as she bit her lower lip in frustration.

"Who told you that I'll assign you in this training?" Umangat ang tingin nilang lahat nang magsalita ang lalaking nakahilig sa lamesa.

The three guys scratched their napes. "W-Wala boss."

Halos mawalan ng hininga si Astreille nang humarap sa kaniya ang lalaki.

"I don't tolerate weak agents in my agency, and I know how delicate you are. Kaya kung gusto mong tumagal sa trabaho mo, magtiis ka sa akin," malamig nitong sabi sa kaniya.

She just nodded her head politely. Nakita niya pa ang bahagyang pag-angat ng labi ng lalaki na hindi na niya pinansin.

Seems like this is her nightmare


KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon