Chapter 16

22.6K 783 388
                                    

Pinagmasdan ng dalaga ang boss niya sa labas na ngayon ay nakikipag-usap kay Teodore. The both of them looks serious while talking kaya dumiretsyo na lang siya sa pantry.

She took a cup before filling it with water. Dire-diretsyo niya 'yong nilagok. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa wisyo dahil sa halik na 'yon.

"Astreille."

Nagmamadaling lumabas siya ng pantry nang marinig na tinawag siya ng boss. She smiled at Teodore before waving her hand slowly, masiglang kumaway rin ang lalaki

Lumingon siya sa katabing lalaki na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya. She swallowed hard before bowing her head. "B-Bakit po?"

"Teodore sent a message to your friend, you don't have to worry about that anymore," malamig na paliwanag nito.

She just nodded her head. "O-Okay po."

"Astreille, magla-lunch na kami sa cafeteria. Sama ka na sa amin?" pag-aaya ni Teodore sa kaniya.

"Sige," masigla niyang sagot.

"Boss, una na kami sa baba--"

"I'll come with you," mabilis na pagputol ng lalaki kay Teodore.

"Ha? 'Diba boss 'di ka naman kumakain sa cafeteria? Lagi ka namang nagpapa-deliver dito," takang tanong ni Teodore rito.

"I own this agency, Teodore so I have all the rights to eat whenever I want." Natahimik si Teo dahil roon. Ngumiti pa ito nang alanganin.

"Awit," he replied.

Astreille gulped when Xord looked at her, kalaunan ay binalik nito ang tingin kay Teodore. "Go ahead first, susunod kami."

Kinamot ng binata ang batok bago tumango. "Sige, boss. Bye Astre!"

She smiled at Teodore before waving her hand. "Bye bye."

She watched him ride the elevator until the door closes. Lumingon si Astreille sa boss na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa kaniya.

Naiiyak na yumuko siya dahil hindi niya kayang matagalan ang mga titig na 'yon. "B-Bakit po?"

Otomatikong umatras ang mga paa niya nang umayos ang lalaki sa pagkakatayo. Humakbang ito papalapit bago dumukwang para makapantay ang mukha niya.

"I don't like the way you treat other guys like you're so happy with them. Stop being so kind, Astreille, I might burst out if you continue disobeying me," bulong nito bago dire-diretsyong maglakad papunta sa sariling table.

Kinagat nang mariin ng dalaga ang ibabang labi niya atsaka nagmamadaling pumasok sa sariling opisina. She took her shoulder bag at nilagay roon ang pouch at cellphone niya.

Disobeying him?

Marahas niyang pinilig ang ulo.

Is this some sort of blackmail again? She's supposed to answer back, but she doesn't have any strength to do so. Besides, kapag sinagot niya ito pabalik, baka halikan na naman siya nito.

Sinusubukan na nga niyang lumayo rito kaya kung posible, mas maganda kung hindi na rin mapadikit ang balat niya sa lalaki. He's giving her a goosebumps everytime he's near.

Lumabas na siya ng silid nang makitang tinawag na siya ng lalaki. Sinundan na lang niya ito sa paglalakad at sabay rin silang sumakay ng elevator. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng elevator habang pinaglalaruan ni Astreille ang laylayan ng damit.

The elevator opened at the 5th floor. Sumakay ang dalawang lalaki na todo yuko sa boss niya. Nahihiyang niyuko naman niya ang ulo dahil siya lang ang nag-iisang babae roon sa loob.

Umangat ang tingin niya nang maramdaman ang titig ng dalawang lalaki sa kaniya. Naiilang siya sa mga tingin nito, parang may ibang pahiwatig.

"Hi, miss, anong pangalan mo? Ang ganda mo naman," nakangiting bati ng isa sa kaniya na may bahid ng kamanyakan sa mga mata.

Dahil sa takot, napahawak si Astreille sa damit ng boss niya. Xord held her hand before gazing at the two guys at the back.

"Boss." Takot na yumuko ang dalawa sa lalaki nang makita ang nakakatakot na titig nito.

Mas hinila pa siya ng boss niya papalapit. Hindi na siya umalma dahil natatakot siya sa dalawang lalaki na nasa likuran nila.

Humigpit ang hawak ni Astreille sa damit ng lalaki nang magsalita ito.

"Names?" he asked the two guys.

"Marco D-Dela Fuente, b-boss."

"Crison M-Marcis po."

Bahagyang hinila ni Astreille ang lalaki nang bumukas ang elevator. Xord quickly pulled her to get off from the elevator.

The door was about to close when Xord stopped it using his hand. Lumingon ito sa dalawang lalaki na nasa loob.

"Dela Fuente, Marcis, I don't want to see your faces again inside this agency. Pack your things and get a new job. Make sure that I won't be able to track you down, hindi kayo sisikatan ng araw sa oras na matunton ko kayo."

Pati si Astreille ay namutla nang marinig 'yon, she can't blame the two guys when they stood frozen inside the elevator.

Hindi na nakapagsalita si Astreille nang hilahin na siya ng lalaki patungo sa malawak na floor kung saan nagsisilbing cafeteria ng agency. The whole floor was full of chairs and table, may kitchen din sa pinaka-corner kung saan siguro niluluto ang mga pagkain.

Astreille smiled awkwardly at the four guys nang mapalapit sila sa mga ito. Bumaba ang tingin ng apat sa mga kamay nilang magkahawak kaya agad na binawi ng dalaga ang kamay niya rito.

Inalalayan siya ng lalaki na maupo sa isang upuan. Pagkatapos at tumabi ito sa kaniya.

"H-Hey, boss, akala ko ayaw mong kumain dito?" gulat na tanong ni Kyel sa nakaawang ang mga labi.

"Oo nga, sabi mo maingay, boss," pag-sang ayon naman ni Greg sa kaibigan.

"Kung itahimik n'yo kaya 'yang mga bunganga ninyo?" malamig nitong saad sa mga kaharap.

Astreille giggled when she saw the three guys giving death glares at each other.

"This is new, I thought you don't like crowded place, boss," nakangising tanong ni Ephraim bago lapatan ng tingin ang dalaga.

Nagtatakang lumingon siya sa mga ito dahil sa tingin na binibigay ng apat. What's wrong with her face? May dumi ba siya sa mukha? Sali't salitang tanong ang pumuno sa isipan niya dahil sa mga titig na 'yon.

Nagulat na lang siya nang marinig ang pagkasa ng baril ng katabing lalaki. Tinutok nito ang baril sa mga kaharap.

"Eat or your heads will blow up. Choose."

Maging siya ay napatakip sa bibig dahil sa takot. Mukhang sanay na ang apat na lalaki dahil natatawang sumunod na lang ang mga ito.

She gulped while looking at the gun. Is this even normal?

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon