Chapter 6

21.5K 713 278
                                    

"Auntie, kumusta na po si tito? Ano pong sabi ng mga doctor?" tarantang tanong ng dalaga nang makita ang tita niya na lumabas sa kwarto.

"Ija, Astreille. Buti na lang at nandito ka na," umiiyak na saad ng matanda bago siya yakapin.

Astreille welcomed her auntie's embrace. Alam niyang kailangan na kailangan nito ng kasangga dahil sila na lang naman ang natitira para sa isa't isa.

"Huwag po kayong panghinaan ng loob, tita. Gagaling naman po si tito, malakas kaya 'yan." She smiled sweetly para pagaanin ang loob ng matanda.

"Ikaw talaga, ija. Napakaganda mo, kaya pati ang ngiti mo, nakakahawa. Buti na lang at dumating ka na, mas nababawasan ang lungkot ko." Astreille giggled sweetly while caressing her auntie's back.

"Auntie Harmonia, kahit ano pong mangyari, nandito lang po ako para sa inyo nila tito." She's trying to lift the mood.

"Salamat, ija. Napakabait mong bata. Para ka talagang anghel, ang ganda ganda mo na, napakabait mo pa." Kinurot nang bahagya ng matanda ang pisngi niya na ikinangiti niya.

Nilingon ni Astreille ang pinsan na natutulog sa upuan. She carried Marie gently before letting her sleep on her lap.

"Pagod na siguro 'to si Marie, tita, halatang antok na antok na." She slowly comb her cousin's hair.

"Paano, maraming assignment. Tinapos niya kanina lahat dahil nga na-Hospital ang tatay niya. Ayan, napuyat tuloy," paliwanag ng matanda.

"Tita, magpahinga na rin po kaya kayo? Dala ko naman po 'yung sasakyan ko. Doon na lang po muna kayo ni Marie magpahinga, ako na lang po muna ang magbabantay kay tito. Nakatulog naman po ako nang mahaba kanina," nag-aalala niyang payo rito habang marahang hinahaplos ang likod ng matanda.

She carried Marie like a child bago alalayan ang tita niya na tumayo. "Naku, ija, hindi ba nakakahiya sa 'yo? Baka nakakaabala kami nang sobra sa 'yo."

She frowned. "Tita naman, e. Pabagsak na nga po 'yang katawan ninyo tapos ako pa rin po ang inaalala ninyo. Sige na, auntie, okay lang po talaga sa akin."

Ngumiti nang matamis ang matanda bago tumango nang dahan dahan. Tumayo na rin ito sa kinauupuan atsaka siya sinundan.

Pagkasakay nila ng elevator, she immediately pressed the G button kung saan nandoon ang parking lot.

Nang makarating sila roon, inayos niya ang pagkakabuhat sa pinsan habang inaalalayan pa rin ang tita niya na hirap na sa paglalakad.

She took her car keys from her pocket to open the car. Maingat niyang nilapag si Marie sa backseat habang nilalagyan ng pillow neck ang ilalim ng ulo nito.

Pinagbuksan niya ng pintuan ang matanda atsaka binaba ang allignment ng upuan, she took the other pillow on her headrest atsaka inakay ang matanda pahiga rito.

She kissed her auntie's forehead. "Pahinga po muna kayo, ha? Huwag ninyo po akong alalahanin. Ako na rin po ang bahala kay tito."

"Salamat talaga, ija. Sobrang salamat," nakangiting sagot ng matanda.

She just smiled when she saw her auntie's closed eyes. Sinarado niya na ang mga pintuan ng kotse niya at binuksan lang ng bahagya ang mga salamin nito.

Malapit sa dalawang guard niya pinark ang sasakyan kaya kampante naman siya na walang mangyayaring masama sa mga ito. At kung hindi naman, she has another plan. She always has another plan.

Dahan dahan niyang binuksan ang compartment ng sasakyan at in-activate ang device roon kung saan makaka-detect ng mga matatalim na bagay or deadly weapons. Kapag nag-alarm ito, automatic na bubukas ang maliliit na microcameras sa paligid ng sasakyan niya. She's wearing a wrist watch that's connected to the cameras. Una siyang maaalerto kung may papalapit na sino man.

And if she found out that the person is quite dangerous, she'll just press the red button. Automatic na lalabas ang baril sa paligid ng kotse niya para paputukan ang sino mang masamang nilalang na 'yon.

She's the one who created this device, it's helpful. Ilang beses na siyang muntik mapahamak at ito ang nagligtas sa kaniya.

Nang maayos na ang lahat, muli siyang bumalik sa floor kung nasaan ang tito niya. She immediately saw the nurses and doctor na papalabas pa lang sa kwarto nito.

"D-Doc? Kumusta po ang pasyente?" tanong niya rito.

"Kamag-anak ka ba ni Freddie Dela Cruz?" tanong nito.

She nodded her head. "Opo."

"The patient's vitals are fine. Pero hindi pa rin siya nagigising, mabagal ang response niya. Pero kampante naman kami na after 1 week, he'll recover soon. But the problem here, he'll be paralize temporarily. Noong bumagsak kasi ang pasyente, tumama ang ulo niya sa matulis na bagay kaya naapektuhan ang kabilang bahagi ng utak niya. He just need to undergo therapy and everything will be fine, he'll survive," mahabang paliwanag nito na ikinahinga niya nang maluwag.

Sa wakas, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil doon.

Magalang siyang yumuko rito. "Salamat po, doc. Maraming salamat po talaga."

"By the way, I heard that the patient has a sponsor. Wala na kayong kailangang bayaran pa dahil sagot na raw ng taong 'yon ang lahat." Kumunot ang noo ni Astreille dahil sa narinig.

"Po?"

"Oh, I thought you knew that person. Hindi namin puwedeng sabihin sa 'yo kung sino ang taong 'yon because he chose to hide his identity."

Astreille nodded her head slowly while trying to process everything inside her head.

"We have to go, ija."

Agad naman siyang yumuko para magbigay galang sa mga ito. Nang makitang naglakad na ang mga ito papalayo, agad siyang napaupo sa mga nakahilerang upuan sa labas ng kwarto ng tito niya.

"Who the hell--" Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi. She quickly covered her mouth bago paluin ang mga labi. Kumatok siya sa pader pagkatapos non.

"I'm sorry, I didn't mean to cuss. Oh gosh, your mouth, Astreille," pagpapakalma niya sa sarili.

She took a deep breathe. "Sinong sponsor? Atsaka, bakit?" she whispered to herself.

She doesn't know who that person is. At kung ayaw ibigay sa kaniya ng mga 'to ang identity ng taong 'yon, mapipilitan siyang gamitin ang kaalaman niya.

---

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon