CHAPTER 7: Passenger Seat

Comincia dall'inizio
                                    

“Oy Jeron, saan ka pupunta? Lalabas ka?” Nakita ko siyang bumangon mula sa sofa, nakatulog kasi siya habang nanonood ng TV.

“Oo ahia! Tinext kasi ako ni Thomas, may nakalimutan lang akong kunin sa kanya” Sabi ni Jeron

“Madadaanan mo pa ba yung UST sa pupuntahan mo?” tanong ko.

“Yes, why?” Tanong niya.

“Ipapasabay ko na sana si Tasha sa’yo, medyo late na kasi eh. Malapit lang naman siya sa UST nakatira. Okay lang ba?” Sabi ko.

“Ganun ba? O sige, isasabay ko na siya” Sagot ni Jeron.

“Oh ayun tasha, may maghahatid na sa’yo sa Espanya. Wag ka nang umangal okay?” Sabi ko kay tasha.

Pagkatingin ko kay tasha, mukha siyang nanlalambot. Nagtataka nga ako bakit hindi na siya nakaangal. Samantalang kanina todo pa siyang magpakipot. Namumula pa nga siya eh. Anong nangyari dito sa babaeng ‘to?

“Tasha!” Sabi ko. Di pa rin siya nakaimik. “TASHAAAAA!” sigaw ko.

“Ah, ano yun? Ay sorry ah!” sagot niya sa’kin.

“Ano ba yung iniisip mo kanina at parang wala ka sa sarili mo?” Tanong ko.

“Ah, ah ano kasi… ay wala, wag mo na isipin yun!” sagot niya.

“Okay.” sagot ko na lang. Ang labo din nitong si Tasha eh. “o ano Jeron, ihatid mo siya sa condo niya ha?”

“Sige kuya. Ako na bahala” Sagot naman ni Jeron

JERON’s POV

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa kanina habang nanonood ng movie. Nagising na lang ako nung tumunog yung phone ko, si Thomas kasi tumatawag. Nakalimutan ko kasi kunin sa kanya yung mga gamit ko na hiniram niya nung isang araw sa training. Papalabas na ako ng bigla akong tinanong ni Jeric kung saan ako pupunta at kung madaraanan ko ba ang UST. Ipapasabay pala sa’kin ni Jeric itong si Tasha. Pumayag naman ako kasi on the way na rin naman ang UST, atsaka gabi na, babae pa naman ‘tong si tasha. Pinalaki kasi kami ni Jeric nila mommy na maging protective sa mga babae.  Kaya siguro masyado kaming di pabor pagdating sa mga nanliligaw kila Alyssa at Almira.

 *Please Listen to "Passenger seat" :)

Now playing: Passenger seat

 I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Looking nowhere in the open window of my car

And as we go the see the lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

“Ang Traffic naman ngayon!” sabi ko

“Ah… oo nga eh” Ngayon ko lang siyang narinig magsalita mula nung umalis kami ng bahay. Mga 20 minutes na siguro ang lumipas saka lang ako nakapagsalita. Di naman ako makapag-open ng topic kasi kakakilala ko lang sa kanya kanina. Mukha ding nahihiya ‘tong si tasha kaya nakatingin lang sa may bintana. Pero bahala na, kailangan ko siyang kausapin. Ang awkward naman kasi ‘pag wala man lang sa’min ang nagsasalita.

“So, kamusta naman yung pagturo mo kay Ahia?” Tanong ko.

“Ah medyo okay naman. Madali siyang matuto…” Sagot niya

“Oo, ganun talaga siya.” Sabi ko

After ilang seconds, tahimik na naman kaming dawala. Ano ba kasing pwede kong sabihin para naman hindi awkard dito sa sasakyan?

“Wala ka bang gustong itanong sa’kin?” Ano ba ‘tong sinabi ko!! Jeron naman eh. Bahala na nga lang kung anong isasagot niya sa’kin.

“Ah… eh, ah…” Yan lang yung mga salitang lumabas sa bibig ni Tasha. Mukha pa siyang natataranta. Ikaw naman kasi Jeron eh, anong klaseng tanong yung sinabi mo sa kanya.

“Ahh… Hindi ko alam kung anong itatanong ko sa’yo. Nahihiya kasi ako” Sabi niya

“Bakit ka naman nahihiya? Okay lang ‘yan, ‘wag kang mahiya sa’kin!” Sagot ko naman

“Eh… basta nahihiya ako sa ‘yo, ay sa inyo pala. Ang bait ng pamilya niyo, promise!!” Sabi niya habang tinaas yung isang kamay niya. Natuwa naman ako sa sinabi niyang ‘yun.

“Naks, salamat Tasha! You seem nice." I smiled.

“Ah so, you “seem” nice lang? May “seem” pa talaga? Nice talaga ako ‘no!!” Sagot niya. Yung mukha niya nakakatawa eh, seryosong seryoso. Hahahaha! Ang witty nga talaga nitong si Tasha.

“HAHAHAHAHA yeah, you’re really nice. Happy?” I told her with a smile.

“’Yan kasi dapat! May pa-“seem” “seem” ka pa diyang nalalaman eh!” She told me. I laughed.

*and the conversation goes on and on and on....

“You know what, ang saya mo kasama. Sana ako na lang naging friend mo hindi si Jeric” I told her, Unconsciously. 

Napatitig sa’kin si Tasha. Hindi ko ma-explain kung anong ibig sabihin ng titig niyang ‘yon. Namumula na rin siya. Nagtagal pa yung pagtitig niya at hindi na talaga siya nakasagot.

“Hmmm, Tasha, saan pala kita ibaba dito?”  I told that to break the silence.

“Ah, andito na pala tayo. Pwede mo na akong ibaba diyan before mag-stoplight.” Sagot naman niya.

“Bakit nga pala hindi ka na nakasagot sa sinabi ko kanina?” I asked her out of curiousity.

“Eh kasi…. Eh, actually oo nga, sana ikaw na lang naging friend ko! HAHAHAHAHAHA” She laughed, that unique laugh of hers."Yun yung iniisip ko" She smirked. 

Nakarating na kami sa harap ng condo niya. It was traffic on the way here kaso di ko na napansin because of our funny conversations.

“Jeron, thank you sa paghatid! Pakisabi na rin sa Kuya mo na, thank you and galingan niya sa long test namin tomorrow. Ingat ka sa pag-drive. Bye!”

“Tasha!” I called her bago siya pumasok sa building ng condo niya. 

“Ano yun?” She answered.

Then biglang nag-green yung stoplight in front of me. I actually wanted to ask her something kaso yung mga sasakyan sa likod ko nagbubusina na and nagagalit na so wala na akong nagawa, nag-wave na lang ako at nagdrive na.

I actually wanted to ask her this;

"Kaibigan mo na rin ba ako katulad ni Jeric?"

--------------

Nandun na ako sa parking lot ng condo ni Thomas nang may mapansin akong nakasabit sa passenger seat ng sasakyan ko. Pagkatingin ko, bracelet pala yun. Kanino naman kayang bracelet 'to? Hindi naman siguro 'to kay ate alyssa o ate almira kasi wala naman silang ganitong bracelet, mas lalo namang hindi kay Julianne kasi hindi siya mahilig magsuot ng mga ganito...

Sino nga bang kakasakay lang sa Passenger seat ng kotse ko?

"Kay Tasha 'to" I whispered. 

Kinuha ko yung bracelet mula sa pagkakasabit niya sa Passenger seat, 

Hinawakan ko yung bracelet at pinagmasdan, 

hindi ko alam pero...

bigla na lang akong...

napangiti. 

---------------------------------------

Sorry sa late update guys :(

 Thanks for reading! :)

The Perks of being a FangirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora