CHAPTER 5: Who's my seatmate?!

1.3K 14 1
                                    

Wala pang kilig moments dito guys okay? It's more of like an introduction. I want to take it slow para  nafefeel talaga yung pagka-fangirl. HAHAHAHAHA. Pero guys, I promise sa mga next updates, kikiligin na kayo! Hahaha! :)

_______________________________________

TASHA's POV

Ito na ‘to. First day na ng College Life ko. Mixed emotions nga nararamdaman ko eh. Kinakabahan kasi wala pa akong kilala sa mga magiging kaklase ko, ibang department kasi ‘tong si Marga eh; kaya yun, wala akong kasama. Isali mo na din yung mga professors; SCAAAARYYY :O. Naeexcite na din ako kasi bago lahat. Bagong school, bagong mga tao, at bagong environment. Sana nga lang mga matitino maging kaibigan ko dito. Ayoko naman kasing ma-bad influence sa College. Eww, never! Mas gugustuhin ko pang maging loner kaysa masama sa mga ganong klaseng kaibigan. HAHAHAHAHA

Kinakabahan ako habang nakahawak dito sa door knob. “Kalma lang Tasha, kalma. Kaya mo ‘to. Wag mong isipin yung mga terror na profs o kaya yung mga magiging kaklase mo, isipin mo andito ka para mag-aral, para mag-enjoy. Hinga Tasha, hinga” sabi ko sa sarili ko habang papasok na ako.

Pagkabukas ko nang pinto, nakita ko yung mga kaklase ko. OMG! Bakit parang andito na lang sila lahat at ako na lang yung kulang? Di pa naman time ah? Baka sadyang maaga lang ‘tong mga ‘to. Yung iba nakangiti sa’kin, meron ding nag-hi, merong mga nagdadaldalan, meron namang ibang walang pakialam. Naghanap na ako ng upuan. Ano ba yan, occupied na lahat ng mga upuan na nasa harap, no choice na ako kaya umupo na ako sa pinakalikod. May dalawang upuan nga pala dito sa likod. Dito na ako sa tabi ng bintana umupo. Sana naman may dumating pa at dito sa tabi ko umpo para di ako mukhang loner dito sa klase. Huhuhu *cries* :(

“Good Morning Miss Torres!” Sabay sabay kaming tumayo upang batiin yung prof namin. Medyo bata pa ‘tong Miss Torres na ‘to. Buti naman. Sana nga lang di terror -___-

“Good Morning Class! I am Miss Torres and I’ll be your prof for your Statistics Class!”

Statistics? Aba, magaling yata ako diyan! 96 nga final grade ko diyan nung high school eh. Ewan ko ba kung bakit ako nahilig sa may mga sinosolve, samantalang yung iba isumpa na mga math subjects. I feel confident tuloy na I’ll do well in this class. Hehehe joke!

Nagsusulat na ako ng mga notes na pinapasulat ni Miss Torres nang biglang bumukas yung pinto. Ay ano ba yan, first day na first day may late na kaagad….

“Good Morning miss! Sorry I’m late. Pinatawag lang po kasi ako ni Coach Pido, important matters lang daw po regarding the schedule of our training for the basketball team”

Ano daw yun? Basketball team? Growling Tiger tong late na classmate ko?!!!

Di ko pa nga natitignan kung sino kasi andito pa din ako nakatingin sa sinusulat ko. Sino nga kaya yun? Hmmm, matignan na nga……

JERIC TENG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Si Jeric Teng yung nalate na kaklase ko. Oh em gee. Si Jeric Teng nga talaga ‘to! Naririnig ko pa nga yung ibang mga kaklase ko na pinag-uusapan siya eh. Itong mga babaeng kaklase ko, halatang kilig na kilig! Kulang na lang yakapin nila. Pati din ‘tong mga lalaki eh, mukhang nastarstruck! HAHAHAHAHA

“Oh, Hi Mr. Teng! It’s Okay, don’t worry. I won’t mark you late since it’s a school-related one. Take your seat.” Sabi ni Miss Torres

JERIC’s POV

Ano ba ‘tong si Coach Pido, ngayon pa ako pinatawag kung kailan may klase ako. Wrong timing talaga oh, “late student” na agad yung impression sa’kin ng prof pati na rin ng mga kaklase ko. Saan nga ba ako pwedeng umupo? Lahat na nga yata ng upuan may nakaupo na eh.

“Is there any vacant seat here for Mr. Teng?” Miss Torres asked the class.

Nahalata ko naman yung mga ibang babae na gustong ibigay sa’kin yung mga upuan nila. Eh, kahit na varsity player ako, ayoko naman na maging ganyan sila sa’kin. Dito sa classroom, I’m Jeric Teng the student and not the basketball player they all know.

“There! I found a vacant seat at the back. Is that okay Mr. Teng?”

“Yes, miss. I guess It’ll be okay” I answered.

Naglakad na pala ako papunta dun sa likod. Malas naman oh, dahil sa pagkalate ko sa likod na ako napunta. Pinakaayoko talaga sa likod kasi madali akong mabored sa class at antukin. Feeling ko din kasi hindi ko makikita at maiintindihan yung mga tinuturo ng prof. Permanent seats na daw namin to sa klase eh, Patay...

Umupo na ako sa kaisa-isang bakanteng upuan dito sa classroom. Dalawa lang actually yung mga upuan sa likod. Ito namang makakatabi ko busy na agad sa pagtatake down notes. Aba naman, good student yata ‘to. .. Wait lang, parang familiar ‘tong girl na ‘to ah.. nakita ko na siya before, I’m sure of that.

TASHA’s POV

Oh my gulay! Umupo na nga si Jeric sa tabi ko. Di ko siya matignan kasi nahihiya ako.  Pero napapansin ko na napapatingin siya sa’kin. Oh em gee! Namumukhaan kaya niya ako? Di na ako mapakali lalo, kaya ito nakatutok yung attensyon ko sa pagsusulat ng notes.

“Hello!” narinig ko galing sa tabi ko.

Ako ba kausap nito?

Lumingon ako at mukhang nakaharap nga siya sa’kin. For real? Para sa’kin talaga yung “Hello” niya? Speechless tuloy ako oh my gosh!

“Tasha? Wait tama ba? Ikaw ba si Tasha?” sabi agad niya pagkalingon ko. nag-blush ako. Naaalala nga niya ako. Kinikilig ako ano ba yan. Sana di niya mahalata :””>

“Ah opo, ako nga po si Tasha. Ako po yung nakilala niyo noong nagtake ako ng USTET dito” sagot ko. Yung ngiti ko di ko mapigilan eh. Sorry naman daw ;)

“Wow, ang galing naman. Di lang pala kita makikita dito sa campus, makakaklase pa pala kita.  I’m glad you chose UST!”

“Ah eh, ako nga din po eh. Nagulat nga po ako nung nakita ko na kayo yung pumasok. Super unexpected talaga! Opo, UST! Dream school ko po kasi talaga ‘to eh”

“Ahhh. Wait, asan yung kasama mo noon? Marga ba name nun?” wow, pati name ni marga naaalala niya. Mas lalo tuloy akong kinilig ano ba ‘yan. Wait lang Tasha, bayaw mo ‘to… ‘Wag kang masyadong kiligin! Loyal ka dapat kay Jeron!

“Ah opo, si Marga. Journalism po course niya kaya di kami magkasama.”

“Oh. Naamaze talaga ako. Magiging classmates pa talaga tayo! Statistics tong subject natin ngayon diba? Patay. Ayoko pa naman ng math subjects. Lalo na pag Statistics. Ang hina ko sa subject na ‘to. Pano na ‘yan?” Sabi niya habang nakasimangot. Napasimangot din tuloy ako.

“Ganun po ba? Don’t worry,  medyo magaling naman po ako sa Statistics. Tutulungan ko kayo ‘pag nahihirapan na kayo”

“TALAGA?” Sabi niya. Halatang nag-glow siya nung sinabi ko ‘yun. Ang cute niya talaga. Hihihi :””>

“Ikaw na magiging tutor ko sa Statistics ah? Sobrang hina ko kasi talaga sa stat eh. Promise yan ha? Tuturuan mo na ako palagi? Magtratraining na ulit kami kaya magiging absent ako minsan. Kaya sa’yo ako kokopya ng mga notes ha? Basta from now on, tutor na kita!”Jeric said.

“Ah e, Opo! Promise ‘yan!“ I told him with a smile, he smiled back. I melted.

Ano ba ako nung past life ko? Superhero? National Hero? Anong ginawa ko noon at masyado akong swineswerte ngayon? Akailan mo, magiging kaklase ko at ako pa ang magiging tutor ng isang Jeric Teng :””>

The Perks of being a FangirlWhere stories live. Discover now