CHAPTER 2: He accepted me on Facebook

1.4K 13 1
                                    

TASHA’s POV

7 pm na nang makarating ako sa bahay. Nagyaya kasi ‘tong si Marga na mag-shopping, kaya yun, nagliwaliw kami sa isang mall malapit sa’min. Anong nakain nitong babaeng ‘to at ang ganda ng mood niya ngayon? Nilibre pa nga niya ako ng sine at dinner eh. Pinagkwekwentuhan nga namin si Jeric at Jeron Teng habang magkasama kami sa mall eh. Hehehe :””>

Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nagbukas ng Laptop. Nag-log in ako agad sa facebook kasi naalala ko maglalaro pa pala ako ng Tetris Battle. Pagkakita ko sa Home ng facebook ko, may 3 notifications. Yung isang notification galing kay sa isang kaklase ko, invitation para kalabanin ako sa Tetris. Aba, ang lakas din yata ng loob nitong babaeng ‘to para hamunin ako sa Tetris Battle! Kilala kaya ako sa school namin bilang reyna ng Tetris! Hahaha! Yung isang notification naman, yung mga naglike ng Profile Picture ko. Nakakatuwa kasi 235 na nag-like. Haba ng hair ko! Hahaha! Yung ikatlo naman nagulat ako kasi…

Jeron Teng accepted your friend request

Napasigaw ako! Jeron Teng accepted my friend request! Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya tong nararamdaman ko ngayon. Yung ngiti ko nga abot langit na eh. Inaccept ba naman ako ng bago kong crush sa UAAP. Hihihi :””>

Tinignan ko naman agad yung profile niya. Lahat ng nasa info tab niya kinopya ko na yata… Pagkatapos nun agad ko namang tinignan lahat ng photos niya. Iniisa-isa ko yung mga albums niya, sinisave ko na rin pala mga pictures niya dito sa laptop ko. Binuksan ko yung isang untitled album at may nakita akong hindi inaasahan… I saw one picture of Jeron kissing a girl on her cheeks. Pagkakita ko nun, parang gumuho yung mundo ko.

“Girlfriend kaya yan ni Jeron?” Tanong ko sa sarili ko. Well, gumana nanaman pagiging stalker ko. Hindi ako titigil hangga’t di ko nalalaman kung sino yung girl na yun. Hindi ko naman kasi malalaman kung siya nga yung girlfriend kung di ko iiistalk diba?

After an hour na pagsstalk sa facebook, bigla akong napadpad sa isang picture ni Jeron na naka-tag yung girl. Siya yun talaga eh, kamukhang kamukha nung picture na may hinalikan si Jeron sa cheeks. And there you go, alam ko na yung name niya; and her name’s Julianne Tan

The Perks of being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon