CHAPTER 7: Passenger Seat

1.2K 17 5
                                    

JERIC’s POV

“O ano, nagets mo na ba?” tanong sa’kin ni Tasha.

“Oo, medyo gets ko na” sagot ko.

“Ganun ba? Mabuti naman! Ang dali mo lang palang turuan eh!” sabi niya sa’kin habang ngumiti.

“Naman, ako pa! Jeric Teng yata ‘to ‘no!!!!” Biro ko.

“Sus, eto talagang tigre na ‘to, ang yabang!! HAHAHAHAHA”

“Totoo naman kasi eh! Aminin mo!!” sagot ko ng pabiro.

“Sige na nga lang diyan, sabi mo eh. Hahahaha! Oy, 7 pm na pala. Ang bilis ng oras! Uuwi na ako”

“Uuwi ka na agad? Kakatapos mo pa lang ako turuan. Dito ka na lang muna mag-dinner!”

“Hindi, okay lang ‘wag na ‘no. Nakakahiya na sa inyo. Ang dami mo na ngang  pinakain sa’kin!” Tinuro niya yung mga pinagkainan naming snacks habang tinuturuan niya ako. “Atsaka medyo busog pa ako. Osha, una na ako! Gabi na pala so kailangan ko na talagang makauwi. Baka kasi hinahanap na ako ni Marga, na-low bat kasi ako kaya di ko siya natext na medyo malalate nga ako ng uwi. Baka nag-aalala na yun sa’kin.”

“Ah ganun ba? O sige ipapahatid na lang kita sa condo niyo.” Sabi ko. Gabi na kaya, delikado pa man din mag-commute ngayon.

“Oy ano ba, wag na! Nakakahiya na masyado. Kaya ko namang mag-commute eh!” sagot niya

“Responsibilidad kaya kita. Ako nagpapunta sa’yo dito kaya responsibility ko na ihatid ka ng safe dun sa inyo.” Sabi ko.

“Hindi ‘no! Wag mong isipin na ganyan. Ako yata si tasha, kayang kaya ko yan don’t worry!”

“Hindi mo din masasabi kung anong pwedeng mangyari sa’yo diyan sa daan. , Mahirap na Tasha. ‘Pag may nangyari pa sa’yo, hindi kakayanin ng konsensiya ko. Hindi ako papayag sa gusto mo.” 

“Eh Jeric… nakakahi”

“Tama na Tasha.” Putol ko sa sinasabi niya. ”Wag ka nang magdahilan kasi hindi uubra sakin yan. Kaya wag mo nang pagurin yung sarili mo kasi walang nakakatalo sa’kin!” Ha! Totoo naman eh ;)

“Manang, asan si manong ruben, eh si manong  luis? Bakit wala sila dito sa bahay?” Tanong ko kay manang.

“Ah Jeric iho, si manong ruben mo kasi, nanganak yung asawa kanina kaya wala muna siya dito hanggang sa makalawa. Si manong luis mo naman, pinauwi na muna ng mama mo kasi may problema daw sa pamilya.“ sagot naman ni manang sa’kin.

“Ah ganun ba? Sinong pwedeng mag-drive ngayon papuntang UST?”

“Ay wala Jeric eh… Gamit kasi ng mama’t papa mo, pati na rin ng mga ate mo yung mga ibang drivers. Medyo magagabihan daw sila dun sa awarding. Eh ikaw hindi ka naman pwede mag-drive kasi may sprain ka.” Sabi sa’kin ni manang.

“Sabi ko sa’yo eh, mag-cocommute na lang ako.” Sabi naman ni Tasha

“Nako Tasha, hindi pwede… tignan mo yung oras oh! Dami pa man din loko loko diyan sa daan, baka mapano ka pa.” Sagot ko naman.

“Sus, wala ka bang bilib sa’kin? Okay lang talaga Jeric. Wag kang mag-alala, kaya ko ‘to!” Sabi niya sa’kin habang nakangiti.

Kahit na ano pang sabihin niya, hinding hindi talaga ako papayag. Bakit pa kasi nataon na may sprain pa ako.. Kasalanan ko din kasi eh, nagabihan siya kasi late na ako nagising. Atsaka kahit hindi naman kami ginabi ngayon, ipapahatid ko pa rin naman siya. Medyo mahirap kasing mag-commute mula dito hanggang Espanya. Ang dami kayang loko lokong taxi at jeepney drivers diyan sa daan, isama mo na pati yung mga mandurugas na holdapers. Ayoko namang may mangyaring masama sa kanya, kaibigan ko yan eh.

The Perks of being a FangirlWhere stories live. Discover now