CHAPTER 4: One Step Forward

1.3K 15 0
                                    

TASHA’s POV

“Marga! Kinakabahan na talaga ako! Feeling ko sasabog na ‘tong dibdib ko!”

“Hay nako Tasha, di ka nag-iisa. Ikaw nga diyan ang matalino eh. Atleast may kasiguraduhan ka na papasa aka, eh ako pa kaya na hindi ganun katalino? Mas lalo ka yatang kinabahan nung pagkadating natin dito sa UST?”

“Eh Marga, iba nga talaga kung nandito ka na mismo sa UST. Alam mo namang Ito yung pinaka-dream school ko eh. Kaya nga sobra na kaba ko ngayon kasi kailangan kong makapasa. Kapag hindi ako nakapasa, guguho na nga yata talaga yung mundo ko, no joke! Wait, saang building nga ulit?”

“St. Raymund’s Building daw eh. San kaya yun?”

“Itong hirap nang wala tayong kasamang Thomasian eh. Di naman daw kasi free yung pinsan ko kaya di niya tayo masasamahan. Magtanong tanong na lang tayo sa mga tao dito, mukha naman silang approachable eh!”

“Ah ate, san ba ‘tong St. Raymund’s building? Sorry ah, examiners kasi kami!” Tanong namin ni Marga dun sa nakasalubong namin.

“Oh, I’m sorry! I’m also not familiar with the places here in UST.”

“Ah, okay! Sorry din po.” Sagot naman ni Marga

“ARAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Naramdaman kong may nakabangaan ako habang naglalakad. Hindi ko na kasi nakita yung dinadaanan ko kasi nakatutok yung mga mata ko sa reviewer ko. “Ang sakit naman nun! Pwede bang magdahan-daha…….”

Napatigil ako sa sinabi ko nung nakita ko kung sino yung nakabunguan ko. It’s Jeric Teng…. Yup! Jeric Teng the UST basketball heartthrob! Oh em gee, ano ba ‘tong napasok ko -____-

“Ah sorry po, sorry po! Di ko po kasi tinitignan yung dinadaanan ko. Kasalanan ko po! Sorry po talaga” Sinasabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Hello?! Binangga mo na nga ang isang Jeric Teng, may natitira pa bang lakas ng loob sa’yo para tignan siya?

“Uy, ano ba It’s okay ! Di ko rin naman kasi nakita yung dinadaanan ko kasi nagtetext ako. Ako nga dapat mag-sorry sa’yo eh. Mukhang nagmamadali pa kayo. “

“Ah eh opo, USTET takers po kasi kami kaya di nga po namin alam kung saan yung St. Raymund’s building eh. Saan po ba ‘yun?”

“St. Raymund’s Building? Medyo malayo na dito yun. Kapag tinuro ko yung daan baka maligaw pa kayo. Samahan ko na lang kayo papunta dun!”

“Nako nakakahiya naman po sa inyo. “ Sabi ni Marga, halatang na-starstruck ‘tong Margang to eh.

“Okay lang yun! Walang problema. Besides, wala naman na akong gagawin dito sa school eh. Sasamahan ko na lang kayong mga future tigers!” Sagot naman ni Jeric Teng habang nakangiti. Oh my gosh. That smile! Nakakatunaw :””> (Pero siyempre loyal Jeron pa rin ako hehe)

Habang naglalakad kami papunta sa St. Raymund’s building, tinuturo naman na sa’min ni Jeric Teng yung mga buildings at landmarks dito sa UST. Akalain mo yun, siya pa naging tour guide namin. Nawala tuloy kaba ko! Inspired eh. Hihihi :””> (ang landi lang HAHAHA)

“Dito na yung building. Ano nga pala mga pangalan niyo? bakit ngayon ko lang natanong kung sino kayo HAHAHAHA?”

Oh em. Tinatanong niya pangalan naming dalawa ni Marga. Actually di na namin napansin ni Marga na hindi pa kami nagpapakilala kasi nakatunganga lang kami the whole time sa mukha niya. Oh em! So gwapo talaga promise :””>

“Ako nga po pala si Marga. Ito nga po pala si Tasha!” Nakangiting sabi ni Marga. Kinikilig ang lola.

“Ahh, Nice meeting you Marga and Tasha! Special test ng USTET pala ngayon kaya lalabas na agad yung results after. Good luck ha? Sana magkita ulit tayo dito sa UST next school year ‘pag mga freshmen na kayo… Kailangan ko na palang umalis, andyan na daw kasi si Papa. Sorry ha? Sana nalibre ko man lang kayo ng food. Dibale next time! Tweet tweet na lang!“ Sabi niya habang nagwawave samin . Yung ngiting yun eh! Feeling ko mahihimatay na ako!

_____________

“Alam mo Tasha, kinikilig pa din ako hanggang ngayon! Hindi ko nga alam kung makakapasa pa ako kasi the whole time, si Jeric Teng lang laman ng isip ko!”

“HAHAHAHA Ikaw talaga Marga! Ako nga rin eh. Never ko inexpect na isang Jeric Teng pa ang magiging tour guide natin dito sa UST”

“Anong oras nga pala ulit yung results Tash?”

“2 pm daw eh!” sagot ko.

“5 minutes na lang bes! Huhuhu naiiyak ako! Nakakakaba!”

“Sus, masyado kang nega! Isipin mo kasi papasa ka!” Ewan ko ba, simula nung sinabi ni Jeric Teng na sana makita daw niya kami dito next school year bilang mga freshmen, naging confident ako na magiging tomasino nga ako. Kinikilig ako masyado eh. I Brother-in-law pa talaga nagsabi nun! HAHAHAHAHA

“AYAN NA TASHA, AYAN NA!!!!!”

Lalabas na yung results…. Eto na……. Binababa na yung tela!!!!!

LIST OF ACCEPTED USTET TAKERS

Last names: G

Go, Margareth Angeles

AB Journalism

“MARGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” Sinigaw ko nung nakita ko yung pangalan niya. Nakapasa ang Best Friend ko! Niyakap ko siya nang mahigpit. Ito namang si Marga napaiyak! Hahaha. Ang cute niya!

“Tasha, eh ikaw?” Tanong niya sa’kin

“Di ko pa nakikita eh. Inuna ko kasing tignan yung sa’yo…”

Last names: R

Roxas, Anastasha Lorraine Mercado

BSBA Major in Marketing Management

OH. MY. GOSH. Nakapasa ako!!!!! First choice ko pa na Marketing management ang napasahan ko. May family business din kasi kami kaya ako nag-Marketing. Thank you, Lord! Kulang na lang talaga yakapin ko yung lahat nung nandito eh.. Eto kami ni Marga, talon ng talon habang magkayakap. Pinagtitinginan na nga kami ng iba eh. HAHAHAHAHA! Pakialam ba nila? Masaya kami eh.

So, UST it is. See you next school year, Jeric Teng! <3 

The Perks of being a FangirlWhere stories live. Discover now