Chapter 3 - The Welcome Party

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga eh yun at yun din." pag sang ayon naman ni Aly.

Hindi naman kasi kami pwede lumabas at doon kumain dahi paniguradong kakapusin kami ng oras pagbalik. Malayo pa kasi yung mga resto dito sa building namin at saka traffic din sa dadaaanan kaya bihirang pagkakataon lang na mag lunch out kami.

Mahigpit kasi si head, ayaw nya na nahuhuli kami ng balik sa trabaho. Kaya eto wala tuloy kami magawa kung hindi pagtyagaan na lang ang mga pagkain dito, pero minsan naman nakakapag baon ako.

Baka next time magpafood delivery na lang kami, meron pa naman ibang alternatives.

Ding!

Bumukas ang elevator at muntik nang tumalon ang puso ko nang makita ko kung sino yung mga papasok dito –sina Blake, Brandon, Reema at si ......Reese.

Halos hindi ako makahinga pagkakita sa kanya. Hindi ko malaman saan ko ibabaling ang tingin ko.

Busy sila ni Blake sa paguusap at tila hindi kami napansin nito. Si Reema ang lumingon sa amin at feeling ko nagliwanag ang mukha nya nang makita ako...o imagination ko lang yun?

"Maddy!" masayang bati nya, todo smile siya.

Napansin din ako ni Sir Brandon "Oh hi Maddy" nakasmile na bati din nya. Ngumiti din ako sa kanila at bumati kahit medyo nahihiya ako.

Sa gilid ng mata ko ay napansin ko na napatingin din sa amin si Reese. Pero saglit lang yun at binalik ulit nya ang tingin nya kay Blake na parang hindi naman ako worth it ng attention nya.

Ouch much!

"Lunch na kayo? Tara sabay na kayo sa amin. We'll try yung bagong resto malapit lang dito." narinig kong anyaya ni Reema.

"Ah wag na Ma'am sa resto sa ground floor na lang kami." magalang na tanggi ko, mabuti na lang at bumukas na ulit yung elevator at nagmamadali na kaming nagpaalam sa kanila bago lumabas dito.

"Grabe ang gwapo gwapo talaga nila!" sabi ni Beth pagkalabas namin at halatang kinikilig silang tatlo.

Bumaling sa akin si Aly, napansin nya siguro ang pananahimik ko at alam kong alam nya kung bakit.

Bumulong sya "Natense ka friend?" parang nang aasar pa siya.

Inirapan ko sya "Asa!" inis na sagot ko.

"Weh?" Parang hindi pa sya makapaniwala. Kutusan ko kaya itong babae na 'to?

Inirapan ko lang sya habang naglalakad na kami palapit sa food counter. Madami na ding mga empleyado ang mga nakapila dito. Halos lahat kasi ng mga nagtatrabaho sa building ay dito din kumakain.

Naramdaman ko may sumiko sa akin, palinga ko si Agnes pala. Bumulong sya sa akin "Mukhang close ka sa mga boss natin ah lalo na kay Ma'am Reema."

Umiling lang ako "Hindi naman, nagkakilala na kasi kami few years ago."

Kumuha ako ng tray at saka pumili ng kakainin ko. Menudo, rice, coke at macaroni salad ang binili ko habang nilagang baka naman ang kay Aly.

"Maddy totoo bang schoolmates nyo daw sina Sir Blake at Ma'am Reese noong college kayo?" tanong naman ni Beth pagkaupo namin at nagsisimula ng kumain.

"Ah yeah..." maikling sagot ko. I wondered kung saan naman nya nakalap ang balita na yun? Wala kasi akong pinagsabihan nun kahit sino sa mga officemates ko.

"So sila na ba nun? I bet sila ang most popular couple ng time na yun, tama ba ko?" Si Beth ulit.

Hindi ako umimik. Sa totoo kasi ay ayoko ng sagutin yung tanong nya... ayoko na munang pagusapan si Blake or kahit anong may kinalaman kay Reese.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon