Chapter 29 Change of Heart

61 3 0
                                    

Chapter 29

[Edz's POV]

"Hey sis are you ok? Mom said you didn't go to school. What's the matter? Bungad ni ate JD pagpasok nito sa room ko.

"Wala ate, masama lang ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko naman.

"Oh, have you taken any medicine?" Tanong nya uli.

"Nope! I just probably need some rest. It's not that serious, nothing to worry." Sagot ko naman.

"Are you sure? Coz I have this inkling that it's more than that." Sambit nya. "Lately, I kinda notice that you're acting differently like you're skipping meals. And last night, you hardly ate your dinner which was a bit weird coz that was your favorite meal. I know you, I know your appetite when it comes to food even mom noticed that too...What's wrong tell me?.." Tanong ulit nya.

"I'm ok. Wala lang akong ganang kumain." Tugon ko naman sabay talikod ko sa kanya.

"Edilyn! Is there something you're not telling me? I know you, you're my baby sister. I know when there's something bothering you so better spill it out." Samnbit ni ate JD,

Hindi naman ako nakakibo dahil ilang araw ko na rin kinikimkim yung nararamdaman ko.

"You know sissy, it kinda make me feel sad, knowing I came all along from abroad just to see you and here you are just spending most of your time locked up inside your room." Sambit ni ate JD na may halong lungkot sa kanyang tinig.

Pinipigilan ko namang wag magsalita dahil alam ko na sa oras na magsalita ako aagos lang ang aking mga luha dahil sa bigat ng nararamdaman ko, ganun pa man nalulungkot at nag giguilty ako sa pagtrato ko kay ate.

Naramdaman ko naman na umupo na ito sa tabi ko at, "Edilyn ano ba ang problema? Sabihin mo na kay ate gaya nung mga bata pa tayo remember? Di ba madalas kang magsabi ng problema kay ate nung mga bata pa tayo? si ate naman laging handang makinig sa yo."

Ng mga sandaling yon hinayaan ko na lang bumigay yung nararamdaman ko, "Ate inlove ako! Bigla kong sambit sa kanya sabay agos ng mga luha ko. Medyo natigilan naman sya sa narinig nya. Tila hindi nya inasahan ang narinig nya.

"Bat hindi mo sinabi kaagad? Tanging nasambit nya.

"Natakot akong sabihin sayo ganun din kina mama at papa dahil baka magalit kayo sa akin." Tugon ko naman habang tuloy pa rin sa pag agos ng mga luha ko.

Bigla naman naging soft ang facial reaction ni ate sabay sambit, "Ano bang magagawa namin kung talagang inlove ka, isa pa sa ayaw o sa gusto mo pagdadaanan mo pa rin yan dahil bahagi yan ng buhay. Ang sa akin lang kaya ayaw kitang mag boyfriend ay dahil ayaw kong pag daanan mo yung mga naranasan ko."

"Tama na yan, wag ka ng umiyak. Kung talagang mahal mo yung taong yon wag mo ng pigilan ang damdamin mo. Hayaan mo I'll help you explain things to mom and dad" Dagdag pa ni ate.

"Ang hirap ate, pagkatapos ng nangyari sayo, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako mag boboyfriend, na hindi ako maiinlove para hindi ako masaktan. At dahil sa pangakong yon tinanggihan ko yung pagmamahal na alok ni Francis. Tinanggihan ko yung lalaking nagugustuhan ko!" Pagkasambit ko nun humagulgol na lang ako ng iyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Niyakap na lang ako ni ate, "Sorry! Kasalanan ko! Dapat naging matapang ako nung mga panahong yon. Dapat hindi ako nagpakita ng kahinaaan ng sa ganon na protektahan ka ni ate sa ganoong sitwasyon. Sorry kung naging mahina si ate, hindi ka sana naapektuhan ng ganito ngayon." Malungkot namang sambit ni ate.

"Hindi ate, wag kang mag sorry. Wala kang kasalanan. Kagustuhan ko din ang lahat ng ito." Tugon ko naman kay ate. Niyakap lang ako nito ng mahigpit.

Beki and the Beasts (Completed)Where stories live. Discover now