Chapter 13: Maybe

Start from the beginning
                                    

Parang lumalabas na ako yung masama kasi sikat si Denden dito tapos isang new student naging girlfriend niya bigla.

Tumalikod nako at nagsimulang maglakad.

"Wag ka naman sanang magpaapekto sa sinasabi ng iba." napahinto ako sa paglalakad. "Alam naman natin yung totoo eh, hindi ka ganun. Wala silang pruweba. Ang nakakaalam lang ng katotohanan ay ako at ikaw saka kung sino man yung sinasabi nilang tao sa itaas (God)."- narinig ko yung footsteps niya papalapit sakin "Kung ipagpapatuloy mo yung ganyang attitude, ikaw rin yung nagsabi mismo na ganun ka, kasi nagpapaapekto ka eh."

Tumingin siya sakin,"Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako.." hinawakan niya yung left hand ko,"Tara na! Sasamahan mo pako sa isang lugar eh. Magugulat ka sa surprise ko!" - sabe niya tapos magsmile siya sakin.

Hindi ako nakapagsalita, I was dumbfounded.

Hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin, yung mga kelangan kong sabihin.

Naglakad na kami palabas ng school.

Sa front gate kami lumabas.

Habang naglalakad kaming dalawa, hindi ko mapigilang tumingin kay Denden.

Hindi kasi ako makapaniwalang sinabi niya yung mga sinabi niya kanina. Parang hindi siya yung Denden na kilala ko.

Yung Denden na nakipag sampalan noon, mataray, maldita, mahilig makipag sigawan at makipagtalo.

Habang naglalakad kami, napansin kong nakahawak pa rin siya sa kamay ko, hindi ko alam kung bakit ang saya ng pakiramdam ko..

Dahil kaya nakahawak siya sa kamay ko?

Oh dahil sa mga sinabi niya?

Oh baka dahil.... gusto ko na siya?

Masyado na kong naguguluhan sa sarili ko.. Kaninang umaga, parang gusto ko siya, pero nung nakasama ko si Mika at nakita ko na siya ayaw ko na bigla.

Ngayon naman ang saya ko kasi.. kasama ko siya.

Naglalaban yung like and hate, yung happiness at anger pag siya yung pinag-uusapan.

Mga 10 minutes din kaming naglalakad. Walang nagsasalita. Hawak lang namin ang isa't isang kamay.

Nagstop kami sa isang Parlor.

"Bakit tayo nandito?"- tanong ko

"Basta, pasok nalang tayo."- sabe niya tapos hinila niya ako papasok sa loob.

Wag niyong sabihing ililibre na naman niya ko dito?

May lumapit saming babae, mukhang siya yung may ari ng Parlor na to.

"Denden! Long time no see! GRABE! Tingnan mo, ang haba na ng buhok mo! Ang ganda ganda mo na lalo kahit nakatali yang buhok mo! Ano bang ipapaayos mo?"

Oo nga, ano ba ipapaayos niya? Magpapakulay ba siya ng buhok niya?

I know hindi siya magpapagupit kasi sign yun na willing siyang maghintay hanggang bumalik si Myco...

"Magpapagupit ako. Bawasan mo yung buhok ko. Gusto ko maging maganda siya tignan pag nakalugay."

Napatingin ako bigla kay Denden. Tumalikod naman siya sakin. Naiwan akong nakaupo mag-isa sa may Parlor.

Naiwan akong nag-iisip..

Bakit niya ginagawa to? Dahil ba sakin? Pero bakit? Naawa siya sakin? Trip niya lang...?

Oh baka... gusto na rin niya ko?

Hinde, napakaimposible naman nung huli.

Bakit kaya.. nagsawa naba siya ng kahihintay na bumalik si Myco sa kanya?

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now