"Ah," Her two hands balled into fists, "Naalala ko na." 


Naging asul muli ang mga mata niya at wala na siyang balak pang ibalik ito sa kayumanggi. Tanggap na niyang isa siyang halimaw. 



Tanggap na niya. 



Her main priority is to save the two of them and bring them back. No matter what happens, she's definitely bringing them back. 



Parang may isang malaking ipo-ipo na nakapaligid sa kaniya dahil sa sobrang bigat ng hangin na bumabalot. Mga dahong nagliliparan at tangay ng hangin. Nagtagal ito ng ilang mga minuto, hanggang sa nalusaw na ang ipo-ipo. Doon na nakita ni Yujin ang lagusan sa tabi ng isang malaking puno. 



Ano mang mangyari.



"Ibabalik ko sila." 



At pumasok na siya sa lagusan pabalik ng Oneiros. 


...


Hindi niya inakalang babalik pa siya sa lugar na ito. Pero eto siya ngayon, nasa kalagitnaan pa rin ng gubat. Ang kaibahan nga lang, ay nasa kagubatan na siya ng dati niyang tahanan. Aminin niya man o hindi, medyo namiss niya ang Oneiros. Ikaw ba naman ang bumalik sa lugar na kinalakihan mo? 


Pero wala siyang oras para magliwaliw. Kaya nagsimula na siyang tumakbo papunta sa sentro. Ang bayan. 



Nakayukom ang mga kamao niya habang nakatingin sa lugar. Magulo na ito, hindi tulad noong kinalakihan niya. Ang mga mamamayan ay takot nang lumabas, dahil napapalibutan na ng mga lobong nakabantay. 



Ang bayan na dati ay puno ng kulay, ngayon ay matamlay. Ang bayan na dati ay payapa, ngayon ay nababalot na ng takot. 


Dumako ang mga mata niya sa direksyon kung nasaan ang palasyo. Kailangan niya nang magmadali. 



Kaya naman ay wala sa pagdadalawang-isip na tumakbo siya papuntang palasyo.


Kahit na gusto niyang kumatok dahil nga manners, aba ano siya si tanga? Kaya imbes na katok, sinipa niya kaagad dahilan upang maalarma ang mga bantay at ang mga nasa loob. 


Nasa trono si Abigor, gulat na ekspresyon ang nasa mukha niya habang nakatingin sa nasa harap niya. 


Sa sandaling iyon, nakaramdam ng matinding galit si Yujin. Nag-aapoy ang kaniyang mga kamay at dali-daling sumugod sa nakaupo sa trono. 


Mga kamaong nababalutan ng asul na apoy, mga mata'y puno ng galit, mga matulis na pangil-


May pumigil sa kamao ni Yujin.



"Aba aba aba! Kamusta sa mundo ng mga tao, Eugene?" 



"Tumabi ka!" Agresibong sigaw ni Yujin. Ngumisi lang si Luca. Humigpit ang hawak niya sa kamao saka binigyan siya ng mabilis na sipa sa tiyan dahilan para matilapon si Yujin sa kung saan.

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon