checkmate 007

56 3 3
                                    

===================================

**move 007**

<< t o s h i r o >>

SEVEN YEARS AGO.

"TOSHIRO-KUN, PLEASE TELL US THE ANSWER IN ITEM NUMBER 9."

"A-Ako po?" Nanginginig ang mga tuhod ko habang dahan-dahan akong natayo. Nararamdaman ko ang tingin ng lahat ng mga kaklase ko sa akin. "Uhmmm..."

Ayoko nito...

Hindi ko alam ang sagot...

"Negative 40 degrees..." Isang mahinang boses ang bigla kong narinig. Pasimple kong hinanap kung saan nagmula ang boses, hanggang napansin ko ang katabi ko na may ipinapakita sa aking papel na may nakasulat na '-40 degrees'.

"Toshiro-kun?" Muling tawag sa akin ni Ms. Yumi sa malambing na tono.

"Ah, negative 40 degrees po..." Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko 'yon pero nagpapanic na ako at bukod sa hindi ko alam kung ano ang sagot, hindi ko rin narinig kung ano ang tanong.

"That's right! Celsius and Fahrenheit scales equal at negative 40 degrees. Please check your classmates paper if they got it right." Tinignan niya ako ulit. "You can sit now, Toshiro-kun."

As soon as I sat down, the guy beside me leaned closer. "Nice one!"

Ang laki ng ngiti niya na halos kita ang lahat ng ngipin niya sa harapan. I am a shy kid kaya kahit dalawang linggo na ang nakalipas mula ng nagsimula ang klase, wala pa akong nagiging kaibigan. Kahit itong lalaki sa tabi ko ay hindi ko pa alam ang pangalan.

Pagkatapos ng klase, nagsitayuan na agad ang lahat para lumipat sa susunod na classroom. I figured, kailangan kong magpasalamat sa tulong niya sa akin kanina.

"Uhm... S-Salamat..." I mumbled. Sana narinig niya.

"Wala 'yon." Nandoon pa rin ang malaking ngiti sa labi niya.

"Hideki, tara na!" Tawag sa kanya ng lalaki sa tabi niya.

He was about to turn his back on me to follow his friend but he suddenly glanced back to look at me. "Let's be friends, Toshiro."

Again with that big smile on his face.

MABILIS KAMING NAGING CLOSE NI HIDEKI. Masaya siyang kasama at, nakakapagtaka man isipin, magkasundo kami sa lahat ng bagay . At dahil din sa kanya, natutunan kong maging mas outgoing na kahit ako nagulat sa sarili ko. I found myself laughing a lot when I'm with him at ganun din siya. We would hang out on weekend. Kapag may assignments, sabay kaming nagawa. Tuwing may exam, palagi niya akong tinuturuan. Masaya si mama makita ang improvement sa grades ko.

For a year, we were inseparable.

Until that day.

"HIDEKI. PAKOPYA NG ASSIGNMENT..."

One of his (old) friends was pestering him so early in the day. Ilang linggo na lang matatapos na ang unang taon namin sa highschool pero ganun pa rin ang gawain nila-umasa kay Hideki sa mga assignment.

"Kung ginagawa nyo kasi ang assignment nyo sa bahay..." Parinig ko .

"Tumahimik ka nga dyan Toshiro. Umaasa ka lang din naman kay Hideki..."

"Anong sinabi mo?!" Umakto na ako na harapin siya pero pinigilan ako ni Hideki. Nakatingin siya sa akin na tili ba sinasabi na wag ko na lang pansinin ang mga sinasabi nito. Nang naramdaman niyang huminahon na ako, bumaling na ulit siya sa kaibigan.

checkmate | stalemate series (BL Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon