AKO'Y LAGING NASA TABI MO

8 1 0
                                    

Masasayang pangyayari hanggang kailan kaya mananatili?
Mga lungkot na nadarama kailan kaya mapapawi?
Oras na tumatakbo kinukuha ang bawat sandali
Ating tadhana ay pwede ba nating mapili?

Kailangan ko ng lumisan sa mundo
Pasensya na kung ika'y iiwan ko
Sana ay di ako mawala sa puso't isip mo
Di mo man ako makita tandaan mo lang na AKO'Y LAGING NASA TABI MO.

Kailangan ko ng sumama kay Ama
Pasensya na dahil hindi ko na kaya
Salamat ako'y iyong minahal at pinasaya
Babaunin ko ang mga ito kahit ako'y nasa kabilang buhay na.

Pasensya na kung ikaw aking masasaktan
Mga luha sa iyong mga mata ay papatak na naman
Mga alaala na lang ang sa iyo ay aking maiiwan
Patawad kung hindi na kita muling matatabihan at mahahagkan.

Hanggang sa muli nating pagkikita
Hihintayin ka namin ni Ama
Babantayan kita, ako'y lagi mong kasama
Mahal na Mahal kita.

TulaWhere stories live. Discover now