IKAW ANG AKING PANALANGIN

5 2 0
                                    

Maraming katanungan ang sa akin ay gumugulo
Kailan kaya ako magkakaroon ng salitang Tayo?
Mayroon kayang nakalaan sa akin na makakasama ko?
Sasaya rin kaya ako tulad ng sa iba na nakikita ko?

Maraming beses ko ng sinubukan ang magmahal
Pero lahat sa kanila ay walang nagtagal
Sakit at sugat na dulot lang sa akin ang tumagal
Lungkot at sakit ay parang ako'y sinasakal.

Inumpisahan kong muling bumangon
Sa lungkot at sakit ako ay umahon
Handa ko ng kalimutan ang kahapon
Haharapin na ang panibagong pagkakataon.

Maraming beses mang masaktan
Pero iyong laging tatandaan
Pwede mong balikan ang nakaraan
Ngunit sa iyo ay mayroong mas magandang nakalaan.

Sa hindi inaasahang oras ikaw ay aking nakita
Sa iyong pagtawa mga mata mo'y hindi na makita
Sa mga ngiti mo ay ako'y nabighani na
Paano ba kumawala sa aking nadarama.

Mga mata natin ay nagkatinginan
Tibok ng puso'y bumilis na parang nag-uunahan
Tanging ikaw ang tumatakbo sa aking isipan
Ikaw na ba ang sagot sa mga tanong at aking kahilingan?

Noong ikaw ay aking nakita sinabi ko sa sarili ko ay ikaw na
Na kahit kay Ama ay laging ipinagdarasal kita
Dahil ang puso't isip ko ay sinasabing ikaw na
Ikaw na ang bubuo sa buhay kong matagal ng nangungulila.

Sa wakas ikaw ay dumating rin
Katanungan at hiling ko'y nasagot na rin
Ama salamat sapagkat siya ay binigay mo na rin
Mahal, IKAW ANG AKING PANALANGIN.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon