PINAPAUBAYA

6 2 0
                                    

Masaya ka na ba sa kaniya?
Siya na ba talaga?
Wala na ba tayong pag-asa?
Wala na bang tsansang maging tayo pa?

Masaya ang ating naging pagsasama
Pero bakit biglang nag-iba ang iyong nadarama?
Di ka na masaya sa tuwing ako ang iyong kasama
May nagawa ba akong mali at masama?

Pinilit kong intindihin kung bakit tayo naging ganito
Hindi ko talaga alam ang dahilan ako ay nalilito
Pakisabi naman ang dahilan dahil hindi ako sigurado
Mahal natin ang isa't-isa diba? pero bakit nangyari ito?

Tadhana bakit naman ganito?
Pinagtapo lang ba talaga ang ikaw at ako?
Hindi ba talaga pwedeng tayo hanggang dulo?
Bakit sa isa't-isa ay kailangan tayong ilayo?

Sa ating pagbitaw, ikaw pa rin ang sigaw
Sa aking paningin ay ikaw pa rin ang natatanaw
Naalala ka pa rin sa bawat galaw
Pero oras na para kalimutan ka at bumitaw.

Mahal na mahal pa rin kita
Pero kailangan na nating maging malaya
Dahil alam kong sa kaniya ka na liligaya
Hiling ko lang ay mahalin ka niya, higit pa sa kung paanong mahal kita. Pinapaubaya na kita sa kaniya.

TulaWhere stories live. Discover now