Chapter 49

9.1K 267 20
                                    



Mga ilang oras akong umiyak dito sa silid na ito at umasang babalik si Louie at magsosorry pero wala, walang Louie na bumalik. Pagkatapos umiyak nakatulala akong tumayo at naglakad palabas ng hotel at wala sa sariling naglakas sa tabi ng kalsada.

Malalakas na busina ng sasakyan, tunog ng malakas na hangin sa gabi at mga boses ng tao ang aking naririnig s apaligid pero ang tanging malinaw sa aking pandinig ay ang mga masasakit na salitang binitawan ni Louie sa akin.

"Wag na tayong magmaangmaangan pa Alliana, yung lalaking 'yon boss mo yun hindi ba?! Pero ang trabaho mo analyst, ang analyst ay hindi palaging kasama ng CEO pero ikaw, dalawangang beses ko nang nakita na pumupunta sa condo ng boos mo!!! Hindi ako tanga!" 

"Alam mo ko naman na nasilaw ka sa pera ng boss mo Alliana!!! Pero sana hindi mo kalimutan na may responsibilidad ka sa akin, hindi yung iiwan mo ako dahil sa per----," 

"Tama ako diba, pera ang habol mo sa lalaking 'yon, sasama kana sa kanya kaya iiwan mo na ako! Ano Alliana sabihin mo sa akin ako din ba pineperahan mo lang?!"

"Totoo naman ang sinasabi ko! Baka nga pineperahan mo lang talaga ako Alliana at nngayon nakahanap ka ng mas mayaman na naibibigay lahat ng perang kailngan mo kaya iiwan mo na ako!!!" 

"Hindi ako papayag na iwan mo ako Alliana akin ka lang!!! Ibibigay ko lahat ng perang kailangan mo pagsumikat na ako!! Maghintay ka lang!!!!"

"Bakit, dahil pupunta ka sa boss mo ah!!! Hindi,  Alliana dito ka lang, akin ka lang!!!" 

Halos mawalan ako ng balanse nang manghina ang aking tuhod habang naglalakad sa kalsada, mabuti na lang ay napahawak ako kaagad sa isang poste. At muli nanamang bumuhos ang mga luha ko at dahan-dahang napaupo sa gilid ng poste.

Niyakap koa ng aking tuhod at pinatong ang aking ulo, muli ay umiyak nanaman ako at nanaig ang sakit sa aking puso, sa sobrang sakit halos hindi ko na maramdaman ang pagpintig nito.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ang hirap huminga, sobrang sakit makita na ganon akong tignan ng taong mahal ko. Hindi ako makapaniwala na pumasok sa isip niya na ganong klaseng babae ako.

Nihindi ko man naisip na isa siya sa mga taong titignan ako ng ganong kababa, akala ko gingawa niya ang lahat para sa akin dahil gusto niya ako, hindi ko inaasahang isusumbat niya pala ito sa akin.

Pinipilit kong ipasok sa isip ko na lasing lang siya at wala sa sarili pero sobrang sakit, hindi ko kailan man naisip gumamit ng ibang tao para sa pera nagtatrabaho ako ng maayos at mabuti para maitaguyod ang pamilya ko at kahit kailan di ako humingi ng tulong sa kahit na sino, kahit kay Louie.

"Hindi ako mukhang pera," bulong ko habang umiiyak.

Biglang pumasok sa isip ko ang ala-ala na tila naburo dahil sa mga sinabi ni Louie ngayon.

3rd year college

"Alliana!! Pwedi bang manligaw si Dale sayo?" natigilan ako sa paglalakad ng harangin ako ng mga football player ng university. Ang Dale na tinutukoy nila ay ang kaklase ko last sem na sinubukan akong kaibiganin.

"Ano?" tanong ko.

Ngumiti ang mag ito at kinantyawan si Dale ng itulak nila ito sa harapan ko. "Hi Alliana" bati nito, tumango ako bilang pagbati at hinigpitan ang pagkakahawak sa folders na dala-dala ko.

"Alliana pwedi ba kitang ligawan?" nakangiti nitong sambit, kilala ito bilang playboy sa university at halos lahat ng babae dito ay niligawan niya kaya hindi ko magawang maging ok sa kanya.

"Sorry wala akong oras sa mga ganyang bagay" sagot ko at nilagpasan sila, kailangan kong pumunta sa student council para ipasa ang mag ito.

"Bakit ayaw mong magpaligaw dahil gusto mo si Pres!!" natigilan ako sa paglalakad ng magsalita ito, nilingon ko ito at nakakunot noong tinignan. "Akala mo ba Alliana napapansin kong lagi kayong kumakain sa labas ng Pres na iyon pineperahan mo ata siya dahil anak mayaman siya! Kaya ko din naman bigyan ka ng pera ah"

"Anong sabi mo----" nagulat ako ng biglang sumulpot si Louie sa tabi ko at sinugod si Dale at sinuntok ng napakalakas.

"Hindi ganong babae si Alliana!" madiin nitong sambit at kaagad akong hinila palayo sa kanila.

Napayuko ako habang hila-hila niya ako, lahat ng tao dito sa university tingin ay mukhang pera ako dahil malapit ako sa mga mayayaman na student council.

Panatingin ako kay Louie ng tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako, gamit ang dalawang kamay pinisil nito ang aking magkabilang pisngi at sinabi, "Wag kang magpaapekto sa mga sinasabi nila"

"Totoo naman eh, mahirap lang ako kaya maaring ganon ang mga tingin sa akin ng lahat ng tao" malungkot kong sambit.

Pinisil-pisil nito ang aking pisngi at pinaglaruan, "Hindi kita kailan man titignan ng ganon, promise yan! Hindi ka mukhang pera at alam ko iyon Alliana, kaya wag ka nang malungkot dyan tara tapsi libre ko" masigla nitong sambit. '

Sumimangot ako at, "Lagi mo namang libre eh," sambit ko.

"Syempre malakas ka sa akin eh hahaha, tara na nga" sabi niya at inakbayan ako papunta sa student council office.

Siya ang nag-iisang lalakeng inaasahan ko na kahit kailan hindi ako titignan ng ganong klaseng tao pero mali ako.

Mas lalo akong naiyak dahil doon, parang bumagsak lahat ng paniniwala ko kay Louie, pati ang saktan ako ng pisikal hindi ko kailan man naisip na magagawa niya iyon sa akin. Hindi ko magawang paniwalaan na siya ang lalakeng kaninang sumampal sa akin.

Sana panaginip na lang ang lahat ng ito, sana hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Louie sa akin, sana hindi na lang ako pumunta sa condo niya, hindi siguro nangyari ito.

Umangat ang tingin ko sa madilim na langit ng unti-unti akong nakaramdam ng pagtulo ng ulan hanggang sa bigla itong bumuhos ng napakalakas, kasabay non' ay ang pag agos ng sakit sa aking puso at pagtulo ng aking luha.

Habang patuloy kong nilulunod ang aking sarili sa sakit narinig kong tumunog ang aking cellphone hindi ko na ito binasa pa at agad sinagot.

"H-hello?"

"I was wondering if you're still mad at me, I want to properly apologize for what I did," Si Cadmus.

"H-hindi ok na k-kalimutan na l-lang natin ang n-nangyari," umiiyak kong sambit.

"Wait, are you crying!!!" biglang nag-aalala nitong tanong, "Where are you? Are you outside! Fuck it's fucking raining outside!!!" nagpapanic nitong sambit.

"H-hindi, Ok lang ako," bulong ko.

"No! I know something's off, tell me fucking where you are right now Cortez!!!" maotoridad nitong sambit.

"Ok lang ako C-Cad hindi mo na ako kailangan punt---"

"Please, tell me where you are," suddenly his voice weakens.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن