Chapter 24

8.6K 303 46
                                    


"Nako Apo ko, mag-iingat ka doon ah balitaan mo kami itext at tawagan mo lagi si Amiel para makausap ka namin," sabi ni Lola habang patuloy ang paglagay ng pagkain at baon sa aking bag.

"Opo La," natatawa kong sambit habang pinapanuod siyang maglagay ng sibuyas, bawang, kalamansi sa aking bag kasama ng mga bicong pabaon nito.

"Salamat po La," sabi ko ng maisara na ang bag ko at binuhat ko na ito. "Anak andito na ang tricycle sa labas," sigaw ni Papa mula sa labasan. "Akin na ate," sabi ni Amiel at nagprisintang nmagbuhat ng bag ko pasakay sa tricycle.

"Magiingat ka don Apo ko ah, pagkain mo wag mong kakalimutan ah," sabi ni Lola, tumango at hinalikan ito sa pisngi, si Lolo din at si Papa.

Hinawakan ni Papa ang aking magkabilang pisngi at nginitian ako, "Lakasan mo ang loob mo sa lahat ng bagay anak ko," he said and nodded at me.

I smile and nodded to before I hugged him tight once again and go to the tricycle. "Ate tumawag ka araw-araw ah," sambit ni Amiel ng sumakay ako sa tricycle. "Oo naman mamimiss ko ang Amiel naming eh," biro ko at kinurot ang kanyang bewang. "Ate naman eh, basta mag-ingat ka doon bye," kumaway ako sa kanila hanggang sa nakaalis na ako at tumuloy sa sakayan ng buss.

Agad akong nakasakay sa buss papuntang Manila, at mabilis din itong umandar at umalis. Habang na sa byahe hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ko kay Boss ng alukin ako nito ng matitirhan sa Manila.

"Ok, it's settled you'll be leaving for tomorrow and start working in Manila, I'll call Miss Lea para inassist ka niya agad pagpunta mo doon, and about your place to stay sagot ko na iyon saan mo ba gust---," I cut him.

"Sir, hindi na ho kailangan, may matitirhan po ako doon sa Manila,"

"Talaga ba? Sigurado ka ba dyan?" tanong nito.

"Opo, siguradong sigurado po ako Sir, sige ho mauna na ho ako at magliligpit na ako ng aking mga gamit." Nakangiti kong sambit bago lumabas.

Susurpresahin ko si Louie sa kanyang condo at doon ako titira kasama siya, sigurado akong matutuwa iyon pagnalaman niyang sa manila na ako magtratarbaho at makakasama ko na siya araw-araw. Isa pa mas malaking tulong ang maibibigay ko sa aking pamilya dahil sa trabahong ito.

Nagtext siya kagabi sabi niya break niya ngayong araw kaya magstay siya sa condo niya at matutulog buong araw pambawi daw sa tulog. Kaya magandang araw ito para isurpresahin siya.

Limang oras din ang inabot ng byahe mula Zambales bago ako makarating dito sa babaan ng bus sa Manila, sobrang daming tao at panay mabibilis ang lakad ng lahat.

Timungin at umikot ang akin pangingin sa buong paligid para maghanap ng sakayan ng taxi.

Sabi kasi ni Ma'am Celestin mas madali daw akong makakapunta sa Condo ni Louie pag nagtaxi ako. Kaya naglakad-lakad ako hanggang sa may nakita akong babae nap umara lang sa gilid ng kalsada ay may taxi na agad na lumapit sa kanya.

Ginawa ko din ang ginawa niya at may lumapit nga din agad sa akin, pero bago ko pa mahawakan ang pinto nito inunahan na ako ng isang lalake at sumakay. Umalis ang taxi kaya tumawag ulit ako and this time siniguro kong hindi ako mauunahan mabilis ko itong binuksan at pumasok sa loob.

"Saan po tayo Ma'am?" tanong ng driver.

"Sa Coreal Condominuim po manong," masigla kong sambit at tinignan ang paligid habang umaandar ang taxi papunta sa condo ni Louie.

"Ito ho ang bayad Manong," sambit ko at agad bumaba dala ang maleta ko at pumasok sa condominium na sobrang laki. Alam ko ang unit number ni Louie na kwento at nakita ko ito sa picture niya.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora