Episode 30: The Lethal Situation

Comenzar desde el principio
                                    

Hanggang sa nagulat na lang ako nang bigla, may nagsidatingan na tatlong helicopter sa langit. Napakisap na lang ako ng mga mata nang ilawan nilang lahat ang sasakyan ni Chan.

Nang mapatingin ako sa rear-view mirror, doon ko lang napagtanto na marami na rin palang mga kotse ang nakasunod sa amin. Itim lahat ng mga ito.

"They came here to help," sambit ni boss nang mapansin akong nakatingin sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin ay tumagos ang tingin niya sa kaluluwa ko, "the last thing that I want to see tomorrow is you mourning for Beatrice. I will do everything to save her, just trust me."

Napalunok ako ng laway.

Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ang kumawalang luha sa mga mata ko. "Salamat po, boss." Nag-iwas ako ng tingin. Pinanatili ko na ang mga mata sa sasakyan ni Chan. Nabubuhay ang pag-asa sa akin.

Kaya pa naming bawiin si Beatrice.

Kayang-kaya pa . . .

Napatingin ako sa kaliwa't kanan ng sasakyan nang mapansing kapantay na pala namin ang mga sasakyang nasa likuran lang namin kanina. Hanggang sa naging mabilis ang pagharurot ng mga iyon. Naunahan na nila kami. Papalapit sila nang papalapit sa sasakyan ni Chan. At ilang minuto lang ang nakalipas ay kapantay na niya ang mga ito.

"Shocks, para akong nanonood ng action film . . ." bulalas ni Badette. Nanlalaki ang mga mata niyang pinapanood ang nangyayari sa mismong harap namin.

Itinuon ko na lang muli ang sarili sa harap namin. Ngayon, kitang-kita ko kung papaano palibutan ng mga itim na sasakyan ang sasakyan ni Chan. Mayroon sa harap. Mayroon din sa gilid. Wala lang sa likod.

"Boss, baka kung mapaano si Beatrice!" Napahawak ako sa aking bibig nang masimula sila pagbabanggain ang sasakyan ni Chan.

Natatakot akong baka nakalimutan nilang nandoon din ang kapatid ko. Kapag may nangyaring masama kay Chan, damay si Beatrice.

"They know what to do," tiim-bagang sagot ni boss. Mahigpit ang ginagawa niyang pagkapit sa manibela.

Minabuti ko na lang na manahimik.

Minabuti kong magtiwala.

Pero lahat ng pag-asa sa akin ay nalusaw nang biglaan. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Mukhang sinusubok talaga ng tadhana ang katinuan ko.

Nakita kong bumukas ang gilid ng sasakyan ni Chan. Mula doon ay dumungaw si Beatrice. Naka-tape ang bibig. Gulo-gulo ang buhok. Ang takot sa kanyang mga mata ay matindi.

Hanggang sa . . .

Hanggang sa kumislap ang baril mula sa loob ng sasakyan. Bumulwak ang dugo mula kay Beatrice. Parang papel, nahulog sa sasakyan ang kapatid ko.

Napanganga ako sa kilabot.

Nanlalaki ang mga mata, hindi ko nagawang makaimik. Dire-diretso lang na bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hanggang sa magkanda-lasog-lasog na gumulong ang katawan ni Beatrice sa kalsada.

Halos mawalan ako ng malay sa sakit.

Halos mamatay ako sa hinagpis.

Noong huminto ang sasakyan ni boss sa mismong harap ng nakahandusay na si Beatrice, agad akong lumabas ng sasakyan. Nanginginig ang mga tuhod kong nilapitan siya.

At halos mabaliw ako sa lakas ng hagulgol ko nang makita ang butas mula sa kanyang balikat. Dire-diretso pa ring umaagos ang mga dugo mula doon.

"Beatrice! P*tangina! Beatrice!" Naglupasay ako. Hagulgol. Suntok sa kalsada. Makabasag-lalamunan akong sumigaw.

Wala na ang kapatid ko.

Wala na siya . . .

Kasabay ng pagkatulala ko habang nakaunan sa mga hita ko si Beatrice ang nakakabinging tunog ng baril. Nanggagaling iyon mula sa mga itim na sasakyan na nakapalibot sa sasakyan ng demonyong si Chan.

"Let's take her to the hospital!" nanginginig ang boses ni boss.

Iyon na ang huling mga salitang narinig ko bago ako mawalan ng malay . . .

×××

Author's Note: Happy Valentine's Day! Ehe ehe ehehehe.

The Lucky Fan (Self-Published Under Talking Pages)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora