Episode 31: The Hardest Choice

32.9K 998 464
                                    

"YOU should do it," sambit ni boss. Hinahaplos niya ang balikat ko. Binibigyan ako ng lakas para ituloy ang napili kong choice. "It's for her."

Hinang-hina ako.

Hirap na hirap ako.

Nanlulumo ako.

At noong mahawakan ko na ang wire, humugot ako ng malalim na hininga.

Kaya ko 'to . . .

Gusto kong ako ang gumawa nito. Mabuti na nga lang at pinayagan ako ng mga doctor at nurse na gawin ito . . . itong huling request ko para kay Beatrice.

Sa ginawa ay kusang kumirot ang dibdib ko. Naramdaman ko ang init ng hapdi nito. Hanggang sa para bang isang malaking alon na humampas sa akin, nanumbalik ang mga ala-ala ng nagdaang isang buwan. Ang gabi matapos dukutin ni Chan si Beatrice . . .

Noong gabing iyon, tulala lang ako. Walang imik. Walang emosyon. Wala kahit na ano. Nakatulala lang ako sa upuan. Blangko ang pag-iisip. Ligaw na ligaw sa sakit at pagkalito sa kung papaano, ang lahat ay para bang biglaang gumuho sa mismong harapan ko.

Gusto kong gumalaw. Gusto kong sumigaw sa sakit. Gusto kong humagulgol. Gusto kong tumakbo papunta sa operating room para masiguradong mabubuhay ang kapatid ko. Gusto kong gawin ang lahat para sa kanya.

Pero hindi ko kaya.

Hindi ko magawa.

Bakit hindi ako makagalaw?

Para bang noong mga oras na iyon, ubos na ubos ako. Walang natira sa akin kung hindi ang pagkabigla at pamamanhid sa sakit. Para lang akong nakalutang sa madilim na alapaap. Nangangapa. Naliligaw. Natutuliro. Nasasaktan. Nadudurog.

Dahil nasa ganoong sitwasyon nga ako, sina Boss Rustan at Kuya Peter ang nag-asikaso kay Beatrice. Sinamahan lang ako nina Badette at Shobe. Maya't maya nilang tinatapik ang pisngi ko.

"Ghorl, ano ba? Kinakabahan na kami sa 'yo." mangiyak-ngiyak na sambit ni Badette. Pero wala pa rin akong imik.

Hanggang sa narinig ko na siyang umiyak nang malakas. "Uy! Ano ba?!" Kasabay ng pagbuhos ng kanyang luha ang maya't maya niyang pagsinghot.

Patuloy siya sa pagtapik sa akin. Walang hinto. Pero hindi ko pa rin kayang gumalaw.

"Lara, gising beh . . . Kaya pa 'yan, mabuhuhay si Beatrice . . ." Nanginginig na ang boses ni Shobe habang sinasabayan na si Badette sa pagtapik sa akin. "Tiwala lang . . ."

Pero wala pa rin.

Gan'on pa rin.

Para pa rin akong isang istatwa. Walang galaw. Paralisado. Tulala.

Nagpatuloy lang kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa lumipas ang mahigit isang oras, natanaw na namin sina boss at Kuya Peter. Nagawa ko pa ring lingunin sila.

At nang magtama ang mga mata namin ni boss, nakita ko ang labis na lungkot mula doon. Kitang-kita ko ang kumawalang luha mula sa kanyang mga mata. Agad niya iyong pinunasan noong maupo siya sa upuan hindi kalayuan sa amin. Wala siyang imik. Iritado siyang napahilamos sa kanyang mukha bago tumungo. Nakasandig ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita.

Nag-iba ang kanyang awra. Nawala ang pamilyar na kasupladuhan mula sa kanya. Napalitan iyon ng lungkot. Ng hinagpis . . . ng pagsisisi?

Noong mga oras na iyon, alam ko na. Alam ko nang hindi maganda ang balitang malalaman ko sa kanila.

"Na-comatose si Beatrice." ani Kuya Peter bago umupo sa tabi ni Badette.

Sa narinig, para akong nagising. Nagisimula akong umiyak. Humagulgol ako na para bang isang bata. Sobra ang kirot sa dibdib ko. Sobra na ang sakit sa sistema ko.

The Lucky Fan (Self-Published Under Talking Pages)Kde žijí příběhy. Začni objevovat