58. Confused

2.1K 53 4
                                    

A/N   Ang chapter na ito ay magsisilbing bridge sa mga susunod na rebelasyon kaya aaminin ko na. Mabibitin na naman kayo. Hehe. Pero after this chapter ay sunud-sunod na ang mga makapigil-hiningang eksena! Wink! Huwag bibitiw! I-comment mo na yan! Vote and share na rin! Thank you!

 

Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

 

CHAPTER 58: CONFUSED

 

LILY (POV)

“Lily I’m really sorry. Sorry kung hindi ko nasabi sayo. Natatakot lang kasi ako na magalit kayo sa akin ni ate.” Sinapo ni Kevin ang kanyang noo. “Ayan nagalit na nga kayo.”

Kasalukuyan kaming nakahinto sa highway galing sa kanilang bahay. Pinatigil ko talaga ang takbo ng kotse. Kailangan naming makapag-usap.

“Maiintidihan ko pa yung dahilan na nilihim mo iyon dahil ayaw mong malaman ng ate mo na kapatid ako ni ate Millete. Pero yung posibilidad na naandoon sa ate mo si Brix at tinatago niya ay hindi ko na mapapalampas.” Nakabusangot kong tugon sa kanya. Lalo talagang tumitindi ang kutob ko na may tinatago sa amin ang ate niya.

“Imposible pa rin naman yata iyon. Hindi tayo sigurado sa mga ibinibintang mo.” Tugon niya. Napatingin nalang ako sa kanya. Nakataas ang kanang kilay ko. Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig.

“Nagbibintang? Nagbibintang ako?” saka ko na inalis ang pagkakatitig ko sa kanya. “Ou nga no! Nagbibintang nga lang pala ako! Kasi boses lang ni Brix ang narinig ko. Hindi ko siya nakita at wala akong ebidensya.” Nagpaka-sarcastic na ako dahil sa pagkainis sa kanya. Siya na nga ang may kasalanan sa akin pero kung mapagtanggol pa niya ang ate niya ay wagas.

“Hindi naman sa ganon.” Sinubukan niya akong hawakan ngunit pinalo ko ang kamay niya.

“Ganon na yon!” bulalas ko.

“Ano na bang gusto mong mangyari? Ha yellow?” humina ang boses niya na tila may kasamang panlulumo.

“Wag mo akong mayellow-yellow dyan! Umuwi na tayo! Kalimutan na natin ang lahat ng nangyari.” Hindi pa rin ako tumigil sa paggiging sarkastiko. Ngunit may nakalimutan pa akong sabihin. “Isa pa.” Nagtitigan kami. “Kalimutan mo na rin ako. Break na tayo!” syempre pa galing lang sa ilong yon kaya nauna kong iniwas ang tingin ko. Hindi ko kayang makita ang malungkot niyang mga mata dahil sa sinabi ko.

“Lily naman.” Kukuhanin niya sana ang mga kamay ko ngunit iniwas ko na naman iyon. “Lily huwag naman sanang humantong sa ganito.” Pakiusap niya.

“Dito rin naman mapupunta ang lahat eh. Hindi ako magugustuhan ng ate mo. Ayaw mo pa akong tulungan. Nag-aaway na tayo ngayon. Ano pang gusto mong mangyari? Sa hiwalayan din ang punta natin. Patatagalin pa ba natin? Ngayon na!” sinubukan ko pa ring maging sarcastic kahit na bumabalik din sa akin ang lahat ng sinasabi ko. Nasasaktan din ako. Mahal na mahal ko si Kevin. Ngayon na nga lang ako nagmahal ganito pa pala kasaklap ang mangyayari. Akala ko sa mga serye sa tv lang ito mangyayari. Hindi pa ako natuto sa love story ni ate Millete na pang-MMK at Magpakailanman ang peg.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Where stories live. Discover now