"Okay."

Napamata ang dalawang dalaga sa kanya. "Ha?"

"Gusto kong...maiganti ang sarili ko."

Marceline acted as if she's gonna faint while Tabi happily clapped her hands. Something in her tells her it's not the best plan pero mas namayani ang galit niya sa puso para dito.

"Kailangan nating mag-set ng plan para hindi mag-backfire sa iyo."

Naglabas si Tabi ng papel at nagsimulang magsulat.

"O una, palapitin mo siya pero hindi ka pwedeng maging sweet sa kanya."

Nagkatinginan sila ni Marceline. "Paano iyon?"

"Don't act like a girlfriend. Iyung mga nakasanayan mong gawin noong kayo pa, huwag mong gawin. Hayaan mo siyang habulin ka. Para sa ganoon, alam mo kung totoo ba iyung intensiyon niya sa iyo."

Tumango na lang sila.

"Number two, akitin mo siya at hayaan mo siyang mahulog sa charms mo."

Umiling-iling si Marceline. "Para kang gago. Sabi mo huwag maging sweet. Tapos aakitin niya."

"Girl...chill...pwede naman niyang gawin iyon. Pwede niyang akitin si Sir Lake ng hindi nagiging sweet. Iba naman kasi iyung sweet sa lalandiin mo lang talaga. Mga babae tayo. Alam natin kiliti ng mga iyan."

"Eh paano kung mag-sex sila?"

Napa-palakpak si Tabi. "Iyon ang ultimate act para ipakita niya na hindi big deal sa kanya ang sex. It's just sex. Sa isip kasi ng mga lalaki, big deal sa mga babae ang sex kasi mas maraming nawawala sa atin. Tama naman iyon pero kung iisipin ni Sir Lake na hindi big deal iyon kay Doc, mapapaisip iyon and for sure mas papahirapan niya ang sarili niyang makuha si Doc."

"Gaga ka talaga. Isusuko mo pa iyung puri ni Doc."

She shrugged even if the idea bothers her. "No...big deal. It's just sex. Union of two bodies."

"And huli, pag hulog na hulog na siya at sasabihin na niya ang three magic words sa iyo, drop him like a hot potato."

Tinakpan ni Marceline ang magkabilang tainga. "Naririnig ko pa lang ako na iyung nasasaktan."

Kumuyom ang kamay niya. The image of him holding hands with the girl made her blood boil. "The more painful, the better."

"O, tatlo lang iyan Doc ha. Kayang-kaya mo iyan."

She grabbed the paper and brought it with her upstairs.

Hindi niya lang alam, nagbubulungan ang dalawang ka-room mate niya habang nasa itaas siya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ka makahanap ng boyfriend. Mamaya kay Sir Calhoun ka talaga babagsak niyan."

"Sana magkatuluyan sila."

"Akala ko ba pinaghihiwalay mo sila?"

"Kailangan lang nila ng kaunting push, Marceline."

***

"Bumababa na iyung lagnat niya. If that continues, she can leave the clinic in a few days."

Ginagap ng ginang ang kamay ni Lunariss. "Thank you, Doc. I've been worried sick. Hindi lang siguro sanay talaga sa ganitong weather ang dalaga ko."

Ngumiti siya. "She just needs to keep warm."

Nagpasalamat uli siya bago na lumabas ng private room. It was almost 9PM when she glanced at the clock.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon