"There is nothing interesting in your body, Vraxx. Kaya bakit ko naman pag-aaksayahan na titigan yan? Tss." Nginiwian ko siya bago ako umalis ng kusina.

Pumunta ako sa patio at pinagmasdan ang magandang garden. Wala pang isang minuto dumating na rin si Vraxx. Umupo siya sa single bamboo seat at tumingin rin sa garden. Hayst. Fine! If he wanna talk to me edi sige, wala naman na akong kawala.

"Umuwi kana, Vraxx. Hinihintay kana ni Haven sainyo." I ain't bitter, I'm just stating fact here.

"Ayaw kong umuwi na ganito ang suot."

"Then go change your clothes and leave." Inis kong sabi, I've decided to let him talk to me yet I am telling him to leave.

"Where are my clothes?" Tanong na ikinatigil ko.

"Na kay manang."  Saad ko at bahagyang ngumiwi.

"I'll wait for manang to come back then." Halos pataray niyang sabi.

I rolled my eyes at him at muling tinignan ang mapupulang rosas na medyo malayo mula dito sa patio. Kahit na malayo ako doon kitang kita ko parin ang ganda nito dahil sobrang pula niya. Red roses is always been my favorite flower. Not only because it's beautiful but it resembles love and pain. Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang titig niya saakin. Tinignan ko din siya ng deretso.

"I still can't believe that you're alive." He suddenly uttered. I smiled, faintly.

"Ako din."

"Where have you been? Halos mabaliw ako dahil sa nangyare, Athena. Halos ikabaliw ko ang pagkamatay mo tapos ngayon bigla ka na lang nagpakita na para bang walang nangyare." His brows were creased as if it was telling me that he have been through a lot.

Alam kong nahihirapan siyang e proseso ang lahat dahil siya ang nakakita kung paano ako namatay. Kung paano ako bumagsak sa sahig. Pero wala akong magagawa dahil hindi ko naman sa kaniya pwedeng sabihin ang totoo. And If ever I have chance? I'd rather not to tell him.

"Tell me, Athena, nasaan ka noong mga panahong ipinagluluksa kita?"

I avoided my gaze on him, I am seeing too much emotion and I'm afraid it would creep in me too. Last week nagkaroon ako ng media conference, lahat ng sinabi ko doon ay kasinungalingan.

"Hindi ka ba nanood ng media conference ko? Sinabi ko na lahat doon ang sagot sa tanong mo. Do I have to repeat it to you?" Di siya umimik, tinitigan niya lamang ako. "The guy didn't shot me in the head, dumaplis ang bala sa tenga ko, obviously because the kidnapper didn't know how to use a gun. Pero akala niya sa ulo ako tinamaan kasi nahimatay ako at may dumanak rin na dugo. They thought I was unconscious pero noong umalis sila agad akong lumabas para humingi ng tulong kasi ikaw yung walang malay. But then meroon pala akong saksak sa tagiliran, maraming dugo ang nawala saakin dahilan kung bakit ako nanghina sa gitna ng kalsada. And I was already between death and alive when these old couple took me and save me. Wala akong malay for almost 2 months for unknown reason, and when I woke up, I was already in London." Mahabang paliwanag ko.

Lies. It is all lies. I just made the whole story that I have told. Kailangan kong gumawa ng dahilan. Titig na titig siya saakin. Makikita sa mga mata niya na gulong gulo na siya.

"Kung ganoon bakit hindi ka bumalik dito? Bakit hindi mo ako binalikan?" Kunot ang kaniyang noo. "I always wanted to end my life too just to be with you again. How can you do this to me, Athena?" Maluha-luha niyang tanong.

Vengeance From HellWhere stories live. Discover now