Kinabukasan ay maaga akong umalis ng unit at dumaan muna sa padalahan ng pera, at pinadala ito kila Papa. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kumpanya at nagsimula nang magtrabaho sa department ko bago ako tumuloy sa itaas.

"Morning," bati ko pagpasok ko sa loob ng opisina, agad naman akong hinarap nila Brylee at Gail, "Yes, ang babaeng pinagpala lahat ay nandito na," malokong sambit ni Gail at pinanuod nila akong umupo sa aking table habang hindi mapigilan ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Problema niyo?" tanong ko, "Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat, pinagpala na makasama lagi ang Papi CEO kung saan ito pumunta, at pinagpala na makasama ito sa pagkain grabe!!!" umaakto si Brylee na umiiyak kaya kunot-noo ko silang tinignan.

"Inggit ako," sabi ni Gail at gaya ni Brylee ay umaakto din itong parang nasasaktan. Umiling-iling na lang ako at nagsimula na sa trabaho.

"Bahala kayo d'yan," bulong ko at mabilis sinimulan ang mga trabahong nakatambak sa aking lamesa ngayon.

Sa sobrang dami kong trabaho ay hindi ko namalayan ang oras, natigilan na lang ako ng kumatok sa lamesa ko sila Brylee. "Hey, babaeng pinagpala sa lahat, baka gusto mong kumain ng lunch," Brylee said.

Hinarap ko sila at ngitnitian, "Sige, mauna na kayo mag lunch meeting ang CEO mamaya siguro don na lang ako kakain" sagot ko.

"Ahhhhhhh!!!" nagulat ako ng bigla silang sumigaw ng ipit. "Inggit kami!!!" sabay nilang sambit at umalis ng opisina.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa ng.. "Excuse me," may narinig akong nagsalita mula sa pinto pero dahil malapit na akong matapos kaya hindi ko magawang harapin ito at bigyan ng pansin. "Yes," pero sinagot ko ito kahit hindi tinitignan.

"Can I have the market research analyst to join me for lunch?" napakuot-noo ako ng sabihin ito ng tao nasa pinto, kasabay ng pagtapos ko sa aking ginagawa ay ang pagharap ko dito habang nakakunot ang aking noo.

Pero agad nang laki ang aking mga mata ng makitang kasandal sa gilid ng pinto ang CEO habang nakakrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Agad akong tumayo at sinabi, "Sir!"

He chuckled because of my action and stand straight, put his hands on his pocket and speak, "My lunch meeting starts at 12:15 I guess," he gently said. Tinignan ko ang relo ko at quarter to 12 na! kaya mabilis kong kinuha ang aking bag at pinatay ang PC ko.

"I'm so sorry Sir," I said and ran to him and we both walked out of the office. He chuckled and said, "It's fine, Let's eat first before we meet the investors," he said and smiled brightly at me.

Gaya ng sabi niya kumain kami ng lunch at hindi ko inaasahan na sobrang dami niyang inorder para sa akin at pinakain lahat ng iyon sa akin. Hindi ko magawang tumangi dahil nabayaran niya na agad ito,kaya kinain ko ito kahit nabubusog na ako ng sobra at pakiramdam ko ay sasabog na ako sa pagkabusog.

Tumuloy kami sa meeting pagkatapos kumain at natapos iyon ng alas tres ng hapon, then may sumunod ulit na meeting ng 4 to 6 at dumaan kami sa site ng 7 at ngayon kasalukuyan pa lang kaming pabalik sa kumpanya para kunin ang ibang files na kailangan naming para bukas para bukas.

"Mauna na po ako Sir," sabi ko ng makalabas na kami ng kumpanya at nakuha na nag mga files sa loob, I was about to walk and leave when he grabs my wrist that made me stop.

"I'll drive you home," he said and smiled at me, he gently turned his hands from my wrist down to my hands and gently held it, and pulled me to the parking lot.

"Sir, hindi niyo naman ho ako kailangan ihatid kaya ko naman pong umuwi," nahihiya kong sambit, sobra-sobra na ang kabaitang pinapakita nito sa akin.

"No, it's fine, I want to do this," hindi ko alam kung may iba pa siyang nais iparating sa kanyang sinasabi pero ngumiti na lamang ako at tumango.

"Thank you, Sir." pagsasalamat ko at humarap na sa pinto ng sasakyan, ng pagbuksan ako nito pero biglang humangin ng malakas at, "Ay!!" bigla akong napuwing at napatakip ang aking mata.

"Hey, what happen?" Tanong ni Sir. Cad at agad akong pinaharap sa kanya, naramdaman kong sinubukan niyang hawakan ang aking kamay at dahan-dahan itong hinila paalis sa aking mukha, nakapikit ng madiin ako ng madiin dahil doon at hinawakan nito ang aking baba at dahan-dahan itaas.

"Let me see," sabi nito at sinubukang buksan ang aking mata pero lalo lang akong napapapikit at nanghina ang aking tuhod kaya muntikan na akong matumba, buti nalang ay nakasandal ako kaagad sa pinto ng sasakyan.

"I'll blow it gently," sambit nito at nagsimulang hipan ang aking mata habang hawak ang aking pisngi.

"Alliana!!!" natigilan kaming dalawa ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

Dahil medyo ok naman na ang isa kong mata, minulat ko na ito at tinanaw ang tumawag sa akin. Tila natigilan ako sa aking kinatatayuan at biglang tumibok ng mabilis ang aking puso.


"Louie??" I whisper.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon