☢️ CHAPTER 47☢️

Start from the beginning
                                    

Guilt came over me. Hindi ko nasabi at naiparating sa kanya ang nararamdaman ko na siguradong gusto niyang marinig. Nagrereklamo ako sa sobrang pagmamahal niya pero ni minsan hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya. How shameless of me.

“Pag-isipan mong mabuti, Twilight. Kung tama ito para sa inyong dalawa, dahil dalawang senaryo ang pwedeng kakalabasan ng cool-off niyo. Either makukuha mo ang gusto mo na panahon para makapag-isip kayo at ayusin ang sarili niyo,” she paused. “o lalayo ang loob niyo sa isa’t isa at tuluyan na kayong maghiwalay.”

A stab of pain went through my heart at that possibility. Oo nga, baka tuluyan nang mapunta ito sa hiwalayan. Paano kung maisipan ni Krypton na ayaw na niya pala sa akin? Paano kung mapagod siya at hindi niya makayanan at maghanap siya ng iba?

“Ayan, nag-ooverthink ka na naman.” Sabi ni Alee at hinawakan ang kamay ko. “Bitter man ako at malas sa pag-ibig, gusto ko ang best at deserved mong pagmamahal para sayo, Twilight. Hindi ko kasi maintindihan ang concept ng cool-off dahil kadalasan, mapupunta ito sa hiwalayan at ayokong masaktan ka. Sabi mo gusto mong ayusin niya ang sarili niya para sayo pero hindi ba pwedeng gawin niyo iyon nang magkasama?”

I contemplate on her suggestion and she continued on when I didn’t speak up.

"Nasasakal ka dahil hindi ka sanay sa ginagawa niya. You've always been independent and fine on your own pero ngayon, may gustong gawin ang lahat para sayo. I'm not saying you should tolerate his over-the-limits actions, you can take a risk and compromise."

Hindi pa rin ako nagsalita at malalim na pinag-iisipan ang mga sinasabi ng best friend ko.

“Pero nasa inyo pa rin ang desisyon, Twilight. Kung sa tingin mo ito ang tama para sa inyong dalawa, andito lang ako na susuportahan ka.”

And that me me smile, knowing I have someone by my side.

***

Day Two without Krypton.

Ang bigat pa rin sa pakiramdam at hindi ganito ang inaasahan kong mangyari sa akin. Akala ko magiging masaya ako sa napili kong desisyon dahil makakahinga ako mula sa mahigpit na pamamahala ni Krypton pero kabaligtaran ang nararamdaman ko ngayon.

I feel like something in my life is missing.

Anumang oras, bigla ko na lang siyang maalala. Ano na kaya ginagawa niya sa oras na ito? Kumain na kaya siya? Iniisip niya din ba ako?

Pinag-iisipan ko pa ring mabuti ang mga sinabi ni Alee. Kahit broken at bitter yun pagdating sa pag-ibig, hindi ko maikakaila na may sense ang mga pinagsasabi niya.

Hindi rin matanggal sa isipan ko ang mabigat na pakiramdam simula nang matunton ko ang pagkukulang ko.

Never ko pang sinabi kay Krypton na mahal ko siya. A man like him should be assured that he is loved but he didn’t hear it from me, not even once.

Hindi ko mapigilang mapaisip na baka isa ito sa mga dahilan ng masyadong pagka-possessive niya. Baka natatakot siya na pwede akong mawala sa kanya anumang oras dahil hindi ko pinaramdam sa kanya na wala siyang dapat ikabahala dahil hindi ako aalis sa tabi niya. Nagkulang ako sa pagsasabi ng nararamdaman ko para sa kanya. Actions and words should go together.

Hindi ko rin sinubukang intindihin ang matinding obsession niya sa kapakanan ko at sa pagbabawal niya sa paglabas ko. Kung tutuusin, ginawa niya ang lahat ng ito para sa kaligtasan ko kahit na sobra at over the bakod ang mga pinaggagawa niya. Ayaw ko lang talaga sa pamamaraan niya kung saan impluwensya at pera ang laban niya at ang sobrang pagka-possessive niya minsan.

He’s a very possessive man with an obsession and I’m an independent woman who values my freedom. Hindi kami ganon ka-compatible para sa isa’t isa. Pero kung gusto naming mag-work out ang relasyon naming, kailangan naming tanggapin ang isa’t isa.

Naalala ko ang sinabi ni Alee.

“.  .  .hindi ba pwedeng gawin niyo iyon nang magkasama?”

Bakit hindi ko ito naisip?

Krypton and I have to compromise to accept each other’s imperfections and think of ways how to deal with them. And to do that, we have to be at each other's side.

***

Day Three

Nakapagdesisyon na ako. Ilang oras akong nagmumuni at nakarating sa isang desisyon.

Maaga akong gumising at nag-ayos ng sarili. I start to feel nervous for some reason. Sa wakas, masasabi ko na sa kanya ang dapat noon ko pa sinabi dahil iyon ang totoong naramdaman ko para sa kanya.

Abala kong sinusuklay ang basa kong buhok nang biglang sunud-sunod na katok ang nagmula sa pinto. Sa sobrang lakas ng mga katok, dinig ko ang mga ito hanggang dito sa kwarto.

Kumunot ang noo ko. Wala akong inaasahan na bisita ngayong araw.

Lumabas ako ng kwarto at lumapit sa pinto. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses ni Krypton.

“Twilight?! Open up, please!”

Dali-dali kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang hinihingal na itsura ni Krypton. Mukhang nagmadali siyang pumunta dito at may kakaibang emosyon sa mga mata niya.

Gosh, I miss him!

Lumambot ang puso ko nang makita ko ulit siya pagkalipas ng ilang araw. He’s still handsome even with dark circles under his eyes.

“Krypton, anong ginagawa mo dito?” Tuluyan kong binuksan ang pinto para pumasok siya pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Twilight, I know I shouldn’t be here yet. Hindi pa tapos ang tatlong araw, pero.   .  .”

Nagsimula na akong kabahan sa anumang sasabihin niya. Para siyang nagmamadali-

“I have to go back to the States.”

Parang gusto kong tumigil ang pag-ikot ng mundo sa oras na ito at balewalain ang narinig ko.

“A-ano?” Please tell me you're joking.

Marahas na pinasadan ni Krypton ang buhok niya at napabuga ng hangin. “I needed to see you before I go.”

Tumingin siya sa mga mata ko at kita ko ang kalungkutan at pag-aalinlangan. An internal conflict is evident in his eyes as he stares at me. “Our grandfather had a stroke.   .  .”

Naintindihan ko agad. He didn't need to say more. Pinisil ko pabalik ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Krypton, hihintayin kita. Dito lang ako. Naiintindihan ko, kailangan ka ng pamilya mo-”

He suddenly kisses me, his mouth crashing onto my open lips. Hinalikan ko siya pabalik at umakyat ang kamay ko para hawakan ang buhok niya. Mas pinalalim niya ang paghalik sa akin at napaungol ako.

He kissed me as if it’s the last time he’ll ever do. Inangkin niya ang bibig ko at ramdam ko ang pagkabalisa niya sa akin. I hate that this feels like goodbye. Parang nagpapaalam na siya sa akin ng tuluyan.

Mahigpit ang pagkayakap niya sa akin na parang ayaw niya akong pakawalan. Ang kamay niyang nasa likod ng ulo ko ang mas nagpalalim sa halikan namin at ramdam ko ang bawat paggalaw ng labi niya.

“Twilight," bulong niya nang saglit siyang humiwalay para makahinga kami. "I'll come back soon."

"And I'll be right here waiting for you."

---


Thank you thank you po sa patuloy na pagbabasa🥰🥰😊❤️
Vote and comment po😘💕
Stay safe, everyone!💕

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now