Ten Years Ago...
Tahimik na nakatayo ang isang batang babae sa harapan ng tatlong lobo na halos manlisik ang mga ngipin sa pagkagutom ng mga ito. Tanging kamay lang ng batang babae ang gumagalaw na siyang may hawak na kutsilyong balot ng kalawang sa magkabilaan nitong kamay. Tila ba handa rin siyang lumaban sa mga kaharap nito. Kapansin-pansin ang maruming telang nakatali sa kamao niya, ang madudungis niyang itim na kutis simula sa mukha niya pababa sa kaniyang mga talampakang walang sapin kahit na tsinelas o sapatos man lang. Ang magulo naman niyang buhok ay siyang kasing gulo rin ng paggalaw ng kaniyang mga mata. At higit sa lahat, ang sugot sa leeg niya na malapit sa kaniyang balikat ay pata bang isang tama ng baril.
"Lumapit na kayo ng may makain din ako. Pareho naman tayong gutom." mahina niyang bulong sa sarili niya
Pagtahol na pagtahol ng lobong nasa harapan niya ay mabilis na gumalaw ang kaniyang mga paa paatras kasabay ang pagluhod niya paikot sa lobong nasa likuran niya. Agad na tumama ang nasakanan niyang hawak na kutsilyo sa leeg ng lobo. Mabilis niya itong sinipa pakaliwa sa isang lobong papasugod sa kaniya. Sa magandang pagkakataon, natama rin ang dalawang lobo na nagsalpukan sa isang puno na may nakataliwas na sanga kaya hindi na ito makagalaw pa hanggang mawalan ang mga ito ng buhay.
Napansin niya ang anino ng isang lobo na patalon sa kaniya at dahil mas mabilis ang katawan niyang gumalaw ay tumalon din siya paikot sa eri. Pagtama na pagtama ng paa niya sa leeg ng lobo ay sinundan pa niya ito ng pagsaksak sa leeg. Tumalsik pa ang dugo ng lobo sa mukha niya kasabay ang pagbagsak nilang dalawa sa lupa.
Hingal na hingal siyang tumayo at dahan-dahan na napatingala sa kalangitan. The air breeze suddenly pass through her messy hair when a tears suddenly fall from her chin that came from her eyes.
Mag-isa siyang nakatayo sa bakanteng lote ng kabundukan na puno ng apoy sa paligid at mga sira-sirang bahay. Kapansin-pansin na pinasabog ang paligid na kinatatayuan niya at mga katawang wala ng mga buhay na nakahilata sa buong lugar.
Agad niyang ibinagsak ang dalang huling lobo na pinatay niya sa isang sirang maliit na tambayang bahay pero hindi ito nadaanan ng pagsabog. Kaharap niya ang tatlong puntod at isang malaking kaldero na may nakapaligid na mga kahoy na pangluto niya.
Ilang sandali pa, nakatali na ang kaldero sa magkabilang malalaking kahoy habang nakasalang sa nag-aapoy na mga kahoy. She silently watch the boiled na hindi namamalayang nakatulog siya sa tabi ng tatlong puntod. Habang kumukulo ang tubig ay bigla siyang nanaginip sa kaniyang pagtulog. Actually, hindi ito panaginip kundi totoong nangyari na paulit-ulit niyang naaalala sa kaniyang panaginip.
Nakikita niya ang mukha ng taong bumaril sa kaniya na siyang hinihinalang pumatay din sa buo niyang pamilya. Lumingon pa ito sa kaniya habang nakangiti.
'Kung gusto mo akong patayin, kailangan mong mabuhay. Basta't tandaan mo, hindi ako ang totoo mong kalaban dito.'
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH" she shouts in frustration
Author's note: Warning! Plagiarism is a crime! ⚠ Please do not copy or claim this story as your own. All similarities to other characters, places and events are purely coincidences and not intentionally.
(This story contains a little violence and a little funny. Hope you enjoy reading and comment if you notice something that caught your attention. React if events captured your heart. Thank you! Love lots from Miella...tsu!)
YOU ARE READING
7Syete
ActionMayen was supposed to be her name. But she called Sieben to survive. In the place where only men can be a soldier and a woman should be mother, her parents change her fate by disguising her a son. Became the strongest warrior in the village---Mayen...
