I was almost done baking when the twins came. I saw the looks on their faces when they got inside my apartment.

"Cara, ano 'to?" sigaw ni Parsley nang makita niya 'yong dalawang malalaking maleta sa gilid. Naempake ko na 'yong mga damit ko at nagtira lang ako ng ibang damit na susuotin ko hanggang Sunday.

"Aalis ka na? Iiwan mo na kami..." malungkot na sabi naman ni Herb.

I could feel the lump in my throat. I hate good-byes. Lalo na sa mga taong malapit sa 'kin. Mas doble 'yong lungkot ko kapag nakikita ko silang malungkot dahil aalis ako.

I nodded at them. Nakatingin sila pareho sa 'kin. They both look edso sad. Nagsimulang magtubig 'yong mata ko.

Parsley ran towards me and immediately hugged me. "Please don't leave... just stay here with us," sabi niya. Nakasubsob 'yong mukha niya sa leeg ko habang patuloy na umiiyak.

I brushed her hair. I looked at Herb, but he turned his back towards me. He was crying too.

Kahit na wala pang isang taon ko silang kilala ay para ko na silang kapatid kung ituring.

"Kailangan ko nang bumalik, Pars," sabi ko. Walang tigil 'yong mga luha ko.

"Are... are you ready to see him again?" tanong ni Parsley nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

I gave her a slow nod "Yes. I'm excited to see him again. I believe it is time for me to return home." I told her.

She cracked a small smile at me.

###

The twins helped me to pack some more. Ibinigay ko na lang sa kanila 'yong ibang gamit ko sa apartment na magagamit nila. Alam kong gipit din silang pamilya at 'yong karinderya at bakery lang ang source of income nila.

"May trabaho ka na bang nahanap sa Manila?" Herb asked.

Kumakain kami ng caramel cake na binake ko kanina.

Tumango ako sa kanya."I'm going to work at Little Birds. It's a coffee and cake shop. I sent my resumé two weeks ago, and I did an online interview. And fortunately, they hired me!" sagot ko.

May naitabi na akong pera para sa 'kin pagdating ko sa Manila. May nahanap na rin akong apartment na malapit lang sa pagtatrabahuhan ko pagbalik ko.

"Puwede bang sumama na lang ako sa 'yo, Cara?" sabi ni Parsley, 'tapos tumingin siya sa kakambal niya. "Tingin mo papayagan ako ni Mama na pumunta sa Maynila?" tanong niya.

Mabilis na umiling si Herb sa kanya at sumimangot naman agad si Parsley.

"Why not?! Gusto ko ring magtrabaho sa cakeshop sa Manila!"

"Sige paalam ka kay Mama, tingnan ko lang kung di ka mabungangaan na naman. Alam mo namang allergic si Mama sa Manila."

"Ang daya naman! Bakit ikaw pinayagang sumama kay Cara noon ba't pagdating sa 'kin ayaw nila?! Kakainis ka talaga!" Parsley shouted at her brother.

Herb just shrugged at her while enjoying his slice of cake.

Napailing na lang ako while looking at them bickering nonstop... again.

I didn't expect to enjoy living here in Batanes kasi lumaki ako sa city. Traffic, city lights, busy streets and lots of people. Parsley and Herb indeed helped a lot to make me adjust here easily.

I'm going to miss these two, for sure, so much. But it's time for me to come back home.

###

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Where stories live. Discover now