Chapter 31

3.2K 103 34
                                    

SOBRANG PAWIS na pawis ako pagdating ko sa apartment ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SOBRANG PAWIS na pawis ako pagdating ko sa apartment ko. Para akong masusuka sa hilo dahil sa bilis ng pagtakbo ko para lang makaalis ng grocery store. I quickly got myself some water. Hingal na hingal pa rin ako. Parang hindi na ako makahinga nang maayos.

I sat on the dining chair and rested my head on the table. I still couldn't believe that I saw Arlo today! Hindi ganito 'yong plano ko na pagkikita naming dalawa!

I sighed, then I heard my stomach rumbling. Gutom na gutom na ako. Ang huling kain ko ay kanina pang umaga nang mag-agahan kami nina Parsley. It was already five in the afternoon.

Bigla ko na namang naisip sina Arlo at Sera. Were they together? Wala namang nababanggit si Dhalia sa 'kin na may bago nang idine-date ang kuya niya. Dahil sigurado ako na sasabihin ni Dhalia sa 'kin kapag nalaman niya 'yon.

Is he keeping her a secret from his family? But why...?

Ang daming pumapasok sa isip ko. Parang nadudurog na naman 'yong puso ko dahil sa mga naiisip ko, 'tapos sumasabay pa 'yong pagkalam ng sikmura ko.

Mabuti na lang at tumawag si Parsley sa 'kin. Kahit paano nawala sa isip ko 'yong gutom. Nagtanong lang siya kung kumusta ang biyahe ko. Ipinakita ko rin sa kanya 'yong apartment ko at 'yong view sa balcony. Inggit na inggit siya dahil pangarap talaga niyang makarating dito sa Manila. Pero gaya ng sabi ni Herb, allergic si Tita sa Manila at ayaw niyang payagan si Parsley na dito magtrabaho.

Nagpaalam na rin siya agad dahil mukhang busy sila ngayon sa karinderya. I plopped myself down on the couch and I heard my rumbling stomach again. Napabuntong-hininga na lang ako sa gutom. I didn't want to order online dahil nga nagtitipid ako. Mas makakatipid ako kapag nagluto na lang ako ng sarili kong pagkain.

I was debating with myself if I should just call Dhalia or Gael if puwede nila akong dalhan ng food or if they could just buy me groceries. Natatakot pa rin kasi akong bumalik sa grocery store dahil baka mamaya nandoon pa rin 'yong dalawa!

I didn't think I could handle seeing them together for the second time today! I didn't want to risk it. Kaya, I ended up calling Gael and telling her that I was back in Manila. Although, she was still at work when I called her. Kasama raw niya si Cash dahil may business meeting sila at mamaya pa raw niya ako mapupuntahan after work. I just texted her my address with the list of groceries that I needed.

Hindi ko alam kung anong oras uuwi si Gael, pero mukhang importante talaga 'yong meeting nila dahil halatang pigil na pigil siya kanina na kausapin ako kahit na tuwang-tuwa siyang malaman na nandito na uli ako sa Manila.

I just kept myself busy kahit nahihilo na ako sa gutom at nagtiis na lang ako na maghintay kay Gael. But after an hour of organizing my clothes and stuff, hindi ko na kinaya talaga. I texted Gael again, saying that I was really, really hungry and that I felt like I was going to faint. Mabuti na lang at nag-reply siya agad at sabi niya may magdadala raw ng pagkain sa 'kin dito kaya medyo nabuhayan ako.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon