☢️ CHAPTER 46☢️

Start from the beginning
                                    

It’s weird speaking for myself but I hope he will understand.

Ibinaba niya ang mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya at napaisip ng malalim.

“Damn, hurting her is like killing myself.” Saglit siyang natahimik ulit. “Yeah, you’re right. I can wait for her.  .  . but not for too long. I can’t stand a day without her.”

Mabilis siyang tumayo pero agad na napaupo sa kama dahil sa pagkahilo dulot ng biglaang pagtayo niya, dumagdag pa ang kalasingan niya.

“Krypton!” nag-aalalang sabi ko sa kanya pero umiling siya at tumayo ulit bago naglakad patungo sa banyo. His posture is unstable and it looked like he could fall anytime.

Agad kong hinawakan ang braso niya para alalayan siya. “Krypton, umupo ka sa kama. I’ll help you change your clothes.”

“No,” umiling siya at tinanggal ang pagkahawak ko braso niya. “I can do this by myself.”

Hindi ako nagpatinag at buong lakas ko siyang hinila at pinaupo sa malambot na kama. He’s so drunk so he couldn’t resist that much.

“Krypton, tanggalin natin yang damit mo.”

Akmang hahawakan ko ang unang butones sa damit niya pero mahigpit niyang pinigilan ang kamay ko.

“Only my Twilight can undress me.”

Hindi ko mapigilang mamula at mapangiti. Aissh. Ramdam ko ang katapatan niya sa akin na kahit lasing siya at wala sa huwisyo, ako pa rin ang iniisip niya.

Hinayaan ko n siya at sinimulan niyang tanggalin isa-isa ang butones hanggang sa lumantad ang makisig niyang pangangatawan.

Napalunok ako nang masilayan ang matitigas niyang abs na kay sarap titigan. His well-toned body is to die for. Parang gusto kong haplusin ng dahan-dahan ang matipuno niyang dibdib pababa sa may-

Aissh.

I mentally slapped myself. Kailan pa ako naging manyak at pinagnasahan ang isang lalaki?

Tumalikod ako at naghanap ng tuwalya na pwedeng pampunas. Binasa ko ito sa banyo at bumalik sa kama kung nasaan si Krypton.

Naabutan ko siyang nakahiga pagkatapos niyang hubarin ang pang-itaas na damit kaya lumantad ang pinagnasahan kong pangangatawan niya.

Umiling ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nakapikit na ang mga mata niya at mahinahon ang kanyang paghinga.

Sinimulan ko siyang punasan, simula sa leeg pababa sa matipunong dibdib niya. It took me a great deal of focus to concentrate on the task without having malicious thoughts at the sight of his muscular upper body.

Hindi ko na tinanggal ang pantalon niya sa pag-aalalang baka magising siya kaya hinayaan ko nang matulog siyang ganito. Atsaka mahirap na, baka magkasala pa ang mga mata ko, kung saan-saan kasi tumitingin.

Aissh. I'm really hormonal today due to my period.

Inayos ko ang kumot ni Krypton bago ako nagsimulang maglinis. Natapos ni Manang Flor ang paglilinis sa sala kaya pumasok siya sa kwarto at tinulungan ako.

All throughout our cleaning, Krypton slept soundly and it made me sigh in relief.

1 PM na nang matapos kaming maglinis kaya nagpaalam ako kay Manang Flor dahil may duty pa ako. She stayed behind to lookout for Krypton and to cook a hangover soup.

***

Tuloy pa rin ang duty kahit na naiirita ako sa mga kakaibang tingin ng ibang employees sa akin simula nang dumating ako. Makahulugan ang mga sulyap na paminsan-minsan nahuhuli kong binibigay nila sa akin at alam ko ang ibig sabihin nun.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now