Chapter 5 - To the Rescue

Start from the beginning
                                    

Wala tuloy nagawa ang mga friends ni Webster kundi ang ligpitin ang mga kinalat ng amo nila.

Bilib na bilib naman ako talaga sa katapangang ipinakita niya. Ok lang ba siya? Hindi ba niya alam na tatay ni Webster ang principal? Hay! Ano ba'tong pinasok ko. Pero ang importante I was saved by another angel. Hindi ni Ruby kundi ni Armalite girl. 

Ano bang klaseng babae 'to? Nakailang hakbang pa lang ako halos hindi ko na siya matanaw. Ibang klase talaga.

"Hoy taba! Bilisan mo!", ang tawag niya sa'kin mula sa malayo. Kung hindi ako nagkakamali, nasa pathway na siya malapit sa Principal's office.

Tumakbo ako patungo sa kanya. Nais ko siyang mapasalamatan dahil ilang beses na rin niya 'kong niligtas. Parang hindi tuloy ako ang bida sa istoryang 'to kundi siya. Para siyang isang super hero na handang tumulong sa nangangailangan. Parang bumbero na sinugpo ang apoy na idinulot ni Webster in just 2 minutes. Para siyang anghel na bumaba mula sa lupa at dininig ang panalangin ko. Astig lang.

Pero teka, naalala ko. Talaga bang pinapatawag ako ng principal? Ang bilis naman yata makarating ng balita sa kanya. I didn't cause the commotion. Bakit hindi yung anak niyang si Webster ang ipatawag niya? Kailangan ko nang mag-isip ng maganda-gandang dahilan ngayon para makalusot mamaya sa interrogation. Siguradong babaliktarin na naman ako ni Webster.

Hindi ko na natatanaw si Armalite girl. Kanina nakaupo lang siya sa may pathway habang hinihintay ako. Saan na kaya nagpunta ang babaeng 'yon?

"Ako ba hinahanap mo Taba?", ang wika niya.

Biglang sumusulpot na parang kabute.

"Ang tagal mo kasi kaya kumain muna 'ko."

There's something in her hands. Kung di ako nagkakamali. Itlog ang hawak niya. Nilagang itlog. Binabalatan niya ito. Narinig niya yatang kumakalam na ang sikmura ko kaya inihagis niya sa'kin ang isang itlog na dinukot niya mula sa kanyang body bag.

"Oh ayan. Kapalit ng fried chicken,burger at fries mo."

"Salamat."

"Sa itlog?"

"Ah... oo."

"Naku maliit na bagay lang yan. Kung gusto mo pa meron pa'ko dito.", iniabot niya muli sa'kin ang isa pa.

"Salamat dito sa itlog."

Naalala ko, kailangan ko na rin palang magpasalamat sa kanya. Dalawang beses na niya 'ko nililigtas. Una kahapon, nang nahimatay ako sa kalye. At pangalawa yung eksena kanina.

"Salamat din nga pala sa pagliligtas mo sa'kin kahapon lalo na kanina. Sobrang salamat talaga."

"Wala yun. Ayoko lang makakita ng napakalaking nilalang na nakahilata sa daan na walang kamalay-malay. At mas lalong ayokong makakita nang lalaking ubod ng taba na inaapi ng walang kalaban-laban. Tsaka alam mo yung 3 bugok na yun, kung anong dapat sa kanila? Pinapaslang! Ang sarap isamurai mga yun ng 10,000 times.", ang tuluy-tuloy na paliwanag niya. At alam kong hindi pa siya kuntento.

"E payukuin ka ba naman nila hanggang sa makita ang kuyukot mo. DUH! Di ko na nakayanang tingnan!"

Aw! Parang gusto ko nang umalis dito sa kinatatayuan ko.

"Nakita mo?", ang hiyang-hiya kong tanong sa kanya.

"Oo kaya! Grabe!", ang pang-aasar na sagot nito.

Hay nakakahiya naman talaga. Sa lahat pa ng makakakita si Armalite girl pa. Upang makatakas sa kahihiyan, nagpaalam ako para pumunta na si principal's office. Tumawa siya ng pag-kalakas lakas. Nakakalokong tawa!

"O bakit ka tumatawa?"

"Alam mo ikaw. May pag-kaslow ka rin eh noh? Akala ko ba matalino ka? Seryoso? Di mo talaga nagets?"

Ah! Slow nga! Tactic lang pala niya yun para pigilin ang eksena kanina. Now I know. Laking pasalamat ko talaga sa kanya. I can't imagine how far can Webster go sa pang-bubully niya sa'kin. Let's just say he's the greatest bully #1.

Ibinulsa ko ang dalawang itlog na bigay ni Beatriz. Isa sa kanan at isa sa kaliwang bulsa. Ipinunas ko ang nga kamay ko sa aking pantalon upang maalis ang pawis. Basang-basa kasi sa pawis ang mga ito. Yuck lang.

"Friends?"

Inoffer ko ang kamay ko. Nais ko siyang maging kaibigan. Heto na naman 'tong poker face niya. Tiningnan niya lang ako. Tiningnan ulit ako. Steady pa rin ang kamay ko. Medyo nanginginig pero it's ready to grab a friendship with her. Still no response. Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.

"Ay sorry naman! Ayoko kasi ng kaibigan na ubod ng taba.", ang seryoso niyang sagot sa'kin matapos niyang tapikin pababa ang kamay ko, which is I think a sign of rejection.

Seryoso ba talaga siya? Nang-aasar na naman ba? Ayaw niya talaga kong maging kaibigan? Aw!

"Ah sige Taba, diyan ka na huh? May pupuntahan pa'ko.", ang pagmamadali niya.

Kumaripas na siya ng takbo hanggang sa di ko na namalayan kung saan na siya patungo. Hindi ko na siya napigilan. Sayang. Hihingi pa sana ko ng isa pang itlog. Para tatlo. Stands for Ang Taba Mo.

Aw! Aray lang talaga! Di ako makamove-on. Friendship lang naman ang inooffer ko ah. What more kung love? Di kaya mas masakit???

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Where stories live. Discover now