"We have fifty guards and fifty maids and butlers but none of you noticed? Masyado na ba akong mabait para hindi niyo seryosohin yung trabaho niyo?"

Is that Dallas?

"I swear, kapag may nangyari sa bata, hindi ako magdadalawang isip na ipabitay kayong lahat." Derick's voice followed. 

Lumingon ako kay Claudine na napahawak sa leeg niya. Mas binilisan kong maglakad. Ano bang nangyayari at mukhang hindi yata maganda yung gising nila? Bakit may bitay na usapan? Ang aga-aga ha? 

"Ang dali-dali ng trabaho niya at iisang tao lang 'yan pero bakit hindi niyo pa rin magawa nang maayos? Y'all are getting to my nerves. If we're in Greece, you don't have a head by now."

Is that Damien?

Napalingon ulit ako kay Claudine na mas lalong napahawak sa leeg niya at napalunok. Wait, wait, wait, is this all because of me?

They sound so pissed and angry. Sa wakas ay nakapasok na ako sa living room at nakita ko silang nakatayo at nakatingin sa---

Oh sh*t. 

Mahigit isang daan yatang tao ang nakaluhod sa kanilang harapan at nakayuko. Halata sa kanilang mga mukha ang takot. Kulang nalang ay maihi sila sa nerbyos.

The aura inside this place is suffocating. Gusto ko rin umatras bigla nang makita ko kung gaano sila galit. Kalmado lang silang nakatayo ngunit may kakaibang aura na pumapalibot sa paligid at halos nagsitayuan na yata yung balahibo ko nang marinig ko ulit si Dylan na sumigaw.

"The f*ck! If she's not here by 5 minutes, swear to God, I'll rip your head one by one. You hear me?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng sigaw niya. This is the fourth time I see him lose control. Bago pa may pugutan ng ulo na magaganap ay nagsalita na ako. Ayaw kong madamay dahil sa ginawa ko dahil mukhang seryoso talaga siya sa banta niya.

"Hi...?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung bakit 'yan ang unang lumabas sa bibig ko.

Sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ko at parang gusto ko na magtago.

I tried to act okay as if they're not looking at me like they want to murder someone. 

"Where the hell did you go?" Si Dylan ang unang nagsalita. He sounded pissed. He looks different from yesterday. His eyebrows are furrowed and his lips are pressed in a thin line.

Sasagot na sana ako kaso nagsalita ulit siya.

"Get out," he ordered.

Tumango ako at tumalikod at akmang aalis na kaso nagsalita na naman siya na ikinatigil ko. 

"Not you." Tumingin siya sa mga nakaluhod sa harapan niya at kay Claudine na nasa likuran ko. "Don't make me repeat myself."

In just a snap, mabilis silang tumayo at nagsi-alisan. Ngayon ay anim na lang kami ang natitira rito sa living room.

"Okay? Why are you guys mad?" I asked as if hindi ako kinakabahan sa mga tingin nila. Ako lang ba or mas talo pa nila yung kapatid ko sa pagiging over-protective?

"Mad?" 

Tumingin ako kay Devyn na siyang nagsalita. He said it in a sarcastic way.  Wow, ngayon lang ulit siya nagparamdam tapos susungitan na naman niya ako. I can feel it.

"Mad is not the right word, Callie. We're looking for you everywhere. Bigla kang nawala nang hindi ka nagpapaalam. Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa 'yo?" 

I'm confused. This place is secluded at wala masyadong napapadpad sa lugar na 'to at isa pa, wala naman nangyari sa akin na masama? 

"Nag-jogging lang naman ako? Anong masama doon? You guys are over reacting." Tumingin ako kay Derick at Dallas dahil sa kanilang lahat, silang dalawa lang yung alam kong kakampi ko.

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now