Lucy [Final Round: Collaboration]

Comenzar desde el principio
                                    

 

***

"I'm sorry, who are you again?"

"Lucy." Itinulak niya ang pintuan at dire-diretsong pumasok sa loob ng mansiyon. Inilibot niya ang kanyang mga mata at humanga sa kagandahan ng tahanan ng mga Santillan. Tutungo na sana siya sa iba pang parte ng mansion nang pigilan siya ni Albert.

"Pasensiya na, pero hindi kita kilala. Lumabas ka na, please." Tinitigan siya ni Lucy at nag-taas ng kilay.

"Hindi rin kita kilala, ano! Ikaw na lang ang lumabas! Who are you to tell me to get out?!"

"Asawa ako ni Fatima." Natigilan si Lucy nang marinig ang sinabi ni Albert. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa at tinignan din niya ang babaeng kausap. Maputi ito at kulay pula ang buhok. Halos nasa parehong edad niya lang din siguro  ito at mukhang may pinag-aralan naman. Maganda ang kanyang pananamit at mukhang sosyalin. 

"Asawa ka lang. Ako, kapatid." Si Albert naman ang natigilan sa narinig niya. Sa limang taon nilang magkasama ni Fatima, wala itong nabanggit na may kapatid siya. 

"I'm sorry, pero walang--"

"I know, I know. Walang bumabanggit ng kahit na ano tungkol sa akin, oo na." She looked at the displayed photos of the Santillans. "Kasi anak ako sa labas. William Santillan denied his relationship with me dahil masisira ang reputasyon niya sa bayang ito bilang Mayor. Malalaman nilang nakabuntis siya ng katulong nila at masisira na ang kredibilidad niya sa mga tao. Kaya 'yon, pinalayas niya ang nanay kong buntis at pinauwi sa probinsya." 

"If that's the case, what are you doing here now? Just to let you know, si Papa ay--"

"Patay na. Alam ko na rin iyan. Mabuti nga sa kanya, that bastard." Inilipag nito ang isang picture frame at tumitig ng mabuti kay Albert. "I'm here to claim what is mine."

***

Walang nagawa si Albert kung hindi ang hayaang tumira sa mansiyon si Lucy. He immediately called Attorney Go to explain everything that she needed to know with regards to her status as William Santillan's illegitimate child. As of the moment, Albert's still in charge of running the family business while Fatima's still unconscious and the last will and testament's still not opened. Sumang-ayon naman dito si Lucy at namumuhay marangya lang ito sa mansiyon.

Tinungo ni Albert ang condo unit ni Fatima kinabukasan ng umaga. Nakita nito na naka-ayos na ang mga gamit sa unit at ililipat na lang talaga. Everything was placed in different marked boxes and the unit looked like new again. Alam ni Albert kung gaano ka-organized at ka-ingat ang asawa sa mga gamit nito kaya't minabuti na niyang ilipat ang mga ito sa bahay nila. 

He was down to the last two small boxes in the unit. One was marked 'office supplies' and the other one was unmarked. Out of curiosity, binuksan niya ang maliit na kahon na walang marka at kumunot ang noo niya sa mga laman ng kahon na iyon. Kinuha niya ang mga iyon at inilagay sa sarili niyang bag. Nag-ring ang cellphone niya at agad niya itong sinagot.

"Hello?"

["Good morning. Ito po ba si Mr. Albert Rodriguez?"]

"O-Opo. Sino sila?"

["Inspector Vargas po, Mr. Rodriguez."] Inspector? Bakit ako tatawagan ng inspektor?

"Yes, Inspector. How can I help you?"

["Tungkol po ito sa kaso ng pagkamatay ni Mayor Santillan. May lumapit po kasi dito kanina para mag-witness. Sa panayam namin sa kanya, mukhang hindi po aksidente ang nangyari kay Mayor."] Hindi aksidente?

One shots RevealedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora