Chapter 31

678 34 2
                                    

*Few days later*

Katana's pov

Nandito ako ngayon sa kwarto ko inaayos yung mga papeles ko para sa enrolling for college. By the way, sa NY ako mag c-college kaya iiwanan ko sila kuya. Actually, dapat sabay kaming mag c-college sa NY kaso nga epal si Sam at sumipsip sa pamilya namin. No choice tuloy ako kundi iwan sila. Mabuti na lang at kasama ko si Theo kasi dun din siya mag aaral. Plano naming mag t-tropa ang mag aral sa NY pero sila Jasper at Rancie stay na lang daw sila dito kasama si kuya. Ok na yun, at least may kasama si kuya.

But, this doesn't mean na tatapusin ko na ang laro. No way! Makikipag laro pa rin ako kay Sam kahit nasa NY nako.

*The next day*

"Uyy, tulala ka?" tanong ni Theo. Magkasama kami ngayon dito sa coffee shop.

"I have plan" sambit ko na ipinagtaka niya.

"I have a plan!" tuwang tuwa kong sambit na mas lalong ipinagtaka niya.

"Nasobrahan kana ba sa kape?" tanong niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Tsk! Basta, may plano ako! Next week na tayo pupunta ng NY diba" sambit ko at tumango naman siya.

"Teka, anong plano pinag sasabi mo?" 

"I'll tell you soon"

...

Umuwi nako ng bahay at kinuha ang maleta ko. Habang pabalik balik ako sa closet ay may biglang kumatok.

"Come in" sambit ko at bumalik ulit sa closet.

"Nak, what are you doing?" tanong ni mommy.

"Oh, I'm packing up for next week" sambit ko at nilapag sa kama ang hawak kong mga damit. Babalik sana ako sa closet ng hawakan ni mommy ang braso ko.

"Are you sure gusto mong mag college dun?" tanong niya. I know ayaw ni mommy toh pero...

"Yes, mom"

"Why? Pwede ka namang mag college dito. Marami rin naman ang mga magagandang universities"

"Mommy, you know it's my dream to study abroad. I know you don't want this but, please"

"Pero, kaya mo ba?"

"Of course mom. And besides, isang taon lang naman ako dun eh. Di ako mag tatagal"

"At tsaka kasama ko naman po si Theo eh" dugtong ko.

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang pisnge ko.

"Alright. Just promise me, you'll take care of yourself"

"I promise" ngumiti siya at niyakap ko siya.

"Love you mom"

"Love you too princess"

Bumitaw ako sa pag kakayakap at tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko.

*Few days later*

Nandito na kami ngayon sa airport kasama ang pamilya ko, si Theo at ang parents niya.

"Mag iingat ka dun ha" naiiyak na bilin ni mommy.

"Yes mom"

"Ate, why do you have to leave?" umiiyak na sambit ni Yanyan na ngayon ay buhat ni daddy.

"Don't worry, Yanyan. Ate will comeback soon" sambit ko. Bwiset, naiiyak ako!

"Take care of yourself princess" bilin ni dad. 

"Yes po"

Nilingon ko si kuya at kaagad ko siyang niyakap. This will be the first time na mag kakalayo kami sa isa't isa ng matagal.

"Ingat ka dun ha" bulong niya habang yakap ako.

"Bakit di ka kasi sumama sakin?"

"You know we have to play the game right?" bumitaw siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"We'll see each other soon" this time, tumulo na ang luha ko. 

"Love you sis" sambit niya.

"Love you too bro" niyakap ko ulit siya at niyakap na rin kami ng pamilya namin.

"Bye mom, bye dad, bye boys, bye Yanyan" 

"Bye ate Bridget" sambit nila.

Nag lakad na kami ni Theo papunta sa departure kaya pinunasan ko na ang luha ko.

"Are you sure you want to continue your plan?" tanong niya. Sinabi ko na kasi sa kanya kahapon.

"Yes"

"But, your family---"

"I know. I just have to continue it... To end this war" 

I'm sorry fam. I just have to do it.

...

Nakarating na kami sa New York at hinihintay na lang namin yung mga gamit namin. Maya maya lang ay nakuha na namin ito kaya lumabas na kami ng airport at dumeretso na sa sundo namin.

Archery's pov

Ilang oras na ang lumipas at di pa tumatawag si Bridget o si Theo kung naka land naba sila o hindi pa. 

"Kids, dinner time" sambit ni mommy. Dumeretso na kami sa dining room at umupo si Sam sa tabi ko habang yung upuan sa tapat ko ay empty. Dun kasi nakaupo si Bridget eh. I hope she's ok.

Tahimik kaming lahat na kumakain hanggang sa natapos na kami.

*Few minutes later*

Nandito ako ngayon sa kwarto ko ng mag biglang kumatok.

"Pasok"

"Kuya?" tawag niya at sumilip.

"Yanyan, what are you doing here?" tanong ko at tumayo mula sa kama.

"Tawag ka po ni daddy" tumango ako at lumabas kasama siya.

Nang makababa kami ay bumalik na siya sa pag lalaro dito sa sala habang ako naman ay dumeretso sa opisina ni dad.

"Yes dad. You called me?"

"Yes. What are your plans now? Wala na dito ang kakambal mo para tulungan ka" I admit it, mas matalino si Bridget pag dating sa ganitong mga bagay. Kaya nga grabe kung paano siya makipag laban eh. 

"I don't know dad. Hindi kami parehas ni Bridget ng pag iisip"

"I know that. That's why, you'll come with me tomorrow"

"Saan po?"

"Sa hide out. Madalas sumama sakin si Bridget dati kaya ngayon, ikaw naman ang isasama ko sakaling makaisip ka ng plano diyan sa babaeng yan" tumango na lang ako at lumabas na ng opisina niya.

Umakyat nako pabalik sa kwarto ko at pag sara ko ng pinto ay biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang caller at nakita si Bridget ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello, Bridge. Buti tumawag ka. How are you?" tanong ko.

"I need you"

To be continued

BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon