Chapter 7

1.1K 35 1
                                    

Katana's pov

It's been 3 days at ngayon lang umuwi sila mommy. Ang galing diba. Sabi ni dad overnight lang daw pero 3 DAYS NAWALA! I wonder kung anong ginagawa nila?

By the way, we're on our way to school. Nang makarating kami dun ay agad kaming sinalubong nila Jasper.

"Eyy, bro!" bati nila.

"What's up?"

"May pupuntahan kami mamaya. Sama kayo?" tanong ni Rancie.

"San ba?" tanong ni kuya. Lah? 

"Arcade"

"Sige! Sama kami!" hiyaw ni kuya pero agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Baka nakakalimutan mong grounded pa rin tayo" sambit ko.

"Wag kang kj, princess. Kapag hindi niyo sinabi, hindi kayo malalagot" sambit ni Theo at inakbayan ako.

"Kaya, shhhh ka lang" dugtong niya at dinikit ang hintuturo niya sa labi niya. Mga demonyo talaga tong mga toh.

"Ano, game?" tanong ni Jasper at tinignan nila akong lahat.

"Tsk, fine" pag suko ko at nag hiyawan naman sila.

"Nice! Sa parking lot ulit ha. By the way, kasama si Sam" sambit ni Jasper at nginisian si kuya bago sila umalis. Problema nun?

Mag sasalita pa lang sana ako ng biglang tumunog ang bell kaya kumaripas kami ng takbo ni kuya sa classroom dahil terror yung first subject teacher namin. Baka parusahan pa kami nun.

*Few hours later*

Natapos na ang klase at halos maubos na ang tinta ng ballpen ko dahil ang daming pinasulat samin kanina. Pumunta na kami ni kuya sa parking lot at nandun na sila nag hihintay dala ang mga bike. Kapag gagala kasi kami galing ng school, lagi kaming gumagamit ng bike at pumapayag naman si Rancie. Lagpas sampu yung mga bike niyan eh kaya binibigay na niya nga samin yung lagi naming ginagamit, umaayaw lang kami kasi may sari sarili din kaming mga bike. Di lang talaga namin madala dito sa school kasi, sa bahay palang eh mabubuking na kami ng mga magulang namin. Sa parents ni Rancie, wala naman kaming problema. Mababait sila, turing nga samin mga kadugo na eh. Kasi tuwing pupunta kami dun, grabe sila kung pano kami tratuhin. Yung tipong hindi bisita yung trato nila samin kundi mga anak na. Ganun din naman sa parents nila Jasper, Theo at samin. Yun nga lang, ang problema sa mga magulang naming apat ay may pagka strict at may mga rules.

Anyway, hinubad ko na ang suot kong jacket at tinali ito sa beywang ko tulad ng ginawa nila. Mainit kasi dito sa labas, sa loob ng school lang kami na lalamigan. Kinuha ko na ang bike na gagamitin ko at sumunod na kami kay Jasper papunta sa arcade na medyo malayo sa school. Di naman sobrang layo, parang 30 minutes kapag naka bike at 10-20 minutes pag naka sasakyan.

Nang makarating kami dun ay walang ibang nag lalaro kundi mga estudyante. Hindi lang galing sa school namin kundi sa iba't ibang lugar pa. Ayos ah, mukhang sikat toh sa mga estudyante. Bumili na kami ng mga tokens at nag hiwahiwalay dahil kanya kanya kami ng gustong laruin.

*Few minutes later*

Naka ilang laro nako at kasalukuyan akong nag iikot ikot sakaling may makita akong gustong laruin. Habang nag lalakad ako ay nakita ko si kuya kasama si Sam na nag lalaro ng basketball Arcade game. Parang tinuturuan ni kuya si Sam na ishoot yung bola sa ring kasi yung posisyon nila is sobrang lapit nila sa isa't isa. Nasa likod ni Sam si kuya at hawak niya ang mga kamay ni Sam na may hawak ring bola. Yung tipong, pag tinignan mo sila, para silang mag jowa.

"Nakatulala ka diyan?" gulat akong napalingon ng may biglang nag salita.

"Bat kaba nanggugulat?!" inis kong tanong at hinampas si Theo.

"Aray! Grabe siya" sambit niya habang hinihimas ang braso niya.

"Bat ka ba nakatulala sa kapatid mo?" tanong niya ulit ng lingunin ko sila.

"May relasyon ba sila?" wala sa sarili kong tanong.

"Sila? Wala ah" sagot niya habang nakaturo sa kanila.

"Eh, bat parang ang sweet nila?" 

"Ang malisya mo naman mag isip" dahil dun ay sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.

"Totoo naman eh! Ang malisya mo mag isip. Parang tinuturuan lang mag laro, may relasyon agad" pang aasar niya.

"Theo, lumaki ako na nakikita ang parents ko na naglalambingan. Di moko masisisi kung naikukumpara ko sila kila mommy at daddy" 

"So, kasalanan nila tito kung bakit ganyan ka mag isip"

"Wala akong sinabi" 

"Weh, sumbong kita eh" pang aasar niya.

"Wala akong sinabi!" irita kong sambit at hinampas ulit siya.

"Aray! Nakakadalawa kana ah!"

"Bakit?! Anong gagawin mo?!" 

"Wala! Ikaw, naman di mabiro" sambit niya at inakbayan ako.

"Uyy! Nag aaway yung mag jowa!" pang aasar nila Jasper. Hindi ko namalayan na pinag titinginan na kami ng ibang tao dito. Yung iba ay nakangiti at yung iba naman eh halos mamatay na dahil sa kilig. Luh?!

"Eww! Yan, jowa ko?! Eh takas mental yan eh!" sigaw ko at tinanggal ang naka akbay niyang braso sakin.

"Sus! At least gwapo. Pa kiss nga"

"Kiss mo mukha mo!" sigaw ko at nilayasan sila dun. Naiinis talaga ako sa impaktong yun. Di ko alam kung inaasar niya lang ako o may tama na talaga siya sakin eh. 

Di naman sa ayaw ko siya. Pero di ko rin siya gusto ah! Baka kung anong isipin niyo! Yun nga, To be honest, may itsura naman siya, mabait, medyo matalino, at sweet? I don't know. Ano kasi, everytime na may occasion sa buhay ko like birthday, christmas or whatever. Siya yung unang mag bibigay sakin ng regalo and every valentines, binibigyan niya ako ng boquet of flowers, chocolate, at minsan may kasama pang yung maliit na teddy bear. Kaya tuloy, halos buong school ay shiniship kaming dalawa. Si kuya? Wala siya pake. Actually, nakikisali din siya sa mga nag shiship samin. Alam kong ayaw niya akong mag jowa underage pero di ko sure kung gusto niya si Theo para sakin. Sa bagay, kaibigan niya si Theo since kindergarden I think. Kaya malamang, if niligawan ako ni Theo, si kuya ang unang magiging supporter niyan, promise.

"Huy! Anong minumuni muni mo diyan?" speaking of the takas mental.

"Wala kang pake!" mataray kong sambit.

"Tsk, sungit ah. Oh, pampawala ng katarayan mong babae ka" sambit niya at inabot sakin ang teddy bear na nakukuha sa claw machine.

"Ano yan?" tanong ko.

"Laruan malamang" pilosopo niyang sambit.

"Tsk! Ang ibig kong sabihin, para san toh?" tanong ko habang hawak ang teddy bear.

"Wala lang. Masama bang mag bigay?" naiinis nako sayo ha!

"May sinabi bako?" pambabara ko.

"Wala naman pala eh. Tanggapin mo na yan, wala naman akong ibang pag bibigyan niyan eh"

"Tsk, fine! Thank you" ket naiinis ako sayo, thank you nalang.

"Yiee, bati na tayo?" nakangiti niyang tanong.

"Oo na lang" no choice kong sagot. Mas lumawak naman ang ngiti niya at niyakap ako. My gosh! Sanay nako na niyayakap niya ako but, not in front of many people!

"Ayieee! Bati na yung mag jowa!" pang aasar nila Jasper mula sa likod namin. Bumitaw si Theo at nilingon namin sila. This time, kasama na nila si kuya at si Sam. Magkatabi silang dalawa ngayon at may hawak ding stuff toy si Sam. Si kuya kaya ang nag bigay nun sa kanya?

To be continued

___________________

Yieee! Ang sweet nila!! Ship niyo ba rin sila Bridget at Theo, guys? WHAHAHAHAHA

And, sila Trigger at Sam. Parang, something smells fishy... 


BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Where stories live. Discover now