Chapter 8

961 28 1
                                    

Katana's pov

Nasa field ako ngayon nakaupo sa isang bench habang nag babasa ng libro at nakasuot ng earphones. Habang nakikinig ako sa music at nag babasa ay may biglang mga bulaklak na bumungad sa harap ko. Inangat ko ang ulo ko at nadatnan si Theo na nakangiti habang pinag mamasdan ako.

"A-anong ginagawa mo dito? Diba may klase kapa?" tanong ko at tinanggal ang earphones ko. Kami lang kasi ni kuya ang walang may klase dahil may meeting ang adviser namin.

"Nah. May meeting lahat ng teachers. Natagalan lang kaming palabasin dahil sinermunan pa kami"

"And? Para san toh?" tanong ko sabay turo sa mga bulaklak. Actually, boquet siya.

"Hmm, I have something to tell you" sambit niya at inabot sakin ang boquet.

"What is it?" tinanggap ko ito at umusog para makaupo siya sa tabi ko. Nasa gitna kasi ako ng bench nakaupo tapos sakop ng bag ko yung gilid ng bench, hehe.

"I've been meaning to tell you this for a long, long time" kwento niya.

"Spill it out. What is it?"

"I want to court you... I-I mean... Can I court you?" the only question that had made me speechless...

"S-seryoso ka?" tanong ko at tumango siya.

"Alam ni kuya?"

"Yes. Actually, I've been talking to him about this for years"

"And? He agreed?" 

"I think. Pumayag siya na ligawan kita when you reach the age of 16" sabi ko sa inyo eh!

"So?" tanong niya at sinara ang bibig ko. 

Lumunok muna ako at kumurap ng tatlong beses sakaling magising ako sa panaginip na ito pero HINDI! I'm not prepared for this day...

"Alright" sagot ko at gumuhit sa labi niya ang napaka lawak na ngiti.

"Really?! Thank you! Thank you!" masaya niyang sigaw at niyakap ako ng napaka higpit.

"W-wag mo n-naman a-akong p-patayin" nahihirapan kong sambit at binitawan niya ako.

"S-sorry... I just got so excited!"

"Halata nga eh" habol hininga kong saad na ikinatawa niya lang.

"Pero, ayokong mag babago yung trato natin sa isa't isa ha"

"What do you mean?" tanong niya.

"Even though your courting me and maybe in the future ay maging tayo... gusto ko, magkaibigan pa rin ang trato natin sa isa't isa"

"So... Friends? With benefits?"

"Hmm, parang ganun na nga. I'm not like those other girls who needs to be impress by a boy. I've had known you for a very long time. You don't need to do anything to impress me. Just wait for the right time for us to be together. I'll see you later. Bumalik ka na rin sa klase mo. Bye" kinuha ko na ang bag ko at iniwan siya dun.

*Few hours later*

Archery's pov

Nandito kami ngayon sa arcade at about dun pala sa "grounded" thingy. Well, dad let us off the hook. They said, 2 months is enough. If this happens again, ibang parusa na ang magaganap. And we don't want that to happen. Kaya alam nila daddy na nasa arcade kami and they even know where exactly it is. Anyway, hindi pa ako nag lalaro dahil patingin tingin pako sa lugar at nag iisip ng pwedeng laruin. Nakita ko naman si Theo sa tabi ko na patingin tingin din sa lugar na parang may hinahanap.

"Hinahanap mo ba yung kapatid ko?" biglang tanong ko at natigil siya.

"Ha? Ah oo"

"Ayun oh" sambit ko sabay turo sa direksyon ni Bridget at may kausap siyang lalaki. I think may tinatanong lang yung lalaki kasi ramdam kong hindi komportable si Bridget eh. She doesn't like when a stranger approach her. Nadala na siya dun sa nangyari sa New York. When we got kidnap at the restaurant where we are celebrating mom's birthday.

Palihim akong natawa nang makita ko sa mukha ni Theo ang selos at galit.

"Bro, chill" sambit ko ng susugurin na niya sana yung lalaki.

"Wala pa kayong label. Bawal pa mag selos" pang aasar ko.

"Oh yeah? Then, why don't you see who's Sam with?" agad hinanap ng mga mata ko si Samantha at nakita ko siyang may kausap na lalaki. Mabilis akong nilamon ng selos at galit habang tinitignan silang dalawa. Damn! I admit it, I have feelings for her. I just don't know how to tell it to her.

"Tol, chill" pag pipigil sakin ni Theo.

"Wala pa kayong label. Bawal pa mag selos" pang gagaya niya sa sinabi ko kanina. Nang gigigil talaga ako sa lalaking toh eh. Pasalamat siya pinayagan ko siyang ligawan ang kapatid ko dahil patay na patay siya kay Bridget noon pa man. Pero subukan niyang saktan ang kapatid ko, ako ang papatay sa kanya.

*Few hours later*

Katana's pov

"Nag seselos kaba kanina?" basag ko sa katahimikan. Nandito kasi kami sa 7/11 bumibili nanaman.

"Ha? Hindi ah!" sagot ni kuya.

"Weh? Eh halata sa mukha mo nung nasa arcade tayo eh!" pang aasar ko at kumuha ng tatlong malalaking packs ng chichirya. 

"Hindi nga" bored niyang sambit at kumuha pa ng dalawang packs.

"Sure ka? Di ka nag seselos?" pang aasar ko at kumuha ng limang bote ng chocolate drink sa ref.

"Hindi nga" irita niyang sagot.

"Weh?" kala niyo titigil ako ah.

"Titigil ka o ikaw mag babayad nito?"

"Sabi ko nga titigil na" ayokong mag bayad nito ah. May pinag iipunan ako ehe. Yan si kuya, marami yang pera eh. Bata pa lang kami nag iipon na yan. Ako lang talaga yung magastos.

"Huy, ano yan? May stocks pa tayong noodles sa bahay ah" saad niya ng kumuha ako ng cup noodles.

"Oo nga. Pero, lulutuin pa yun sa kalan eh"

"Tamad lang mag luto?"

"Slight... Aishh fine. Mag luluto na" binalik ko na ang cup noodles sa shelf at dumeretso na kami sa cashier.

Pero dahil mabait ako ngayon. Si kuya ang nag bayad sa mga chichirya at ako naman ang nag bayad para sa mga drinks. So yun nga, lumagpas 300 ang binayaran namin. Grabe talaga kami gumastos ng pera. Pero atleast, sa pagkain namin ginagastos. Mas ok na yun diba.

Bumalik na kami sa mansion at nadatnan namin ang tatlo na nanonood sa sala. Binigay na namin ang para sa kanila at dumeretso na kami sa kusina.

"Akala ko ba mag luluto ka?" tanong ni kuya ng makita niya akong kumuha ng bowl at isang pack ng noodles. Na nakaupo ngayon sa upuan ng counter table at nakakalat ang mga binili namin sa harap niya.

"Oo nga" binaba ko ang bowl sa counter table at nilagay sa loob nito ang noodles at seasonings tsaka binuhusan ng mainit na tubig bago tinakpan. Parehas lang naman yung lasa kahit lutuin mo siya sa kalan. 

Gawain ko na toh dati and since then, lagi ko nang ginagawa kapag gusto ko kumain ng noodles at wala akong time mag luto. Oh diba, tipid pa sa gas. Di ko kasi pwedeng utusan yung mga maids dito. Magagalit sila daddy. Alam niyo na rin naman diba. Bawal naming utusan sila dahil gusto nila mommy na kami ang gagawa ng mga kailangan naming gawin.

"Ang tamad mo talaga" sambit niya ng buksan ko ang chichirya.

"At least, maparaan" proud kong saad at sumubo na ng chichirya.

"Iinom ka niyan tas kakain ka ng noodles. Ang lakas rin ng trip mo noh" sermon niya ng buksan ko yung plastic bottle na may chocolate drink. Oo nga noh, iinom ako ng malamig tas kakain ako ng mainit ehe. Sa bagay, gawain ko na rin naman yun dati pa.

"Hehe" yan na lang ang tanging sagot ko.

To be continued

BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Where stories live. Discover now