Chapter 2

2.4K 62 6
                                    

Katana's pov

Maaga akong nagising at naligo na tsaka nag bihis ng uniform. Pag baba ko ng hagdan ay nakita ko na ang mga kapatid ko sa dining room.

"Nasan sila mommy?" tanong ko.

"I don't know. Hindi pa sila bumababa eh" sagot ni kuya at umupo na sa upuan niya.

"Oh, hey dad" bati ko ng lagpasan niya ako.

"Hey kids. Mauna na kayong mag almusal ha" madali siyang kumuha ng baso ng tubig at agad na umakyat pabalik sa kwarto nila.

Gets na namin kapag ganyan ang nangyari. It's obvious na sumusuka ulit si mommy. Tignan niyo, sunod niyan kung sang lupalop ulit makakarating si daddy kakahanap ng pinag lilihian ni mom.

Umupo na lang ako sa tabi ni kuya at nag simula ng kumain.

*Few minutes later*

Natapos na kaming kumain at nauna na yung tatlo sa kotse pero kami ni kuya ay aakyat muna kami papunta sa kwarto nila mommy.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.

"Mom? Dad?" tanong ko at binuksan ang pinto.

"Yes princess?" tanong ni dad.

"Mag papaalam lang po kami" sambit ko.

"Na?"

"Na baka past 6:00 na po kami makauwi" paalam ni kuya.

"Why?" tanong ni dad at nilingon ko si kuya. Actually siya lang naman yung uuwi ng ganung oras, dinamay lang ako.

"May project pa po kami na kailangang tapusin sa school" Hindi yan totoo hahaha! Alam ko kung anong gagawin niya.

"Alright, tawagan niyo na lang ako kapag uuwi na kayo" tumango kami at lumabas na ng kwarto.

"Bat kasi kailangan mo pa akong isama?" tanong ko.

"Ehh, mamaya ilaglag moko eh. Mas mabuti pang isama na lang kita ng madamay ka pag sinumbong moko" sambit niya at nauna nang bumaba. Ang bad mo kuya! Buset ka..

Nakarating na kami sa school at agad siyang sinalubong ng barkada niya.

"Eyy tol! Ano, nag paalam kana?" tanong ni Jasper.

"Oo pre. Pero isasama ko toh ah" sambit ni kuya at tinuro ako.

"Ayos! Mapapakitaan ulit kita ng mga malupitan kong moves!" saad ni Theo at inakbayan ako.

"Ang hangin mo pre!" pang aasar ko at tinanggal ang kamay niyang naka akbay sakin.

By the way, mag b-billiard kasi sila mamaya. Pwede naman siyang mag billiard noon kaso, dahil sa katarantaduhan ng mga kaibigan niya, pinag bawalan na tuloy si kuya. Ang nangyari kasi nun, kasama ako nung nag billiard sila. Medyo na bored sila kaya nagkaroon ng pustahan. Ubos yung pera ni kuya eh tapos hindi pa yun sapat, may parusa kasi. Kapag talo iinom ng alak. See? 16 pa lang si kuya nakainom na siya ng alak dahil sa mga takas mental niyang kaibigan. Ang malala biglang dumating sila tito Lance, mag lalaro siguro sila. Ayun, hahaha! Nahuli kami, by that time lasing na si kuya kaya grounded tuloy. 1 month grounded ako nun samantalang si kuya eh tatlong buwan. Pagkatapos nun, pinagbawalan na si kuya mag billiard or mag laro ng kahit ano na kasama ang mga kaibigan niya. Pero, sadyang makulit ang mga toh at nag hanap sila ng ibang place kung saan may bilyaran dahil baka mahuli ulit kami.

*Fast forward*

4:00 pm na ng matapos lahat ng klase namin. Nagkita kita na kami sa parking lot dahil kumuha kami ng limang bike na pag mamay ari ni Rancie.

BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Where stories live. Discover now