Chapter 19

556 21 2
                                    

*Few days later*

Katana's pov

Papunta kami ngayon sa mall para bumili ng party stuffs. Diba nga nanalo si kuya bilang prom king at ako naman ay prom princess. Mag papaparty kami sa dating bahay at imbitado ang buong klase namin actually, 10 lang kaming lahat sa klase kaya konti lang. Alam na nilang lahat yun kaya excited sila at bukas na yung party kaya nag hahanda na kami.

Pagkarating namin sa mall ay kung ano ano ang mga pinag bibili namin. Ako na lang ang mag luluto at mag papatulong ako kay kuya. Marunong naman kami eh, mana kami kay mommy ehe.

*Few hours later*

"Bal, ilalagay lang namin toh sa kotse ha" sambit ni tito Lance at tito Jerome habang dala ang mga shopping bags. 

"Sige po mga tito" actually, ang dami na naming nabili eh kaya marami na silang dala. Ayaw nila ibigay samin kaya hinayaan na lang namin. May dala rin naman kaming mga bag pero nasa tatlo hanggang apat lang.

"Bibili pa ba tayo ng cake?" tanong ko kay kuya.

"Yeah. Pero, ipadeliver na lang natin. Umuwi na tayo. Marami rami na rin yung nabili natin" tumango ako kaya sumunod na lang kami kila tito sa parking lot.

Nang makarating kami sa dating bahay ay kaagad naming sinet up ang mga gamit.

*Few hours later*

"Tapos!" sigaw ko nang matapos ko ang pag lalagay ng hangin sa mga lobo. Actually, di namin toh plano. Aksidente ko yatang nadampot toh sa shelf kaya no choice kundi gamitin. Sayang naman. 

Dinikit ko na ang iba sa pader habang si kuya ay busy sa pag lilinis. Dumeretso nako sa kusina at inayos ang mga lulutuin ko para bukas. 

Inabot na kami ng gabi sa pag seset up kaya dito na lang kami nag palipas ng gabi.

*The next day*

Hapon na at sabay sabay nagsi datingan ang mga kaklase namin.

"Hoy, Jasper! Bat may dala kayo niyan?" tanong ko. May dala kasi silang limang case ng mga light beer.

"Syempre! Di masaya ang party kung walang inuman! Diba classmates!" sambit niya at nag hiyawan naman silang lahat. Siraulo talaga toh. Bahala nga sila, basta di mahuli. Kundi, patay nanaman kami.

Nag patugtog ng napaka lakas na music si kuya habang ako naman ay inaayos ang mga niluto namin ni kuya kanina. Puro tawanan, sigawan, sayawan ang nangyari sa sala at nag kabit pa ng disco ball si kuya kaya mas lalong naging wild tong mga toh.

*Few hours later*

Natapos na kaming lahat kumain at binuksan na nila ang mga beer. 

"Oh wait lang! Boring naman kung iinom lang tayo diba? Let's play a game!" panimula ni Clark ang class pres namin. 

"Sige ba! Anong game?" tanong ni Kyle ang vp.

"Ano ba trip niyong laruin?"

BDD #2 | The Billionaire's Heiresses ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon