C H A P T E R 30

102 2 0
                                    




Hindi ko alam kung paano ako naka labas sa restroom niya, hiyang hiya ako. Kahit kumakain na kami, ginagawa niya ang lahat para maging komportable ako.




At nang matapos ang araw na iyun ay napag pasyahan kong huwag na siyang pansinin pero naisip ko rin na hindi na kami mga bata, normal lang yung ganoon.




And I'm thankful because he's so kind, He did not take advantage of me even though I was the one who initiated the kiss.




He really loves me, and he respects me.




"Kinakabahan ako Faith, ngayon ko pa lang makikilala ang pamilya ni Khalid, ang sama pa naman ng ugali ng mga iyun," walang prenong saad niya. Sinamaan ko siya ng tingin, judgemental ha.




"Si Kyla at Kirshie close ko pero busy yung dalawa sa negosyo nila, may clothing line kasi yun, 2k's fashion ang name," napa nganga ako dahil yun yung pangalan na naka lagay sa damit at bra na binigay sakin ni Aedrix nung nakaraan.





Kasalukuyan kaming nag hahanap ng masusuot ni Venice, ngayon na ang birthday ng Papa ni Aedrix.





Half day lang ang pinasok ko ngayon para makapag handa mamaya sa dinner.




"Basta kinakabahan ako, baka gawin din sakin yung ginawa nila kay Althea, shet! Huwag na kaya akong sumama?" Napa iling ako nang tumigil siya sa pag aayos.





"Kung ano ano ang iniisip mo, mababait naman sila, kaya ayaw kay Althea kasi hindi mayaman, eh mayaman ka naman!" Humalakhak ako, sumimangot naman siya.




"I'm not rich! Yung mga magulang ko lang. At isa pa, pake ko kung hindi nila ako gusto,"





"Duuh ang ganda ko kaya para ipag pilitan ang sarili ko sa kanila-ay wait!" Ibinaba niya ang hawak niyang gamit at sapilitan akong hinarap sa kaniya.




"Mansyon ang pinapatayo ni Khalid gurl! Excited na ako tumira doon!" I laughed at her, she's so thrilled.





"Dalhin mo rin ako sa bahay niyo, gusto kong makita," inalog alog niya ako at ramdam sa kaniya ang pagiging excited.





Seven in the evening when Aedrix arrive and fetch me.




"Hi!" Bati ko sa kaniya nang bumaba ako sa hagdan, malayo pa lang ay malawak na ang ngiti niya habang naka tingin sa akin, pero ang nakaka intimidate niyang tingin ay andoon rin.




"My girl looks so gorgeous every day, especially tonight," he welcomed me with his warmest hug.




"Hmmm ang bango mo..." Papuri ko ko habang nasa dibdib niya.




"Of course, hiya ko lang sayo," humalakhak siya ganoon din ako. My parents have a date that's why they're not here.




"Let's go? Papunta na rin si Khalid para sunduin si Venice, and Cael.... Volunteered to fetch your friend Jennice," otomatikong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.




"Bakit naman gagawin ng pinsan mo yun? Close ba sila?" I crossed my arms.




"I don't know.... let's go?" Umiwas siya ng tingin at inalalayan na ako palabas.





I'm wearing a bodycon dress, it's a silver. I put long white coat. I also wore my white pumps.




"Anong gift mo kay Dad?" Sinulyapan ko ang dala kong regalo.




RUINED HEART(Company series#3)Where stories live. Discover now