Prologue

45.7K 754 154
                                    

***************************************Dedicated to Admin A char hahahahaha *******************************

New York



"HERE she is!" ang sabay-sabay na wika ng mga tao.Ang isang photographer na unang nagkaroon ng pagkakataong kunan siya ng larawan sa loob ng silid ay paatras na lumakad sa hallway habang walang tigil ang pag-click ng camera sa kanya.She swayed. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Ross, her mother's trusted friend. She felt dizzy as she gazed at the ocean of faces below.


"I–I don't think I can make it to the stairs, Ross..." pagak niyang sabi."Of course, you can," pagbibigay nito ng lakas ng loob. "Huwag mong intindihin ang mga paparazzi na iyan."


Imposibleng hindi niya intindihin ang media people. Naroon ito at nakapaligid sa kanya, nagkikislapan ang mga flashbulb ng mga camera.


Nilingon niya ang pinanggalingang silid. Somehow, she wanted to stay behind kaysa harapin ang mga taong nasa ibaba.


Subalit imposible iyon. Sitting in the middle of the bed was handsome Jeffrey Moore, forty years old, at isang kilalang television producer and director. Nakayuko ito at isinusuklay ang kamay sa buhok. Shannon had no idea if he had something on underneath the white sheet that covered half of his body.


Naroon din si Steffanie Shultz, modelo ring tulad niya. And Jeffrey's fiancee. She was crying hysterically while hurling names at him.


Bagaman hindi siya binibigyan ng pagkakataon ng mommy niya na makihalubilo sa mga kasamahan sa trabaho maliban sa mismong araw at oras ng show, naging kaibigan niya si Steffanie. Marahil dahil bagaman ipinanganak at lumaki ito sa Amerika, ang ina nito ay isang Fil-American at marunong ito ng Tagalog.


"Shannon, look this way!" sigaw ng isang reporter sabay kislap ng camera.The flashbulbs were blinding her. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hindi sa ilang security guards na humaharang, natitiyak niyang kanina pa siya dinumog ng mga paparazzi.Shannon wished some miracle would happen. Na bigla na lang siyang maglalaho sa lugar na iyon. Subalit hindi nangyayari ang mga himala. Kailangan niyang harapin at lampasan ang mga taong nasa ibaba.


She felt like bursting into tears. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, ngayon niya nararamdamang kailangan niya ang ina. Kung narito lang si Antonia ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Her mother would take care of everything, her brilliant, smart, charming, and relentless mother.


Subalit kasalukuyang naka-confine sa Mayo Clinic ang ina may tatlong linggo na ngayon para sa panibagong serye ng mga pagsusuri. She was found out to have terminal illness. And earlier tonight, she didn't even feel like attending this party. Gusto niyang alagaan na muna ang ina subalit ito mismo ang tumanggi.


"I don't want you here, Shannon," Antonia said sternly. "Ano ang ginagawa ng mga nurse sa napakamahal na ospital na ito?""Mommy..."


"Ross will take care of you—"


"Mom, puwede ko namang ipagpaliban ang show. Maiintindihan ako ng management dahil may sakit ka." Hindi niya gustong sabihin sa ina na hindi niya gusto ang ginagawa ng kaibigan nito mula nang maratay ang ina. That Ross had been talking to a lot of people, wanting to find her another contract.

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now