"I really wanted to help you, but you tried to kill my pet. That's unforgivable act"-seryosong saad niya at saka tinaas ang spear niya patungo sa leeg ko.

Isasaksak na sana niya nang magpalamon ako sa anino ko.

Kung hindi anino ang kapangyarihan ko patay na ako.

Mabilis akong pumunta sa anino ni Vien at hinatak siya, para makalayo na kami.

Sai POV

"Awww, they run away. What a coward."- saka iwinasiwas ang spear ko sa malaking puno kaya natumba ito.

Seryosong naglakad ako papunta kina Icel at Shonobi.

Pinahid ko ang kamay ko sa dugo na nasa ice spikes sa buntot ni Icel. At tumingin sa timog kung saang direksyon sila patungo.

Amoy na amoy ko ang dugo mo ate Persephone. Amoy na amoy ko ang dugong dumadaloy sa'yo. Hanggang kailan mo gagamitin ang kapangyarihan mo para magtago? Hanggang kailan mo gustong tumakas?

"Thania, labas"-seryosong saad ko at lumabas ang itim na magic circle sa uluhan ko at lumabas doon si Thania. My Dark Fire dragon.

"Icel and Shonobi, go home"-saad ko sa kanila, kaya lumipag na papalayo si Icel habang nakasakay sa kanya si Shonobi.

"Thania, here"-pinaamoy ko sa kanya ang dugo na nasa kamay ko at saka bumaba ang leeg niya para makasakay ako.

Mabilis na lumipad ito habang papuntang timog.

"Ate Persephone!!!! Tama na ang taguan!! Maglaro naman tayo. Alam kong pagod ka na. Pahinga ka muna"-malambing na sigaw ko habang nakatayo ako sa likod ni Thania.

Persephone Black POV

"Ate Persephone!!!! Tama na ang taguan!! Maglaro naman tayo. Alam kong pagod ka na. Pahinga ka muna"

Rinig ko ang sigaw niya, alam kong papunta siya sa direksyon namin.

Sh*t! Paano na 'yan?!

"Persephone, tigil na. Pagod ka na"-mahinang saad ni Vien pero umiling ako.  Kailangan naming makaalis sa lugar na ito.

Habang patuloy ako sa paglusot, nanghihina na ang buong katawan ko at nanlalabo na rin ang mata.

Sh*t, 'di ko na kaya....

Vien Lockheed POV

Nasa ilalim kami ngayon ng puno. Pinipigilan ko ang pagdaloy ng mga dugo palabas sa katawan ni Persephone.

Shit!

"Persephone! Hang in there. Makakatakas tayo, sinisigurado ko 'yan"-nanginginig na saad ko habang patuloy na pinipigilan ang dugo sa likod niya. Wala na rin siyang malay, pagod na siya.

Napatingin ako sa taas nang makita ko na nakatayo si Sai sa isang itim na dragon.

"Napagod din siya"-mapaglarong saad niya at tumalon. Saka lumapag sa harapan ko.

"Tabi tabi"-saad niya habang ang spear niya ay nakatutok sa leeg ko.

"Ano pa ba ang kailangan mo? Hindi naman namin napatay ang alaga mo ah! Ano pa ba?"-matapang na tanong ko, na ikinatingin niya sa akin at saka siya ngumiti.

"Your life"-pagkasabi niya doon ay para akong nabingi.

Masama 'to.

Malakas niyang sinipa ang mukha ko kaya tumilapon ako sa malayo. Tumayo agad ako, hindi ako nag-aaksaya ng oras. Di ko hahayaang mamatay si Persephone.

Damn it! I can still fight!

"100 flying swords and 200 fire arrows! Attack!"-sigaw ko at nagliparan ang mga sandata sa kanya.

"Ahahahhaha ahahhaaha ahahhahahaha"-pinaikot ikot Niya ang spear niya habang tumatawa ito. Wala ni isa ang tumama sa kanya. Damn it.

"Hey Vien"-pagkatawag niya sa pangalan ko ay mabilis niyang pinalipad ang spear papunta sa akin at lumusot ito sa tyan ko saka ako napasandal sa puno.

"Accckkk!"

Unti-unti akong napatingin sa tyan ko na nakabaon na ang spear niya at naka baon rin sa puno.

Napa ubo na rin ako ng dugo at nagsimulang manlabo ang paningin ko.

Nakita ko pa kung paano pulutin ni Sai ang espada at naglakad papunta kay Persephone at isinaksak ito.

Di ko na kaya

Patawad, Persephone.


✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

May update ulit hayst..

Sana magustuhan ninyo...

I love you guys

Keep safe.

The Soul KeeperKde žijí příběhy. Začni objevovat