Chapter 8

66 22 3
                                    

Chapter 8: Red Box



Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pag-gising sa akin ni Hage kanina pa nga siya alog ng alog sa akin at isama niyo pa ang pagsipa niya ay nako! Nakakainis.

"Ano ba yun?" iritadong sabi ko.

"Pagkain. Gutom nako." sabi nito sabay kuha ng remote at binuksan ang tv.

"Yaya mo lang? Makautos to?" masungit na sabi ko dito. Tinext ko si kuya at nagpabili sakanya ng almusal wala namang bawal sakanya na pagkain kaya pinaorderan ko siya ng silog dahil nagca-crave ako sa ganong pagkain.

Kinuhanan ko siya sa ref ng banana milk at isang mansanas. Napalingon ako ng may kumatok pinagbuksan ko andyan na yung pinabili ko kay kuya.

"Pagtapos nito siguro naman pwede nakong umalis no?" sabi ko pa sakanya. I hate this thing lalo na't kami na naman ang nagka-kasamang dalawa.

Nakita kong nagsisimula na siyang magbukas ng tupperware. Iniwas ko na ang tingin ko sakanya at kumain nalang ako ng kaninang binalatan kong mansanas.

Nagring naman ang cellphone ko kaya sinagot ko na ito kaagad. Si Fino.

"Hello?"

[Ah Trina? May kailangan kang tignan dito sa pinagkitaan natin dati. May kaunting sira na naman yung gawa nila kaya kailangan mong tignan bukas kung makakauwi kana]

"Okay sige. Bukas na bukas din makakauwi nako. Okay, thank you fino. bye." sinadya ko talagang lumingon kay Hage para sabihin ang mga iyon sakanya. Dahil sa totoo lang hindi ko na kayang magtiis kasama siya kasi puro ganito lang ang mangyayari kapag nagsama kaming dalawa. Away. Asaran. Bangayan. Basta sobrang gulo namin.

Kaya minsan napagkakamalan na kami ni Hage. Nawawalan ako ng focus kapag siya yung nakakasama ko minsan hindi ko alam kung anong irereact ko kaya nga sabi nila control your emotions pero paano mo ico-control yung emotion mo eh kung ex mo yung kasakasama mo.

***

"Madam? Tawag na po kayo." sabi ni Thylane sabay angkla sa braso ko.

"Andyan na ba si Kuya Ford? Pakisabi aalis nako. Makinig kayo sakanya huwag na huwag kayong magpapasaway sakanya."

"Kanino ba, Madam? Kay boss hage po ba?" tanong naman nitong ni Tryson. Ay ewan ko ba sa mga batang to!

"Sige na aalis nako." nakangiting sabi ko sakanila.

"Boss, wala bang goodbye kiss dyan kay Madam or bye lang talaga? Cold mo talaga boss hage." sabi naman ni Tryson.

"Boss Hage dali na!" gatong naman nitong si Ashton.

Napuno na sila ng asaran kaya pumasok nako sa loob ng kotse. Nakita kong papalapit sa akin si Hage. Huwag mo namang sabihin na may gagawin na naman to!

"Uhmm...Trina. Thank you sa pagalaga mo sa akin sa hospital." saad niya habang nakatingin sa akin gamit na naman niyang malamig na tingin niya. Ano pa nga ba! Pero wait nagpasalamat ba siya? Bago yun haha!

"Ingat." pahabol pa niyang sabi. Sinarado ko na yung bintana ng kotse. Nakangiti ako habang naalala ko yung seryoso niyang mukha habang sinasabi yung pasasalamat kuno ni Hage. Haha!

Pagkadating ko sa kompanya madami na kaagad silang binalita sa akin pasa ng ganitong form, document etc. Oo nga pala CEO ka trina! Waaah! Seriously.

Sa Saturday naman yung pabar nitong si Aisha. Nakahanda naman na yung susuotin ko kaya wala nakong problema. Hapon narin kasi ng makadating ako dito dahil ang traffic kanina.

Nang magoff na ang iba tsaka na ako lumabas nitong opisina. Nagpadrive narin ako kay sircon dahil hindi ko kayang magdrive ngayon dahil ang dami kong binasa na documents at pinirmahan na mga papeles.

"Kanina nga po pala, Madam habang wala po kayo dito may nagpadala po nito sa opisina niyo po wala pong pangalan na nakalagay." binigay sa akin ni Sircon yung box na kulay pula na hindi ko alam kung ano ang laman.

Pagkabukas ko palang ay masangsang na ang amoy. Ang baho naman nito! Amoy dugo ng--Shit! Ano ito? Wutdafudge! Pinatapon ko kaagad yung box dahil yung amoy ng hayop ay baka pumaligid sa kotse ko.

Pero may nakita akong litrato kaya kinuha ko yon kahit diring-diri ako dahil sa sobrang curious ako kung anong laman ng pulang kahon na ito. May bakas siya ng dugo at itong litrato na ito ay sa mga naging kagangmates ko ito. Shit! No way. Hindi kaya?

Naghihiganti na naman sila.

At mas lalo ko pang ipinagtaka yung nakasulat dito.

'REVENGE'

Tsk. Sino naman kaya ang may balak nito sa akin! I guess siya ang magready dahil ako born to be ready! Sa dami ko ng natanggap na death threats di pa ba umay yon!

Wala naman akong paki kung aatake na naman sila dahil matagal ko ng tinapos kung ano man yung namagitan sa grupo namin. Wala rin naman akong pakialam kung magkapatayan man kami kasi alam ko rin na darating din ako sa ganon.

Hanggang ngayon hindi parin sila move on? Mygosh. Move on, move on din. Kilala ko na kung sino nagpadala nito.

"Madam, andidito na po tayo." sabi ni Sircon sa akin.

"Salamat. Pwede ka ng umuwi." saad ko pa nilock kong mabuti ang lahat pati yung mga gate and other access na pwede nilang matrack sa place ko lahat iyon sinecure ko na.

Matutulog nalang ako ng mahimbing nito at bukas na bukas ipapaalam ko din kung anong grupo ang nagpadala nito sa akin. Marami akong contacts at pwede ko din silang isa-isahin. Back to my old game tsk!

Madam CEO & Her Ex-Gangster BoyfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang