"Ito hati nalang tayo para pantay tayo ok ba?" sabi ko at nginitian siya, kaagad siyang ngumiti ng napakalawak at sinabi, "Akin nalang kaya lahat di mo naman kaila----aray!" reklamo niya ng kaagad ko siyang binatukan at tinigil na ang pagsalin ng kabibi.

"Hindi patas yon' Jade," sambit ko kaya nagpeace sign lang siya sakin at tumawa, "Joke lang eh," rinig kong bulong niya kaya umiling-iling nalang ako. "Maggrade 6 na tayo Ali, excited na akong bumili ng mga bagong ballpen at notebook," masiglang sambit ni Jade habang nagnining-ning ang mga mata. "Ikaw ba ang bibili?" pilosopo kong tanong sa kanya.

"Ahehehe syempre si Mama pero gusto ko kasi sumama," sabi niya at tumingin sa dagat. Gaya niya pinagmasdan ko din ang dagat, napakaganda ng kulay ng dagat pati narin ang araw. "Nga pala Ali napanuod mo na ba yong pinahiram kong bala sayo, yong Flipped?" Tanong niya sakin habang nakatingin kami sa dagat.

"Oo kagabi ko lang napanuod, ang ganda niya gusto ko nga si Bryce eh," sabi ko at ngumiti ng maalala ko si Bryce sa Flipped.

"Luh! Akin si Bryce eh!!!" Biglang sambit ni Jade, at tinignan ako ng nakasimangot. Hinarap ko siya at tumawa, "Akin siya mas bagay kami," pang-aasar ko sa kanya. "Akin siya prince charming ko siya!!" pagpupumilit niya sakin, "Hindi akin siya ayaw niya sayo puro ka kasi laro ng gadgets," natatwa kong sambit at tumawa habang tinitignan siyang lalong lumukot ang mukha.

"Akin sabi siya eh, mas bagay kami kasi ayaw niya sa kagaya niyo ni Juli, mga weird bleh hahaha," kasabay 'non ay ang biglang pagtayo niya sa inuupuan at tumakbo papunta sa abing dagat.

"Ikaw!!!" bulong ko at binitawan ang baso ng kabibi sa tabi ng duyan at kaagad siyang hinabol, "Hahahaha Juli Baker, Ali baker hmm bagay hahaha," patuloy na pang-aasar ni Jade, natatawa ako at hindi napipikon pero gusto ko lang siyang habulin at kilitiin dahil ayon naman ang palagi kong ginagawa pag iaasar niya ako.

Mas binilisan ni Jade ang pagtakbo ng makitang malapit na ako sa likuran niya, umakyat siya sa parang malaking gasibo dito at nagpatuloy tumakbo hanggang dulo. Agad akong napangiti ng makitang wala na siyang tatakasan sad ulo nito kaya mas binilisan ko ang takbo ko.

"Mga bata bawal d'yan!!!" nagulat ako ng may sumigaw mula sa baba kaya napalingon ako habang tumatakbo, yong bantay dito ang sumisigaw. "Baba kayo d'yan!!!!" sigaw nito habang tumatakbo papunta dito.

Lilingonin ko na sana si Jade ng makitang nasa gilid na ako ng tapakan dito, "Ahhh!" sigaw ko ng mawalan ako ng balance at nahulog mula dito. Agad akong bumagsak sa malalig na tubig, at kasabay non' ay ang pagatake ng pulikat saking kaliwang paa. Kaya hindi ko nagawang lumangoy, malim na parte ng dagat ang nahulugan ko.

"Ali!!!!" rinig kong sigaw ni Jade ngunit nagsimula na akong malunod, nakakainom na ako ng tubig dagat. "T-tulong!" sinubukan ko pangpanatiliian na nakaangat upang makahinga pero hinihila ako ng tubig pababa.

"Ali!!! Tulong!!!" naririnig kong sigaw ni Jade at ang pag-iyak niya. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko nang lulubog na ako, habang unti-unti nang nawawala ang pagkapulikat ng paa ko ay hindi ko parin magawang lumangoy at kahit anong pilit kong lumangoy pataas ay parang hinihila na ako ng tubig pababa.

Pinikit ko ang aking mga mata ng makita ang madilim na paligid sa ilalim ng tubig, natakot ako na baka kung anong meron dito sa ilalim kaya hindi kona magawang lumangoy at gumalaw pa, at nawawalan narin ako ng hangin sa katawan dahil sa katagalan ko dito sa ilalim.

Nang imulat ko muli ang aking mga mata, nakaaninag ako ng tumalon dito sa tubig at lumangoy papalapit sakin, isang batang lalake? Tinaas ko ang aking kamay upang abutin siya, "Tulong," bulong ko at naramdaman ko ang paghawak niya saking kamay.

Nakaramdam ako na ligtas na ako ng hawakan niya ang aking kamay, pero nanlabo na'rin ang aking paningin at unti-unti nang dumudulim ang aking paningin. "Ali.. Ali," Boses yon ni Jade ah, naririnig ko ang boses ni Jade, umiiyak siya? Nakakaramdam ako ng mabigat na bagay saking dibdib at patuloy ako nitong dinidiinan.

Parang may tubig sa loob ng tyan kong gusting lumabas, pero nahihirapan ako huminga. Bakit hindi ako makahinga, parang walang hangin sa loob ng aking katawan kundi tubig? Bakit----.

Nakaramdam ako ng malambot na bagay saking labi, at nakaramdam ako bigla ng pagpasok ng hangin saking katawan na nagging dahilan ng pagakyat ng tubig saking katawan at agad akong nasuka.

"Ali!!!!" Sigaw ni Jade sa tabi ko habang patuloy kong sinusuka ang tubig saking katawan, ng subukan kong buksan ang aking mga mata, ito'y malabi at medyo may kadiliman pa, at mabigat parin ang pakiramdam ko.

"Salamat sa pagligtas kay Ali," rinig kong sambit ni Jade habang hinahagod ang likod ko gamit ang dalawang kamay niya. Teka dalawang kamay? Kainino pala itong nakahawak sakin ngayon? Napakalambot ng kamay na ito, pilit kong munumulat ng maigi ang aking mata para makita ang kamay ko at kung kainino ang hawak kong ito pero hindi ito lumilinaw ng kahit konti.

"Hmm," narinig ko ang boses ng lalake, at dahan-dahan na nitong binitawan ang kamay ko.

Nanghina ako muli dahil nahilo ako sa pagkakaupo at pilit pagmulat ng aking mga mata, "Tara na dalhin na natin siya sa hospital," rinig kong boses ng isang matandang lalake.

"Opo," Jade. Binuhat ako at minulat ko muli ang aking mga mata at may naaninag na dinaanan naming batang lalake, siya yong Nakita ko sa ilalim ng dagat pero Malabo parin ang aking paningin hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha.

"Agh!" sambit ko ng biglang kumirot ang aking ulo at nakaramdam ng pagkahilo, pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Gusto kong makita ang mukha ng batang lalake, pero sobrang bigat na ng talukap ng aking mga mata.

At hindi ko na talaga kinaya at pumikit ako at di ko na namalayan ng buong paligiid. Salamat sayo.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang