Chapter 36 : One Fearless Game

Начните с самого начала
                                    

"Anong pa----Uuuuugggghhh!"       -namilipit ako sa sakit ng patayin nya ang sigarilyo sa balikat ko.

Nag iinit na ang mata ko, oo -- umiiyak ako, umiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko. Sa mga pangyayaring ganto, tanging pag iyak na lang ang magagawa ko, panget pakinggan para isang lalaking tulad ko pero wala akong magawa.

"Kalagan nyo sya !"       -sabi ng lalaking malaki ang katawan at sinunod naman yon ng mga kasama nya.

"Anong gagawin natin sa kanya ?"         -tanong ng isa.

Hindi sumagot ang lalaki at sumenyas lang sa isa pa nilang kasama at may nilabas yon na dalawang lalagyan na hindi ko malaman ang kung anong meron at nang makalapit ay nilapag yon sa harap ko. Sa maga ng mata ko, hindi ko na makita kung anong meron doon.

"Ngayon mo palang mararamdaman ang sakit bata, kaya humanda ka !"         -sabi ng isa habang hawak ang buhok ko.

Sinimulan nyang kunin ang dalawa kong kamay at nilagay yon sa lalagyan na ngayon ay nasa harap ko.

"Uuugggghhhhhhh !"         -napahiyaw ako sa sakit, f*ck ! mainit na tubig, mainit na tubig ang laman non.

"TAMA NA !"      -sigaw ko.

"Ganun ba ? Sige tama na !"         -inalis nya yon at nilagay nya sa kabilang lalagyan.

"Uugghhhhhhhh"

Shit ! isang lalagyan na punong puno ng yelo, mas doble ang sakit non ! Ayoko na. Napapakagat ako sa labi sa nangyayari sakin. Hindi ko na kaya. Naka ilang palitan yon ng paglagay sa kamay ko at naramdaman ko ng namamaga yon, tinigil nila yon at winasiwas ako sa sahig at sinimulan akong bugbugin ulit. Nahihirapan na akong huminga sa ginagawa nila, gusto ko ng sumuko, pero hindi -- hindi ako pwedeng mamatay ! kailangan kong makaalis dito.

"Hindi na ba natin ibabalik ang pagkakatali nya ?"

 

"Hindi na, sa bugbog nya ngayon ay hindi na sya makaka-alis sa lugar na to."

 

"Ang tagal naman tapusin yan !"

 

"Wag kang mainip, malapit na!"

Naghahabol ako ng hininga ng marinig ko ang usapan nilang yan, at narinig ko din ang mga yabag nila na paalis sa pwesto ko. Papikit na ang mata ko pero pinilit kong gumalaw at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Shit ! ang sakit ng kamay ko, pero kailangan kong gumalaw para maka-alis ako dito. Binuksan ko ang cellphone na nasa bulsa ko at sinimulang idial ang number ni Lirie, pero pinapatayan nya lang ako. The eff Lirie, bakit ngayon pa ? Malamang, galit sya sakin. Nagdial ulit ako ng number at hindi ko na malaman kung sino ang natawagan ko at sumagot naman yon.

Morthon University : "League of Assassin" (Book 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя