90

33 9 0
                                    

Kayla's POV:

"Medyo kinakabahan nga ako eh." Althea sighed.

Nasa loob na kami ng room namin, hindi pa naman kami masyadong inaantok kaya nagkwentuhan muna.

However, di pa kami kumpleto.

Nasaan na ba yun? Tumutulong pa ba? Busy pa ba?

Busy ata, as usual.

"Huy, tahimik mo masyado ha? Ayokong nagkakaganyan ka. Ayoko yung antahi-tahimik mo." siniko siya ni Althea.

"Oo nga, kahit ako nawi-weirduhan na ako sayo. Okay ka lang ba?" gatong naman ni Princess.

"Oo, okay lang ako. May iniisip lang." tipid kong sagot.

Di ko din naman kase alam kung okay lang ba ako.

Kanina lang bago kami makabalik sa room, nakita ko si Ella at Dwayne na nag-uusap.

Tumatawa-tawa pa nga yung isa. Akala mo walang jowa.

Akala mo walang Venice. Hays.

Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan ng biglang bumukas yung pinto namin.

Biglang pumasok si Kayleigh na ikinagulat namin.

"Guys, si Ella daw, nasa clinic." kalmadong anunsyo neto.

"Gago?!" gulat na sabi ni Leah kaya ay nagmadali silang magsitayo at lumabas.

Bigla din akong kinabahan. Pero sa ngayon, I need to stay calm.

Mga ilang minuto din kaming naglakad papunta don. Nasa may pinto na kami ng clinic ng biglang nagbukas eto at bumungad si Dwayne.

"Oh, dito na pala kayo. Mag usap kayo, ayusin niyo yung mga dapat ayusin niyo." Dwayne said, looking at me while saying the last part.

What? Anong aayusin? Wala naman kaming nasimulan.

"S-salamat? Okay na ba siya?" biglang nagsalita si Nicole.

"Hmm. Nahimatay siya kanina habang nag-uusap kami. Sumakit na naman yung ulo niya. Madalas bang mangyare to?" tanong ni Dwayne.

Bigla silang tumingin sa akin at bigla akong kinabahan ulit.

"A-ah... Ano... Hindi naman. Depende nalang kung may bagay na magpapatrigger ng past memories niya. Kase pipilitin niyang maalala yun." I answered, remembering the day she told me that.

Sanaol pinipilit na maalala.

Dwayne nodded, lightly smiling.

Ano bang nangyayari?

"Pasok na kayo, parang madami pa kayong pag uusapan eh. Hindi niya alam na nandito kayo, ayaw niya kayong maistorbo, pero alam kong kayo yung kailangan niya... Una na din ako." huling sabi neto bago umalis.

"Ano bang pag uusapan natin?" nagtatakang tanong ni Princess.

"Sshh... Mamaya na." awat ni Nicole.

Isa isa kaming pumasok at nakita naming walang tao sa kama, kung saan namin siya inaasahang makita.

"Oh? Nasaan na yun? Umalis na ba?" Althea asked.

Maya maya biglang bumukas yung pinto ng CR.

She looks surprised. Na para bang kami yung huli niyang gustong makita.

"Bakit kayo nandito?" tanong niya, emotionless.

"...A-anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Althea asked, dahan dahang lumalapit Kay Ella.

"Yes. Makaka-alis na kayo." sagot neto bago linagpasan si Althea. Lumakad siya papuntang kama, at nagsimulang mag-ayos ng gamit niya, ignoring our presence.

"Ella ano bang problema mo? Bakit ba ganyan ka umasta ha? Ambastos naman ata." Leah said. Halatang inis na.

She stopped fixing her clothes, bago ito tumingin sa amin.

"Diba dapat kayo yung tanungin ko niyan?" She said, voice mocking.

"Ano na naman ba to, Ella? Ha? Anong pakulo na naman to?" Singit ni Nicole.

"Kayo? Anong problema niyo saken? Bakit ganon kayo umasta? Umaasta kayong okay ang lahat. Na malinis at maayos ang lahat pero andami ko pa palang hindi alam tungkol sa sarili ko. Ambastos naman atang pakisamahan kayong wala akong alam sa halos lahat tungkol sa mismong sarili ko, tas kayo? Meron. Andami niyong nilihim sa akin!" tumaas na yung boses niya.

Nagkatinginan kaming lahat. Alam namin kung anong tinutukoy niya.

"Anong pakulo to? Ha?! Anong pakulo tong ilihim sakin lahat ng mga importanteng bagay na dapat kong malaman?!" ibinaba niya yung damit na hawak niya, padabog.

"Lalo na kayo." nakatingin siya kay Nicole at Althea, na nakayuko lang.

"Pinagkatiwalaan ko kayo... Tangina. Bakit ko nga ba kayo pinagkatiwalaan?" tumawa ito. Yung nang aasar.

"Ella. Balak naman naming sabihin sayo eh. Wala naman kaming planong ilihim sayo lahat." sabi ni Princess.

"Pero nagawa niyo na! Hanggang kailan? Hanggang kailan niyo ako gagawing tanga, ha? Hanggang kailan ako mamumuhay na puro kasinungalingan ang lahat?!"

Ramdam na sa buong kwarto ang tensyon.

"Makinig ka nga muna samin. Handa naman kaming sabihin lahat sayo eh." sagot naman ni Leah, dahan dahang lumalapit kay Ella.

Only to be pushed away.

"Hindi. Ayoko na. Who knows kung totoo ba talaga 'yang ikukwento niyo sa akin? Baka paikutin niyo na naman ako." Nakangiti ito, ngunit kita sa matang galit pa rin ito.

"Akala ko ba gusto mong malaman yung totoo ha? Nandito na nga oh. Tas ngayon, tatakbuhan mo?"

Nakita ko siyang napatingin sa akin. Then I just realized na ako pala yung nagsalita.

For a second, I saw how her eyes went soft ng nagtagpo yung mga mata namin. Pero agad nawala yun.

"You had a lot of chances. Maraming mga araw na magkasama tayo, pero pinili mong magsinungaling. Problema ko pa ba yun?" balik ulit sa nang-aasar yung boses niya.

"Ella, makinig ka muna sa amin. Sorry, sorry kung hindi namin sinabi agad. Ayaw lang naming makasira ng relasyon." sagot ni Nicole.

Napatingin siya kay Nicole.

"Talaga? Ayaw nyong makasira ng relasyon... Yet you've already ruined one." Sagot niya, bago tumingin s aakin.

putangina.

Naalala na niya.

••••••••••••••••••••

-TaeJinKook257

THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaengWhere stories live. Discover now